Nag palinga-linga si Hena pero wala naman itong nakita."Hmmm baka guni-guni ko lang iyon na may naka tingin sa akin.." sambit ng dalaga.
Samantalang yumuko nalang si Apollo sa isang halaman para hindi siya makita ng dalaga.
"Naku patay ako nito pag makita niya tiyak sisinghalan na naman ako ng babae na iyan..." bulong ni Apollo.
Sumilip siya sa gilid para tingnan ang dalaga.
"Mabuti naman at umupo na siya ulit..." wika ng binata at naka hinga ng maluwag.
Gumapang siya hangga sa makarating sa nilikoan niya kanina. Pagkatapos ay bamalik ito.
"Hay! ang babae talaga na iyon minsan mataray, minsan may pagka emo rin pala, akalain mo..." naka ngiting sambit niya habang naglalakad.
Pumunta siya ng kusina para uminom ng tubig dahil na uhaw ito.
"Iho, pwede mo ba akong tulungang mag buhat?" tanung ni Mang Tasyo.
Si Tasyo ay hardinero sa mansyon at ito ang taga maintena ng mga halaman doon.
"Sige mang Tasyo ano ho ang bubuhatin ko?" sagot niya sa matanda.
"Iyong hagdanan iho, may puputulin lang ako na sanga doon sa puno ny mangga." saad ni Tasyo sa kanya.
Lumabas sila at binuhat niya ang hagdan papunta sa puno ng mangga.
"Mang Tasyo ako na ho ang aakyat at baka mahulog pa ho kayo." prisinta niya sa matanda.
"Ay, oky lang ba sayo iho?" tanung ng matanda sa kanya.
"Opo...." magatang niyang tugon.
Umakyat na si Apollo at naiwan sa baba si mang Tasyo. Nagsimula na siyang putulin ang patay na sanga.
"Mang Tasyo tumabi ho kayo jan at baka mahulugan kayo..." sigaw ng binata.
Naka rinig naman ng ingay si Hena kaya pinuntahan niya kung saan ito. Nanlaki ang mata niya ng makita ang binata sa taas. May pinuputol ito na sanga at naka sborts lang ito.
"Ang ganda pala ng katawan niya ang lapad ng dibdib ang may abs pa...." mahinang sambit niya.
Naputol na ang sanga at bumaba na rin ang binata. Pawis na pawis ito.
"Salamat iho..." naka ngiting wika ng matanda.
Lumapit si Hena sa dalawang lalaki.
"Senyorita kayo ho pala.... anu ho ang maipaglilingkod ko?" wika ni mang Tasyo.
"Wala ho, tiningnan ko lang kung anu nangyayari dito." sagot ni Hena.
Napasulyap ang dalaga kay Apollo na noo'y abala na pinupunasan ang sarili.
'Ang ganda pala ng curves ng katawan niya pag malapitan....' sa isip niya habang pinag mamasdan ang lalaki.
Napansin naman ito ni Apollo at napangiti siya.
"Ma'am laway po ninyo tumutulo at bunganga ninyo naka nganga, paki sara ho at baka pasukan ng langaw.." naka ngiting pang aasar niya.
Napa punas ng labi si Hena dahil akala niya tumulo nga ang laway niya. Napatawa naman ng malakas ni Apollo.
"Bwisit ka talaga....." singhal niya sa binata.
"So ibig bang sabihin pinag papantasyahan mo ang katawan ko?" wika ni Apollo kay Hena.
"Ang kapal rin ng pag mumukha mo no...." bulyaw niya sa lalaki.
"Eh bakit naka tingin ka sa akin at tinititigan mo pa ang katawan ko?" pilyong saad ni Apollo.
"Wow, ang hangin talaga." sambit ni Hena.
"Hindi naman ah.... maaraw nga eh...." naka ngising sagot niya.
"Tseee.... ewan sayo jan kana nga..." bulyaw ng dalaga at umalis.
Napatawa nalang siya at napa ngiti ang matanda na kanina pa nakikinig lang sa kanilang dalawa.