Nagkagulo sila dahil sa nangyari kay Hena agad naman siyang binuhat ng binata at dinala sa sasakyan."Nay, kayo muna ang bahala dito ha dadalhin ko lang ng bahay si Hena..." wika ni Apollo.
"Sige anak nauna kayo at susunod nalang kami." sagot ni Teresita.
"Sasama kami." wika ni Letecia.
Umalis na sila at dinala si Hena papuntang ospital. Nag aalala na rin ang binata dito.
"Sandali nalang my love ha, malapit na tayo." bulong ni Apollo at binilisan pa ang pag dadrive.
Nakarating sika ng ospital at agad silang sinalubung ng mga doctor.
"Sir, hanggang dito nalang po kayo, hindi na kayo pwedeng sumama sa loob." saad ng nurse na naka harang.
Walang nagawa ang lalaki kundi ang maghintay sa labas, para naman itong pusa na hindi mapaanak dahil sa pabalik-balik na paglakad.
"Iho, maupo ka muna at nahihilo kami sa ginagawa mo." turan ni Letecia sa kanya.
"Hindi ho kasi ako mapalagay eh, anu ba nangyari at bigla nalang siyang nagkaganun." nag-aalalang saad ni Apollo.
Lumabs na ang doctor sa loob at kay lapad ng ngiti nito.
"Congrads Mr. Andrado...." wika ng doctor at kinamaya siya.
"Bakit ho doc, anu ng nangyari sa nobya ko?" nagtatakang saad ng lalaki.
"She is 9weeks pregnant, kaya siya hinimatay dahil natural lang sa mga nagbubuntis ang ganung pangyayari." wika ng doctor.
"Bu..... buntis siya doc?" nauulat na wika ng lalaki.
Maging ang mag-asawa ay nagulat din pero mababanaag ang kaligayahan sa mga mukha nila.
"Yes..... magiging ama na ako..." sigaw ni Apollo at wala itong paki alam kahit maraming tao.
"Pag nagkamalay na siya anytime pwede na kayong e-discharge at bilhin mo nalang ang mga vitamis na ito para sa kanya Mr. Andrado." wika ng doctor.
"Salamat doc...." sagot ng binata.
Tinapim lang ng doctor sa braso si Apollo at umalis na ito, agad siyang pumunta sa kinaroroonan ng babae.
"Salamat sa magandang balita my love." bulong ni Apollo.
Hinalikan niya ang noo ng babae na naka higa sa ospital bed. At pumasok na rin ang mga magulang ni Hena.
"Ano na ang balak mo ngayon iho?" tanung ni Don Manuel.
"MagpapakasAl kami sa lalong madaling panahon tito..." tugon ni Apollo
"That's good at huwag na tito ang itawag mo kundu daddy na iho." kay lapad ng ngiti na sagot ng ginong
"Aba! dapat engrande ang kasal ninyong dalawa niyan." sabad rin ng ginang.
"Oho mom, ako na ang bahala." sagot ni Apollo.
Nasa ganung pag-uusap sila ng magkamalay si Hena.
"Nasaan ako?" tanung ng dalaga.
Inikot niya ang paningin at nakita nito ang ama at ina ganun rin ang katipan.
"Kamusta kana my love? Anu ang nararamdaman mo? May masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanung ni Apollo.
"Wala naman my love, bakit dito ako sa ospital?" balik tanung ni Hena.
Ngumiti si Apollo ganun rin ang mga magulang niya at nagtaka ang babae kaya napakamot siya ng ulo.
"Salamat my love sa magandang regalo na binigay mo sa akin ang saya ko sa wakas magiging ama na ako at pangako magiging mabuting daddy at asawa ako sa iyo at sa magiging anak natin." madamdaming wika ni Apollo.
Naluha rin si Hena sa mga sinabi ng kasintahan pero mas natuwa siya sa balita na narinig. Alam ng babae na higit dalawang buwan na siyang hindi dinadatnan kaya alam na niya ang ibig sabihin noon.
"Pwedeng pumasok..." boses mula sa labas.
"Pwede naman." sagot ni Hena.
Sunod-sunod na pumasok ang tatlong kaibigan niya.
"Anu nanyari sayo girl?" tanung ni Venus.
"Buntis si my love ko kaya huwag muna ninyong kulitin at baka pumangit ang mukha ng baby ko." si Apollo ang sumagot.
"Ang bilis mo namang naka buo agad papa Pol..." saad naman ni Diana.
"Congrads girl..." wika naman ni Athena.
"Ninang kaming tatlo ha." dagdag pa nito."Ay teka kailan ang kasal?" wika naman ni Venus.
"Sa susunod na buwan.." si Apollo ang sumagot.
"What!" sabay nilang apat.
Kahit si Hena ay nagulat sa sinabi ni Apollo na sa susunod na buwan agad ang kasal hindi niya akalain na ganun ka bilis.
"Yes next month na, ayaw ko na manganak ka muna bago magpakasal no kasi baka magbago pa isip mo mas mabuti na ang sigurado." saad ng lalaki.
Natawa naman ang apat sa sinabi niya pati ang mga maGulang ni Hena.