Chapter 6

2.3K 51 1
                                    

Nagkatinginan na naman ang apat at nag-uusap ang mga mata nila.

"Oky we will go Era...." wika ni Athena.

"Talaga girls?" paniniguro ni Hena.

"Yes, era pupunta kami doon, what time ba?" tanung ni Venus.

"Lunchtime girls...." sagot ni Hena.

"Sige asahan mo at paparoon kami." dagdag ni Diana.

Nasa hall way na sila paliko papuntang building nila ng mabangga si Hena ng lalaking tumatakbo.

"Ouch...." sambit ni Hena na napaupo sa lakas ng pagkabangga.

"Sorry miss hindi ko sinasadya nagmamadali kasi ako eh...." sambit ng estranghero na bumanga sa kanya.

Pinagpag ni Hena ang kamay niya, namumula ito at may kaunting galos..

"Era oky ka lang ba.." saad ni Athena at nag madaling alalayan ang kaibigan para maka tayo.

"Ang sakit noon ah...." sambit ng dalaga.

"Oh my girl, yung siko mo may..... may..... du....." sambit ni Diana at hinimatay ito.

Tiningnan niya ang siko niya may dugo nga ito dahil sa galos. Nasalo naman ni Venus si Diana.

"OMG! girls si Ana...." sambit ni Venus.

Tumingin si Hena sa harap at nagulat sa nakita.

"Ikaw na naman....." wika nito nang makita ang mukha ng lalaki na bumangga sa kanya.

"Akin na at bubuhatin ko siya papuntang clinic..." turan ng lalaki at binuhat si Diana.

Pumunta sila ng clinic at pinahiga ng mga kaibigan niya si Diana sa bed at pinagamot niya ang sugat.

"Aahhh......" sambit ni Hena ng dumampi ang cotton na may gamot.

Nakita ni Apollo ang pag ngiwi ng dalaga, hindi maipaliwanag pero parang may kumurot sa kanyang puso ng makita ito.

"Tingnan mo na disgrasya ako dahil sa kagagawan mo.." bilang wika ni Hena sabay tingin ng masakit kay Apollo.

"Sorry nag mamadali kasi ako dahil baka malate na naman." wika niya.

"Sorry,,, mapapagaling ba ng sorry mo ang sugat ko?" pag tataray ni Hena.

"Ang sungit mo naman nag sosorry na nga ang tao eh...." sambit ni Apollo.

"So ako pa ang masungit ngayon, samantalang ako itong na saktan." saad ni Hena.

Nanahimik nalang si Apollo dahil alam niyang iba na naman ang kahihinatnan ng kanilang pag uusap pag sumagot pa siya.

"Era tama na iyan, tutal hindi naman malala yang nangyari sayo, si Ana wala paring malay." pag aawat ni Athena.

Natahimik nalang si Hena. At napasulyap ito sa binata.

'Ang kisig pala niya tingnan sa malapitan...' saad ng kanyang utak.

"Mabuti naman at nagkamalay kana Ana..." sambit ni Venus.
"Girls gising na si Ana..." dagdag niya sabay tawag sa mga kaibigan.

Lumapit na rin si Athena at Hera sa kanila.

"Takot ka pala sa dugo Ana?" tanung ni Athena.

"Oo eh, sorry girls ha...." sagot ni Diana.

"Wala iyon.... mabuti at alam na namin...." sabad ni Hena.

"Kamusta na ang sugat mo Era?" tanung ni Diana sa kanya.

"Nagamot na Ana, gusto mo makita?" sagot ng dalaga sa kaibigan.

Parang biglang tinakasan ng dugo si Diana nang marinig niya ito. Kaya binawi niya kaagad ang sinabi at baka himatayin ito ulit.

"Joke lang iyon Ana...." wika niya at ngumiti.

"Teka, paano ako napunta dito sa clinic girls?" takang tanung ni Diana sa kanila.

"Binuhat ka ni....... siya....." sagot ni Venus sabay turo sa lalaki.
"Anu nga pala pangalan mo?" dagdag ni Venus sabay tanung sa lalaki.

"Apollo... ako si Apollo.." sagot ng lalaki.

"Salamat Apollo ha...." turan ni Diana.

"Walang anu man....." sagot ni Apollo.

"Ako pala si Diana....." pakilala ni Diana sa lalaki sabay lahad ng kamay.

Parang may part sa kanyang sarili na hindi nito nagugustohan ang nakita. Nakaramdam ng inis si Hena.

"Ako naman si Venus." pakilala rin ni Venus.

"Ikaw miss anung pangalan mo?" tanung ni Apollo sa kanya.

"Ay sorry ha hindi ko nadala birth certificate ko eh." pilosopong sagot ni Hera sa binata.
"Tsaka hindi ko binibigay pangalan ko kung kani-kanino lang..." mataray na dagdag niya.

"ID nalang meron ka?" sambit ng binata.

"Wala rin eh, naiwan ko sa kotse...." palusot niya.

"Sayang naman hindi ko malalaman ang pangalan ng napakagandang dilag na nakilala ko......" turan ni Apollo

Medyo kinilig si Hena sa mga narinig niya mula sa binata, pero nawala ito dahil sa dugtong ng salita niya.

"........ pero ang sungit at ang taray rin niya eh, kaya oky lang kung hindi ko makilala siya makilala..." sambit pa nito at ngumiti ng nakaka-asar....

Biglang kumulo rin ang dugo ng dalaga sa mga tinuran nito.....

Hena: The Brat ( Book 1: Goddesses of beauty ) by: Sexy Lady (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon