Chapter 26

1.9K 51 0
                                    


Naguguluhan si Alona kung paano nangyari at magkasama ang dalawa ngayon.

"Kuya bakit kayo magkasama ni ate Hena?" tanung nu Alona.

"Syempre nagkita kami dito.." pilosopong sagot ni Apollo.

Hinapit niya ang bewang ni Hena palapit sa katawan niya. Nagulat ang dalaga at napatili ito.

"Ay! Apollo talaga bakit mo ako hinila..." sambit ni Hena.

"Tara na my love kasi nagugutom na ako..." wika ni Apollo.

"Bakit hindi ka pa ba kumakain?" tanung ng dalaga.

"Hindi pa nga eh.." sagot ni Apollo sabay kamot sa ulo.

"Kuya mauna na ako sunod ka ha.." paalam ni Alona at umalis na.

Naiwan ang dalaga at napa ngiti si Apollo. Niyakap niya ang dalaga at siniil na naman ito ng halik, tinugon naman ng dalaga ang kasintahan.

"Ikaw nalang kaya ang gawin kung hapunan my love.." saad ni Apollo na may pilyong ngiti.

"Manahimik ka jan ha at tsaka bakit my love ang pangit naman." sagot ni Hena.

"My love kasi nga ikaw lang ang mahal ko at nag-iisa ka lang dito..." tugon ni Apollo sabay turo sa puso niya.

"Hmmm talaga?" saad ni Hena.

Hindi na sumagot si Apollo bagkus ay hinalikan niya ito.

"Ikaw namimihasa kana ha. Halika na nga at ng maka kain kana." yaya ni Hena.

"Mabuti pa nga at baka kung saan pa tayo umabot..." saad ni Apollo at ngumiti.

Bumaba na silang dalawa at dumerecho sa unit nina Alona. Pag pasok nilang dalawa napa tili si Ruby...

"Ateeee Henaaa..." sambit ng dalaga at tumayo sabay yakap kay Hena. "Totoo nga na naririto ka." dagdag pa nito.

"Iyan kasi ayaw mo maniwala na narito si ate at kasama niya si kuya." sabad ni Alona.

"Namiss kita ate..." wika naman ni Ruby at niyakap ang dalaga.

"Kuya kain kana..." saad rin ni Alona.

Hinila naman ni Ruby si Hena at pina upo sa sofa.

"Sa amin muna si ate, kuya ha, kain kana doon.." wika ni Ruby.

Pumunta si Apollo sa kusina at kumain samantalang nagkwentohan naman ang tatlong babae. Nag matapos ay lumabas na ito at naabotan na nagtatawanan ang tatlo.

"Matulog na nga kayong dalawa at may mga pasok pa kayo bukas.." wika ni Apollo.

"Nag salita ang walang pasok..." sabad ni Alona.

"Gusto mo lang yata masolo si ate Hena, kuya eh..." turan din ni Ruby.

"Ano ngayon kung oo..." sarkastikong sagot ni Apollo.

Nagtawanan ang tatlong babae sa sagot niya.

"Anu ang nakakatawa?" asik ni Apollo sa dalawang kapatid.

"Wala..." sabay na sagot ng dalawa.

"Ruby tara na at baka magalit pa si kuya sa atin..." saad naman ni Alona.

Umalis na ang dalawa, pumasok ng kani-kanilang silid at naiwan naman ang dalawa.

"Balik na ako sa unit ko my love kasi may pasok pa ako bukas.." wika ni Hena.

"Ganun ba, sige ihhatid na kita.." sagot ni Apollo.

Lumabas sila at inihatid siya ni Apollo sa sariling pad.

"My love dito na ako, salamat sa paghatid ha.." saad ni Hena.

"Hindi mo man lang ba ako papapasokin my love?" tanung ni Apollo.

"Anu naman gagawin mo dito my love diba may pasok kapa bukas." wika naman ng dalaga.

"Bukas pa naman iyon diba." sagot ng binata.

Niluwagan ng dalaga ang pinto at pumasok ang binata ng biglang hinapit ni Apollo si Hena at siniil ng halik..

Hena: The Brat ( Book 1: Goddesses of beauty ) by: Sexy Lady (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon