Dugo na naka halo sa putik ang nakita ni Apollo. Hinabol niya ang dalaga.
"Hena, sandali lang...." sigaw ng binata.
Tumigil naman ang dalaga at hinintay si Apollo. Nagulat nalang ito ng bigla siyang buhatin ni Apollo.
"Hoy! ibaba mo nga ako nakakahiya ang ginagawa mo, marunong naman akong maglakad ah....." saad ni Hena.
Pero hindi ito pinakinggan ni Apollo. Dumirecho sila sa poso at hinugasan naman niya ang paa ng dalaga.
"Ouch........ ang hapdi.." sambit ni Hena at napa ngiwi ito.
"Sabi na nga ba eh...." wika ni Apollo.
"Bakit ako nagkasugat?" takang tanung ng dalaga.
"May naapakan ka na kuhol kaya nasugaTan ka...." tugon ni Apollo na tunatanggal parin ang putik sa kabilang paa ni Hena.
"Anung kuhol?" curious na tanung ng babae.
"Shell iyan na makikita mo sa palayan..." tugon ng binata.
"Anung itsura noon?" tanung ulit ng dalaga.
Luminga-lingga si Apollo at may nakita siya na isa.
"Ito oh....." saad niya sabay pakita sa dalaga.
"Aahhh.... iyan pala... " tanging sambit niya.
"Sa susunod mag ingat ka at huwag kana kasi pumunta dito.." wika ni Apollo na bakas ang pag-aalala sa boses.
Pagkatapos hugasan ay binuhat niya ulit si Hena at pina upo sa upuan ng kubo.
"Dito ka muna at mag hahanap ako ng igagamot jan sa sugat mo ha..." bilin ng binata.
"Sige......" tugon ng dalaga.
Umikot si Apollo at naghanap ito. Nakasunod naman ng tingin si Hena. Nakita niya na palinga-linga ito kung maglakad at may hinahanap.
"Anung gamot naman mahahanap niya sa palayan?" bulong ni Hena.
Naka ngiti ang dalaga at nagbubunyag, masaya siya dahil sa wakas may tao ng nagmamalasakit sa kanya.
'Sana ang isang tulad mo ang makakasama ko sa buhay Apollo, o hindi kaya ikaw na... Anu ba itong pumapasok sa isip ko. Bakit siya? Mahal ko na ba ang lalaki na ito? Pero mahal kaya niya ako at may gusto kaya siya sa akin?' sa isip ni Hena.
Lumilipad ang isipan niya kaya hindi nito namalayan ang paglapit ni Apollo.
"Hoy! anu ba ang iniisip mo at naka tulala ka jan.." wika ni Apollo.
Nagulat siya at bumalik na ang katinuan niya.
"Wala naman..." tugon niya.
Kinuha ni Apollo ang paa niya at pinigaan ito ng dagta. Napangiwi ang dalaga pero hinipan-hipan ito ng lalaki. Kumain muna sila ng tanghalian bago umuwi. Binuhat ulit siya ni Apollo.
"Salamat....." tanging na sabi ni Hena sa binata.
Mabilis lumipas ang araw at mas lalong napalapit si Hena sa binata at pamilya nito. Pag walang ginagawa namamasyal sila ng binata at ng mga kapatid nito.
Minsan sa pamamasyal biglang umulan at nabasa siya tapos nagkasakit si Apollo ang nag alaga sa kanya.
Hindi na rin sila nag babangayan. Pabalik na sila ng Manila ngayon at malungkot siya na nagpaalam sa lugar at mga taong naging malapit sa kanya.
"Sana maka balik tayo ulit doon..." wika ni Hena na naka upo sa bording area at hinihintay ang eroplano papuntang manila.
"Pag pumayag ang daddy mo pwede naman, kasi welcome ka doon.." tugon ni Apollo.
Yumuko nalang si Hena ng marinig ang sinabi ni Apollo. Ngayon palang namimiss na niya ang lugar. Napakaraming alaala and baon niya mula doon.
"Bakit?" takang tanung ni Apollo.
Umanggat ang ulo ni Hena at pilit na ngumiti pero nahulog na ang mga luha niya.
"Sssshhhhhh...... tahan na... makakabalik tayo doon.." wika ng binata at hinahagod-hagod niya ang likod ng dalaga.
Niyakap kasi niya ito, parang nadurog ang puso niya ng makita na lumuluha ang dalaga. Umiiyak rin pala ito sa kabila ng katarayan na ipinakita sa kanya.
'Sana ganito nalang tayo lagi, sana hindi mo ako iwanan, mahal na kita Apollo sana mahalin mo rin ako...' sa isip ni Hena.
Komportable siya at mas lalo pa niyang isiniksik ang sarili sa malapad na dibdib ng binata.
'Masaya ako at sa maigsing panahon mas nakilala kita, alam kung langit at lupa ang pagitan natin pero magpaganun paman lihim parin kitang mamahalin Hena at mas lalo na nga kitang minahal ngayon....' sa isip ni Apollo habang yakap ang dalaga.
Nakarating na sila ng manila. Dala ng pagod naka tulog si Hena habang pauwi sila ng masyon kaya binuhat nalang ito ng binata at dinala sa kanyang silid.