5 years later
"Good morning ma'am...." bati ng guard kay Hena.
Gumanti nalang ang dalaga ng ngiti at tumuloy sa pagpasok.
"Good morning ma'am, you have an early appointment with the 2GO cargo..." salubung ng kanyang secretarya.
"What time is it?" tanung ni Hena.
"9:00am ma'am..." sagot ng secretary.
Tiningnan niya ang wristwatch nito 7:30am palang.
"Oky remind me again later....." saad niya at umupo sa swivel chair.
"Oky ma'am..." sagot ng secretary niya at umalis na ito.
Almost limang taon na ang lumipas at si Hena na ang namamahala ng kanilang companya.
'Kamusta kana kaya ngayon Apollo? Siguro mas gumwapo kapa ngayon. Sana oky lang ang kalagayan mo kung saan ka man. Naaalala mo pa kaya ako? kasi ako ni minsan hindi ka nawala sa puso't isipan ko.' sa isip ni Hena at lumandas na naman ang mga luha sa mata niya.
Mula ng umalis si Apollo hindi na ito tumingin sa iba, parang tumigil ang ikot ng mundo niya at kahit marami ang nanliligaw sa kanya ni hindi siya nakaramdam ng pakiramdam na meron siya para kay Apollo.
"Ma'am may delievery po kayo..." wika ng secretary niya.
"Sige papasukin mo..." sagot ni Hena.
Pumasok ang delivery boy at may dala ito na pumpon ng bulaklak, american white roses.
"Ma'am paki sign po dito..." wika ng boy.
Pinirmahan niya ito at lumabas na ang lalaki. Inamoy-amoy niya ang bulaklak, sariwa pa talaga ito at may nakita siya na card.
HOW ARE YOU?
YOU KNOW I REALLY
MISS YOU SO MUCH....
I HOPE YOU ARE FINE....
KEEP SAFE
I LOVE YOU!!!MR. A
Iyon ang naka lagay sa card at nagtaka si Hena kung sino si Mr. A na iyon.
'Sana ikaw ito Apollo. Pero ayaw kung umasa kasi baka hindi rin ikaw ito.' sa isip ni Hena at nalungkot ito.
Natapos ni Hena ang meeting, ganun rin ang iba pa. Pagod siya buong araw pero oky lang sa kanya.
"Hello....." sagot ni Hena ng tumawag si Athena sa kanya.
"Kamusta kana girl?" bungad agad ni Hena.
"Oky lang ikaw? Kailan ka umuwi?" tanung ng dalaga.
"Ngayon lang girl punta ako sa pad mo mamaya ha..." saad ni Athena.
"Doon tayo mag kwentohan.." dagdag pa nito."Sige hintayin kita doon mamaya...." wika ni Hena.
Nakarating si Hena sa pad niya at nagpahinga. Oorder nalang siya mamaya ng pagkain pag dumating na ang kaibigan.
"Good evning mahal..." bati niya sa litrati ni Apollo na naka frame sa tabi ng kanyang kama.
After 30minutes naligo siya at nag ayos ng sarili. Tamang-tama ng maka tapos siya may kumatok sa kanyng pintoan.
"Good evening girl, surprise....." wika ni Hena at lumabas rin sina Diana at Venus.
Nagulat ang dalaga sa tatlo, napa iyak ito sa tuwa tatlong taon rin na hindi niya nakasama ang mga ito.
"Oh my bakit ka imiiyak girl?" tanung ni Diana sa kanya.
"Oo nga narito nga kami dapat masaya ka hindi iyong umiyak ka..." sabad ni Venus.
"Tears of joy lang girls...." sagot niya sa mga ito.
"Hindi mo ba kami papapasokin?" naka ngiting tanung ni Athena.
"Aie...... sorry pasok kayo...." wika niya at niluwagan ang pintoan.
Pumasok ang tatlo at nilapag ang mga dala nilang pagkain. Tapos nag kwentohan sila hanggang sa maghating gabi na.
"Malalim na ng gabi uwi na tayo mga girls..." sambit ni Diana.
"Oo nga may mga jetlag pa naman tayo." sagot ni Venus.
Nag paalam na ang tatlo sa kanya at inihatid niya ito sa elevator.
"Bye, girls....." wika niya at kumaway pa sa tatlo.
Pasara na ang pintuan ng kabilang elevator ng makita niya ang isang pamilyar na tao..........