Bumaba na si Apollo, buo na ang decision niya. Kaya tinawagan na niya ang kanilang agency.
"Hello sir, gusto ko na ho mag resign sa trabaho at mag focus nalang sa pag aaral ko..." derechong wika ni Apollo.
"Pumunta ka dito bukas at pag usapAn natin iyan..." sagot ng boss niya.
"Oky ho..." sagot ng binata.
Nag impake na agad si Apollo at inayos ang kwarto na ginagamit ng matapos ay tiningnan niya ang kabuoan nito.
"Mamimiss ko ito..." sambit niya.
Nag paalam siya sa dalawang matanda sa bahay si mang Jay at manang Mildred, wala rin kasi doon sina Don Manuel at Donya Letecia, nasa bussiness trip.
"Talaga bang aalis kana iho?" malungkot na tanung ni Mang Jay.
"Oho bukas ng umaga na po mang Jay..." sagot ng binata.
"Hindi na ba talaga magbabago ang decision mo iho?" naluluhang tanung ni Mildred sa kanya.
"Hindi na ho manang...." tugon rin niya sa matanda.
"Kung ganun ay mag iingat ka iho at kung may oras ka sana dalaw-dalawin mo kami.." saad ni Mildred sa kanya.
"Oho naman manang halos naging pangalawang ina ko na rin kayo dito..." pilit na ngiti habang sinasabi ito ni Apollo.
Niyakap niya ang dalawang matanda na naging magulang na rin ang turing.
"Naka pag paalam kana ba kay senyorita Hena?" tanung ni aling Mildred.
"Hindi pa ho..." sagot ni Apollo.
"Hindi na po ako mag papaalam sa kanya manang..." sagot ni Apollo.Naka intindi naman ang matanda sa sinabi niya kaya hinayaan nalang niya ito. Kinabukasan madilim pa ay lumisan na ang binata.
"Pag graduate ko manang bibisitahin ko ho kayo..." sigaw ng binata.
Kumaway nalang ang matanda sa kanya habang papalayo ang sasakyan.
"Ang sakit ng ulo ko..." wika ni Hena na kakabangon lang.
Nagtungo siya sa banyo at naligo tapos ay nag ayos ng sarili at bumaba na para kumain.
"Ya, nasaan si Apollo bakit wala siya? oras na ng kainan ah..." wika ni Hena.
"Mang Jay tawagin nga po ninyo siya para sabay-sabay na tayong kumain..." dagdag-utos niya na matanda.Natahimik ang mga naroroon pati ang dalawang matanda.
"Ahmmm, sige ako nalang ang susundo sa kanya." saad ng dalaga at tumayo.
Naka ilang hakbang palang siya ng mag salita si aling Mildred.
"Umalis na si Apollo iha..." malungkot na wika ng matanda.
"Nag bibiro lang kayo yaya diba..." wika niya at tumawa.
"Hindi iha kaninang madaling araw siya umalis dito..." tugon ulit ng matanda.
"Grabe ka naman ya ang aga-aga eh kay lakas mong nag trip.... " sagot niya at lumabas na sa kusina.
Tinungo ni Hena ang silid ng binata at kinatok ito pero walang sumasagot kaya binuksan na niya. Napaka linis ng loob at wala ng mga gamit doon. Nanlulumo siya sa nakita.
"Apollo....... bakit?..... bakit ka umalis?... bakit hindi mo sinabi na aalis kana?" wika ng dalaga at napa upo nalang sa sahig at umiyak.
Nasa ganung sitwasyon siya ng abotan ito ni Milred...
"Anak.........." marahang wika ng matanda kaya umangat ang ni Hena.
" Ya, bakit iniwan niya ako? bakit ya?" wika ng dalaga at hindi na mapigilang mapahagulgol.
Niyakap nalang siya ni Mildred. Sobrang nasaktan si Hena sa pangyayari na iyon, kung kailan mahal na niya ng husto ang binata at tanggap na niya sa sarili saka pa ito nawala.
"Mahal na mahal kita Apollo at patuloy kitang mamahalin kahit nasasaktan ako, hihintayin kita..." sambit ng dalaga at imiiyak ito kaharap ang litrato nilang dalawa.
Masakit man na iniwan siya ng binata, tinanggap niya ito, kahit minsan umiiyak parin siya.