Chapter 25

2K 53 0
                                    

Huminga muna si Apollo at tsaka ito nag simulang magsalita.

"Umalis ako na hindi nag papaalam sayo dahil ayaw kung makita ka na umiyak, masakit rin sa akin ang aking paglisan pero kailangan kung gawin ito. Mahal kita Hena noon pa at nang gabing naglasing ka at sinabi mo sa akin ang saloobing mo sobrang saya ko, pero kailangan ko munang gumawa ng mga hakbang para maging karapat-dapat ako sayo, sa loob ng limang taon inayos ko ang buhay ko,nag-aral ako ng mabuti at nag paka dalubhasa sa napili kong larangan, naalala mo dati diba ayaw mo ng bodyguard?.." wika ni Apollo.

"Oo ayaw ko kasi hindi ako sanay na may bumubuntot sa akin.." tugon ng dalaga.

"Kinuha ako ng daddy mo dahil may nagtatangka sa buhay ninyo, pero nung una akala ko trabaho lang ang gagawin ko pero kalaonan, pati puso ko pala ay mapapasama. Umalis ako para maprotectahan kita, bago kapa nila saktan, ako na ang gumawa ng paraan para mahuli ang syndikato na nagbabanta sa daddy mo nang matapos ko ito bumalik ako sa pag-aaral, pagkatapos nagsimula ako sa baba at ngayon na pwede ko nang sabihin na karapat-dapat na ako sayo.." saad ng binata.

Nanatiling naka titig ang dalaga, kinuha naman ng binata ang dalawang kamay ni Hena.

"..Naduwag akong magpakita nung una dahil baka nagbago kana at sumbatan mo ako pero ngayon na naririto kana at ponagtagpo tayo ng pagkakataon, hindi na kita pakakawalan pa ayaw kung magbitaw ng pangako sayo Hena pero gagawin ko ang lahat huwag ka lang mawala muli at hinding-hindi na ako aalis pa." turan ng binata at hinalikan ang mga kamay nito.

Hindi na napigilan ni Hena ang mga luha kaya kusa na itong umagos.

"What's wrong my love, bakit ka umiiyak?" nag aalalang sambit ni Apollo ng makita na masaganang umaagos ang luha ng dalaga.

Lalong napaiyak ang dalaga sa sinabi ng binata.

"Wala masaya lang ako dahil narito kana ulit. Oo nung una nagalit ako sayo dahil iniwan mo ako at hindi ka nag paalam pero sa katagalan mas nangibabaw ang pagmamahal ko at sinabi ko sa sarili ko na hihintayin kita. Kaya heto nag hihintay ako...." naka ngiti ngunit luhaan na saad ni Hena.

Napaiyak na rin si Apollo sa tinuran ng dalaga. Sobrang saya ng nararamdaman niya.

"Mula dati wala akung minahal kundi ikaw lang my love, kask na duwag lang talaga ako. Hmmm may love paano kung hindi tayo nagkita ulit?" turan ng binata.

"Maghihintay parin ako..." sambit ni Hena.

"Eh kung hindi na ako bumalik?" sabi ni Apollo.

Katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Humarap si Apollo sa kanya at nagtitigan sila. Unti-unting nagbaba ng mukha ang binata at ginawaran ng masuyong halik si Hena.

"I love you Hena..." bulong ng lalaki.

"I love you too Apollo..." sagot ng dalaga.

Muli ay naging isa ang kanilang mga labi. Naghalikan sila na puno ng pag-mamahal at pagkasabik sa isa't isa. Natigil ito ng may tumikhim sa likoran nila.

"Kuya, narito ka lang pala.." naka ngiting wika ni Alona. "Pasensya na sa istorbo kuya, pero kainan na.." dagdag pa nito.

Humarap si Apollo sa kapatid, kita ang kakaibang saya sa mga mata nito.

"Marami ka bang niluto Alona?" saad ni Apollo.

"Oo kuya, ikaw lang naman ang kakain eh kasi kami tapos na, hating gabi na kaya." sagot ng kanyang kapatid.

"Hi Alona...." bati ni Hena.

Halos lumuwa ang mata ni Alona, gulat ito.

"Aaa.... ate Hena..." tanging sambit ng dalaga.

Naka ngiti lang si Apollo, ganun rin si Hena. Nagpa lipat-lipat ng tingin si Alona sa dalawa.

Hena: The Brat ( Book 1: Goddesses of beauty ) by: Sexy Lady (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon