Chapter 15

1.9K 51 0
                                    

Namangha si Hena sa lugar, ang ganda ng mga tanawin, matataas ang bundok sa malayo, luntian ang paligid sa dami ng puno at makikita mk talaga ito.

"Ang ganda pala dito, i'm lucky to go with you at nakita ko ito." sambit ng dalaga.

"Ngayon ka lang ba naka kita ng bundok Hena?" tanung niya sa babae.

"Hindi naman pero iba ang beauty of nature ninyo dito, teka ha..." sagot ni Hena sa kanya.

May kinuha ito sa bag, digital camera. Tapos nag simula ito ng kumuha ng litrato sa paligid habang naglalakad.
Naglakad pa sila kaunti at natanaw na ni Apollo ang bahay nila.

'Tiyak magugulat si Mama pag nakita niya ako.' sa isip ng binata at napangiti.

Narating na niya ang harap ng bakod nila at naka sunod lang si Hena. Pumasok sila sa loob at kinatok ang pintuan pero walang sumasagot.

"Wala yata sila dito baka nasa bukid." saad ni Apollo.

"Anu gagawin natin ngayon?" tanung ni Hena sa kanya.

"Iiwan muna natin ang gamit sa harap at pupunta tayo ng bukid.." wika ng binata.

"Malayo ba iyan dito?" tanung ulit ng dalaga.

"Hindi naman paglagpas ng sapa kaunti nalang ang lalakarin.." saad ng binata.

"Sige tara na..." excited na turan ni Hena.

Iniwan nila ang mga dala at nagtungo ang dalawa doon. Medyo maykalayuan kaya nakaramdam ng init si Hena. Namumula na rin ang balat niya kaya napansin ito ng binata.

"Naiinitan ka na ba?" tanung niya kay Hena.

"Matagal pa ba?" tanung rin ng dalaga.

"Malapit na iyon na ang sapa oh..." sagot ng binata sabay turo.

Natanaw nila ang sapa kaya na excite ang dalaga.

"Tatawid tayo jan?" tanung ni Hena na may ngiti.

"Oo para marating natin ang kabila.." saad ng lalaki.

"Wala bang linta jan?" tanung ulit ni Hena.

"Wala naman." sagot ni Apollo.

Aakmang lulusong na si Hena ng magsalita ito ulit.

"........pero ahas marami jan...." dagdag niya at ngumiti.

Hindi na tuloy ang paglusong ni Hena at napatingin ito sa binata na naka ngiti.

'Ang gwapo talaga niya pag naka ngiti, labas na labas ang dimples.' sa isip ni Hena.

"Biro lang iyon..." turan ng binata.
"Halik kana ang nang nakarating na tayo agad." dagdag pa nito at hinila ang kamay ng dalaga.

Bago paman lumusong sa tubig binuhat ni Apollo ang dalaga para hindi ito mabasa. Hindi naman umimik si Hena sa ginawa niya.

"Ano ba nag kinakain mo at ang gaan-gaan mo?" saad ni Apolo sa dalaga.

"Tulad rin ng kinakain mo...." pabalang na sagot niya.

Hindi na siya umimik dahil tiyak magbabangayn na naman ang mga ito. Naka tawid na sila at binaba na niya ang dalaga. Nakita na niya ang mama at papa niya pati ang dalawang kapatid niya na babae. Sobrang saya ang nararamdaman niya.

"Mama, papa, Alona, Ruby....." sigaw ni Apollo.

Naka tingin lang si Hena sa kanya at nabakas ng dalaga ang kasiyahan sa mata ng binata. Masaya na rin siya kahit ganito.

"Kuyaaaa......" masayang sigaw rin ng isang babae at kumaway ito.

Umahon ang mga ito at sinalubong nila ang binata.

"Anak akala ko hindi ka makakauwi?" wika ng kanyang ina.

"Pinayagan ako ma..." kay lapad ng ngiti niya.

"Mabuti naman kung ganun anak, masaya kami at naka uwi ka..." sabad ng kanyang ama.

"Kuya ang gwapo mo na ah......" sabad naman ni Alona.

"Kuya nobya mo ba ang magandang dalaga na nasa likod mo? Hi po Ate ako po pala si Ruby...." wika ng bata at kumaway kay Hena.

"Ay, mama,papa, Alona, Ruby siya po pala si Hena anak ng amo ko...." pakilala ng binata.

"Hena, siya si Fredo ang masipag kung ama, ito naman si Teresita ang maganda kong ina at ito si Alona ang kasunod ko at si Ruby ang bunso namin..." saad ng binata.

"Ikinalulugod ko ho kayong makilala...." wika ni Hena sabay lahad ng palad upang maki ag kamay.

Ipinunas muna ni Fredo ang kamay bago ito tinanggap ganun rin si Teresita, Alona at Ruby.

"Akala ko kuya nobya mo na, sorry po ate at napagkamalan kita ha...." paumanhin ni Ruby.

"Anak kumain na ba kayo ni ma'am?" tanung ni Teresita sa anak.

"Hindi pa ho ma eh...." sagot ng binata.

"Hena nalang ho ang itawag ninyo sa akin..." sabad ni Hena.

"Sige ho kung iyan ang gusto ninyo." sagot ni Teresita.

"Pwede ho bang ate nalang itawag namin sa inyo ni Ruby?" sabad ni Alona.

"Oo naman Alona." sagot ni Hena.

"Mamaya na ang kwentohan umuwi na tayo para maka kain na si kuya at ate Hena ninyo....." saad ni Teresita.

Umuwi na ang mga ito at nagluto ang mag-asawa para sa tanghalian nila.

Hena: The Brat ( Book 1: Goddesses of beauty ) by: Sexy Lady (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon