Chapter 17

1.8K 51 0
                                    


Kinabukasan maagang nagising si Hena lumabas ito ng silid niya. Nadatnan nito si Ruby na naka upo sa upuan at parang inaantay talaga siya.

"Good morning ate..." naka ngiting bati ng bata sa kanya.

"Good morning rin sayo Ruby....." sagot niya.

Nag punta ito sa kusina, mag babanyo sana ito upang maghilamos at maka pag ayos pero wala itong pintuan na nakita.

"Ruby......" tawag niya sa bata.

"Bakit po ate..." mabilis na paglapit kay Hena.

"Nasaan ang banyo ninyo?" tanong niya sa bata.

"Nasa labas ate, sa likod, halika samahan na kita...." saad ng bata.

Naglakad sila sa kusina at nagtungo sa likod ng bahay.

"Wow!..... " bulalas niya sa nakita.

May mga orchids sa likod at ang lalago ng mga bulaklak. Iba't ibang klase pa, may violet, may puti,may dilaw, may balik-batik.

"Ang ganda...." sambit pa niya habang ginagala ang paningin.

"Ang alin ate?" takang tanung ni Ruby sa kanya.

"Nang mga bulaklak..." naka ngiting sagot niya.

"Aahhh alaga ni Mama ang mga iyang ate..." wika ni Ruby.

"Ganun ba...." turan ni Hena na namamangha parin.

"Ate ito na ang banyo...." turo ng bata sa kanya.

Tiningnan niya ito, gawa sa kawayan at tangkay lang ng niyog ang ginawang bubung. Pumasuk siya at may malaking imbakan ng tubig sa loob.

"Ruby, pwede bang paki kuha ng towel ko sa loob ng silid ni Kuya mo... please..." wika niya sa bata.

"Oky ate....." tugon ni Ruby sa kanya.

Tahimik na sa labas kaya nag hubad na rin siya para maligo.

'Ang lamig ng tubig pero nakaka relax siya...' sa isip ng dalaga habang nagbubuhos.

Kahit papaano alam naman niya kung paano maki salamuha sa mga ganitong tao dahil itinuro ng kanyang yaya Mildred ang lahat. At pamilyar rin siya sa mga gamit ng mahihirap kaya alam niya kung paano ito gagamitin.

"Ate, tapos kana po ba?" tanung ni Ruby sa kanya.

"Patapos na Ruby, magbabanlaw nalang." wika ni Hena.

"Narito na ho ang towel ninyo..." saad nito ulit.

Binuksan niya bahagya ang pintuan at inabot ang towel.

"SalamAt Ruby...." sambit ni Hena ng may ngiti.

Nagbalaw na siya at lumabas na naka tapis lang.

"Nasaan ang kuya mo Ruby?" tanung niya sa bata.

"Nasa bukid na ate, lumusong kasama sila mama at papa para magtanim ng palay..." tugon nito sa dalaga.

Pumasok ang dalaga at nag bihis. Nag suot lang ito ng sleeveless at nag shorts pagkatapos ay inayos ang sarili at lumabas.

"Ate kumain kana..." wika ni Alona sa kanya.

"Sige tapos punta tayo doon kay kuya mo ha kasama si Ruby..." masayang saad ni Hena.

"Sige ate..." sagot naman ni Alona.

Kumain siya, paksiw na isda ang ulam at dahon ng bayabas ang pampaasim. Naparami siya, pagkatapos ay niligpit ito ni Alona at nag punta sila sa bukid.

"Kuyaaaa......" sigaw ni Ruby.

Halos magtinginan ang mga tao na naroroon. Lahat sila ay naka titig kay Hena at humanga ito sa kanya mas lalo na sa suot nito na litaw ang makikinis na hita at ang mapuputing dibdib niya. Iyong iba ay natulala na.

Umahon naman si Apollo para salubungin sila.

"Anu ang ginagawa ninyo dito?" tinaasan niya ang boses na nagtatanung.

"Si ate Hena nagyaya na pumunta rito kuya." sagot ni Alona.

Bumaling siya ng tingin sa dalaga na nasa likod ng dalawa.

"At ikaw anu ang ginagawa mo rito?" tanung ni Apollo sa kanya.

"Pinupuntahan ka...." naka ngiting sagot ni Hena.

"At bakit ganyan ang suot mo?" tanung ulit ng binata.

"Bakit mali ba ang suot ko?" tanung ni Hena.

"Alam mo ba na pinag pipiestahan na nila ikaw!" turan ni Apollo.

"Soooo........ anu naman!" pataray nasagot niya at tinaas pa ang kilay.

Hindi na umimik si Apollo dahil pag sumagot siya mag babangayan na naman sila. Sa halip ay hinubad niya ang suot na sweater at ibinigay sa dalaga.

"Iyan isuot mo ng hindi ka nila pag piestahan..." wika niya at inabot ang sweater. Naka tingin lang si Hena sa kanya.

Hena: The Brat ( Book 1: Goddesses of beauty ) by: Sexy Lady (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon