Tiningnan muna niya ang sweater at ang paligid. Naka tingin lang ang mga kalalakihan sa kanya at parang naasiwa siya."Salamat...." wika ni Hena sabay tanggap ng sweater.
Bumalik ang binata sa lusunggan at nagtanim ulit ito ng palay.
"Pol, pwede bang makisali jan mag tanim?" sigaw ni Hena sa binata.
Nagtinginan ang mga nandoon. Parang nag tataka ang mga ito. Lumapit si Apollo sa kanya.
"Bakit marunung ka bang may tanim?" tanung ng binata sa kanya.
"Hindi eh, pwede mo naman akung turuan eh, fast learner naman ako..." sagot niya na may pagkatamis-tamis na ngiti.
"Jan ka nalang at baka maputikan ka pa." turan ng lalaki kay Hena.
Pero sa loob-loob niya mas humangga siya sa dalaga dahil hindi ito naging maarte.
"Sige na please para naman ma experience ko rin ito, hindi ko pa kasi nararanasan ang magtanim eh..." saad ni Hena.
"Hmmm baka mamaya sabihan mo si sir na inaalila ka namin dito, jan ka nalang..." sagot ni Apollo sa kanya.
"Sige na please...... Pol please..... sige na..... payag kana..... please.... oi papagay na iyan..... payag na siya....." parang bata na wika Hena at may kasama pang lambing.
Walang nagawa si Apollo kundi ang pumayag dahil alam niyang hindi titigil si Hena pag hindi niyya ito pinayagan.
"Yehey..... makakatanim na ako..." parang bata na wika ni Hena sabay taas ng dalawang kamay sa ere.
Natawa naman si Apollo sa naging reaksyon ni Hena, sa unang pagkakataon nakita niya ang ganung ugali ng dalaga.
"Halika na..." turan ni Apollo sabay lahad ng kamay.
Tinanggap naman ito ng dalaga at humakbang pababa sa taniman. Parang may kuryente na dumadaloy sa kamay niya ng humawak ito sa binata.
"Aayyyy........" tili ng dalaga.
Para kasing kiniliti ang kanyang talampakan ng umapak sa putikan, nag lingunan rin ang mga nakikitanim.
"Hahahahahaha......" malulutong na tawa ni Apollo.
"Ganyan talaga iyan kasi hindi ka sanay." dagdag pa niya.Parang naka rinig naman ng magandang tugtugin ang dalaga sa tawa na iyon pero patuloy siya sa paglakad sa putikan.
"Oky, ganito ang pagtanim una kumuha ka ng isang palay tapos itusok mo ito sa putikan gamit ang iyong daliri sa kamay, siguraduhin mo rin na naka baon ito ng maayos para hindi ito matutumba kasi pa hindi mo na itanim ng maayos ito, lulutang at mamamatay sila...." paliwanag ng binata at sinample pa ito.
"Oky....." tugon ng dalaga at sinimulang ito.
Naka ilang tanim na rin ang ginawa ni Hena ng mapansin na nag silutangan ang iba nito.
"Hala! bakit ganun? lumutang ang iba..." sambit ng dalaga.
"Hindi kasi maayos ang pagbaon mo kaya lumutang..." wika ni Apollo.
Kinuha ng binata ang mga lumutang at itinanim ulit. Si Hena naman puro putik na rin ang kamay ganun rin ang mukha dahil kamay niya ang ginawa na pampunas sa kanyang pawis. Napansin ito ni Apollo at humalagapak ng tawa dahil sa mukha ni Hena.
"Why?????" naiiritang tanung niya kay Apollo.
Tawa parin kasi ng tawa ang binata kaya na inis na siya. Natigil naman ang binata, kinuha niya ang panyo sa bulsa at lumapit sa dalaga. Pinunasan niya ang mukha ni Hena.
"Iyan wala na...." sambit ng binata ng pagkatapos punasan ang mukha ni Hena.
Para naman napako ang dalaga sa kinatatayuan at hindi man lang ito gumalaw.
"Tanghalian na daw tayo....." sigaw ng isang magsasaka na naki tanim.
Umahon na ang lahat at silang dalawa ang huli. Habang naglalakad may napansin si Apollo na kakaibang kulay sa dinadaanan ng dalaga kaya tumigil siya at tiningnan ito...
"Holy shit........" tangin naibulalas ni Apollo na mapagtanto kung anu iyon.
