Finale

3.2K 94 4
                                    

Nakarating na sila ng simbahan at pinatunog na ang kampana. Hudyat na dumating na ang bride at mag sisimula na.

"Anak oky ka lang?" tanung ni Fredo sa anak.

"Oho tay, kinakabahan lang ako.." wika ni Apollo na panay punas ng pawis sa mukha.

"Relax lang anak narito na siya kaunting hintay nalang.." wika naman ng kanyang ina.

Nag simula nang tugtugin ng kanta ng Tell Death Do Us Part at nag martsa na ang may bitbit ng bible, sinundan ng ring bearer at flower girls, kasunod ang mga abay at sponsor.

"Anak halikana sa pintuan ng simbahan at tayo na ang susunod." wika ng kanyang ina.

"Halikana anak..." wika ng kanyang ama.

Bumaba rin si Hena, parang lumulutang ang pakiramdam niya. Maya-maya ay bumukas na ang pintuan.

'Heto na siya....' kay lapad ng ngiti ni Apollo.

Niluwa ng pintuan si Hena, ang ganda nito sa simpling damit damit na suot kahit medyo may umbok na ang tiyan, v-cut ang dibdib nito at labas ang kanyang cleavege, mermaid naman ang bandang baba niya kaya labas ang hubog ng katawan ni Hena.

'Ito na to, wala ng atrasan...' sa isip ng babae habang naglalakad.

Narating nila ang harap ng altar at ibinigay ng ama ni Hena ang kanyang kamay sa lalaki.

"Take care of our daughter iho..." bulong ni Manuel.

"I will daddy, mommy..." pabulong na sagot ni Apollo.

Inalalayan ng lalaki si Hena sa upuan at dumating na ang pari na mag kakasal sa kanila.

Nag simula na ang wedding ceremony..

"Mga kapatid narito tayo ngayon para saksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawang taong magmamahalan sa harap ng diyos at sa harap ng mundo pero bago ako mag umpisa, may tumututol ba sa kasalang ito?" wika ng pari.

Hawak-kamay ang dalawa, alam nilang walang tututol dito.

"Kung gayon ikaw lalaki tinatanggap mo ba ang babaeng ito na maging asawa sa hirap at ginhawa hanggang kamatayan?" tanung ng pari.

"Opo padre.." sagot ni Apollo.

"Ikaw babae tinatanggap mo ba ng lalaking ito, sa hirap at ginhawa hanggang kamatayan?" tanung ng pari kay Hena.

"Opo padre..." sagot ng babae.

Kinuha ng pari ang singsing at nilagay sa harap nila para sa wedding vow.

"Apollo, tanggapin mo ang singsing na ito bilang tanda ng aking katapatan at pagmamahal sayo, pinapangako ko na maging mabuting may-bahay ako sayo at sa magiging mga anak natin at ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa aking kamatayan." madamdaming wika ni Hena habang sinusuot ang singsing.

"Hena, tanggapin mo ang singsing na ito, tanda na ako'y sayo lang at ang aking katapan, mamahalin kita hanggang sa aking kamatayan at ipinapangako ko na maging mabuting asawa at ama ako sa iyo at sa mga magiging anak natin.." wika ni Apollo habang sinusuot rin ang singsing.

"Ngayon sa ngalan ng ama, anak at espirito santa kayo ay mag-asawa na, maari mo ng halikan ang iyong kabiyak..." saad ng pari.

Tinanggal ni Apollo ang veil ni Hena at masuyo niya itong hinalikan. Sinalubong naman sila ng masigabong palakpakan.

"Mabuhay ang bagong kasal..." sigaw ng mga naroon..

"Mabuhay...." sagot ng iba.

Sa malapad na bakuran ng bahay ni Apollo ang venue ng kasal. May catering service sila nag aasikaso ng mga bisita. Kainan to the highest level na. Naroon ang mga adik na readers, naki kain rin at syempre hindi rin papahuli ang mga writers ng HR.

"Are you happy my love?" tanung ni Apollo.

"Oo naman my love.." kay lapad ng ngiti ni Hena.

"Kaso lang my love may problema tayo!" saad Apollo.

"Anu iyon my love?" takang tanung ng babae.

"Mauubos ang handa natin kasi maliban sa kain ng mga bisita ang ibang readers nag take home pa." wika ni Apollo.

Natawa si Hena sa sinabi ng binata pero nawala rin at nanlaki ang mata niya sa nakita.

"Hala my love ang haba ng pila sa bringhome service..." bulalas ni Hena.

Natawa rin si Apollo sa turan ng kabiyak.

"My love ikaw nalang ang kakainin ko mamaya." pilyong wika ni Apollo.

Namula si Hena sa sinabi ng asawa at natawa rin si Apollo sa nakita. Kinagabihan sa silid ng binata..

"Ilove you my love..." bulong ni Apollo na nakayakap sa bewang ng asawa.

Humarap siya sa asawa walang pasabi na hinalikan ito. Nag init na si Apollo kaya niyaya na any asawa.

"My love tara na at dagdagan na natin ng mata si baby." wika ni Apollo at inihiga ang asawa.

Lumipas ang anim na buwan at nag silang si Hena ng isang malusog na batang lalaki at pinangalanan nila itong Prince Jupiter...

"Ang saya ko my love at may prinsepe na tayo ngayon."maluha-luhang wika ni Apollo habang hawak ang baby.

"Ako din my love at may pamilya na rin akung matatawag." saad ni Hena.

Masaya ang buong pamilya at may bagong membro na naman sila.
Ganun rin ang mag-asawa, simula ng mawalay si Apollo nagbago na si Hena, The brat man ito kung ituring dati ngayon ay hindi na.

Nang dahil sa pag-ibig nagbago ng ugali ng HENA, THE BRAT kung ituring ng mga tao. Isa na siyang mabuti at mapagmahal ngayon pero kung minsan sinisumpong pa talaga siya ng pagiging brat.

"Sana ako makahanap rin ng lalaking mamahalin ko ang tulad ko sana..." wika ni Athena na naka tingin sa mag-asawang kaibigan na Apollo at Hena.

******WAKAS******

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hena: The Brat ( Book 1: Goddesses of beauty ) by: Sexy Lady (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon