Nang mailapag ito ng binata pinagmasdan niya ang nahihimbing na dalaga. Parang may kung anung damdamin na nangibabaw sa kanya at unti-unti niyang binaba ang labi sa labi ni Hena. Lumapat ang labi niya.
'Oh may gosh....' sigaw ng utak ni Hena.
Nanlaki ang mata ng dalaga. Naka pikit naman si Apollo. Unti-unting napapikit si Hena dala ng halik na iyon.
'Ang sarap naman ng halik na ito. Nakakawala ng lakas, Apollo mahal no ba ako?' sa isipan ni Hena.
Tumugon siya sa halik ng binata at parang may sariling buhay ang kamay niya at yumakap ito sa batok ni Apollo. Magulat ang binata ng tumugon at yumakap si Hena sa halik niya.
'Tumugon siya sa halik ko, ibig sabihin gising na siya.' sa isip ni Apollo.
Biglang bumalik ang katinua ni Apollo at humiwalay siya sa dalaga. Napadilat naman si Hena at nagkatitigan sila.
Nag uusap ang mga mata nila na parang ito lang nagkakaintindihan.
"Sorry.... nadala lang ako..." wika ni Apollo at napaatras ito.
"Apollo........" wika ni Hena pero lumabas na ang binata.
Dumirecho ito sa kanyang silid at nahiga. At nag isip.
'Shit bakit ko nagawa iyon? anu nalang ang iisipin niya sa akin ngayon? Bakit ba kasi nagpadala ako sa nararamdaman ko.' sa isip ni Apollo.
Samantalang si Hena nag iisip rin sa nangyari kanina.
'Bakit kaya niya ako hinalikan? Mahal rin kaya niya ako? at bakit rin ako tumugon sa halik na iyon? anu ba ang gulo....' sa isipan rin ni Hena.
Ang gulo ng isipang nilang dalawa pero kapwa sila naka tulog dahil sa pagod.
Iniwasan na ni Apollo ang babae mula nangyari iyon. Kahit siya ang driver/bodyguard nito. Pag nasa sasakyan wala rin itong imik.
'Matagal na rin na hindi kami nag uusap ng lalaki na ito. Namimiss ko na ang tawa niya....' sa isip ni Hena habang naka tingin sa lalaking nagmamaneho.
Lumipas pa ang mga araw at buwan hanggang sa natapos nila ang susunod na school year, bakasyon na naman pero nanatili sila sa masyon.
'Sorry Hena pero dapat ko talagang gawin iyon. Hindi ako nababagay sa iyo..' sa isip ni Apollo habang tinitingnan si Hena sa swing at malungkot na naman ito.
Nagkayayaan ang magkakaibigan na gumimik. Pumunta sila sa isang bar sa Malate. Naglasing naman si Hena. Kaya niyaya na ito ni Apollo na umuwi, nanlaban siya nung una pero binuhat siya ng binata kaya wala itong nagawa kundi ang sumama nalang.
"Anu ba ang pumasok sa utak mo at naglasing ka?" galit na wika ni Apollo sa kanya.
"Hek...bhakit ano bha paki ahlam mo khung mag lhashing ako? hek.... whala diba.. whala namang nhag mahmahal sa akihn diba..." tugon ni Hena pero lugpasay na ito.
"Anu bang pinagsasabi mo jan...." kunot-noo na tanung ni Apollo.
"Ahlam mo bhang mahal kita Apollo, hindi lhang mahal khundi mahal na mahal ng shobra phero hindi mo nahman naphapansin kasi mhanhid ka....." saad ni Hena.
Napa nganga si Apollo sa mga sinabi ng dalaga. Hindi ito makapaniwala sa mga narinig niya. Si Hena naman matapos mag salita naka tulog sa sobrang lasing. Nakarating sila ng masyon at binuhat ito ng binata paakyat sa kanyang silid.
"Mahal na mahal rin kita noon pa, kaso ang hirap mung abutin kasi ang taas mo.." sambit ng binata.
Kinumotan niya ang dalaga at umalis na ito. Alam niyang mahal siya ni Hena pero kailangan muna niyang taposin ang mga dapat gawin at isang bagay ang napagpasyahan niya na gawin.
"Sana mapatawad mo ako Hena kailangan ko lang gawin ito at sana sa pag balik ko ako parin ang mahal mo..." sambit ng binata.