Chapter 14

1.9K 46 0
                                    


Ganyan ang nangyayari sa kanilang dalawa pag magkaharap laging nagbabangayan.

'Hay! ang babae talaga na ito walang kakupas-kupas mas lumala pa nga eh.' sa isip ni Apollo.

Natapos ang unang taon nila sa kolehiyo at baksyon na. Gusto sana ni Apollo na umuwi sa kanila para makita ang pamilya.

"Sorry nay, baka hindi ho ako makakauwi ngayon alam naman ho ninyo ang trabaho ko hindi ko rin pwedeng iwanan." wika ni Apollo habang may kausap sa cellphone niya.

Narinig ito ni Hena at parang namaramdam siya ng awa sa binata.

"Opo ma, miss na miss ko na rin ho kayo..." sambit pa nito tsaka binaba ang telepono.

'Siguro talaga namimiss na niya ang kanyang pamilya kaya ganyan nalang ang lungkot ng boses niya habang kausap ang mga ito....' sa isip ng dalaga.

Nakatayo lang sa pader sa Hena malapit sa kinaroroonan ni Apollo. Kaya nakita niya na may kinuha ito sa kanyang pitaka at tiningnan, family picture. Tinitigan at hinalikan ito ng binata tsaka ibinalik.

'Siguro ang hirap rin ng pinag dadaanan niya, tulad ko malayo rin ang pamilya niya...' nalulungkot na isip ni Hena.

Hindi alam ng binata na kanina pa may mga mata na naka tingin sa kanya at nadala ito sa mga nangyayari.

"Miss ko na kayo mama, papa mga kapatid ko..." bulong sa hangin ni Apollo.

Umalis na ito at lumabas na rin si Hena sa pinagtataguan niya.

"Pwede naman siguro na ako ang mag paalam kay daddy na magbakasyon siya....." saad ni Hena at may mga ngiti ito sa labi.

Umuwi ang mag-asawa mula sa China dahil sa bussiness deal ng companya. Hindi nagpatumpik-tumpik si Hena at kinausap niya ang mga magulang.

"Iho, gusto mo bang magbakasyon?" tanung sa kanya ni don Manuel.

Nanlaki ang mga mata niya, parang hindi ito maka paniwala sa narinig.

"Saba sir kaso may trabaho po ako diba..." turan ni Apollo.

"Pwede rin naman ikaw magbakasyon kahit may trabaho ka eh..." saad ng don.

"Ho? paano po?" tanung ng lalaki.

"Magbabakasyon ka pero isasama mo ang prinsesa ko...." naka ngiting saad ni don Manuel.

"Hooo.... isasama ko si senyorita?" bulalas niya.

"Oo iho, isasama mo siya kung oky lang sayo. May tiwala naman ako na kahit sa malayo kayo pumunta poprotektahan mo naman ang anak ko eh..." turan ng don sa kanya.

"Oky lang po ba sa senyorita na sumama sa akin senyor?" tanung niya sa matanda.

"Oky lang para naman maka rating rin siya ng ibang lugar at malayo sa pulosyon dito sa maynila." sagot ni Manuel sa kaya.

"Sige ho senyor isasama ko po siya..." masiglang saad ni Apollo.

Kumuha ang don ng ticket para sa kanilang dalawa para makauwi siya pero kasama si Hera. Tuwang-tuwa naman ang dalaga dahil unang beses na magbabakasyon siya dito sa pilipinas nga lang, kadalasan kasi sa ibang bansa sila kung mag baksyon.

"Oky lang ba talaga sayo na sumama sa akin pauwi?" tanung niya kay Hena.

"Oo naman....." masayang sagot ng dalaga.

"Sure ka? sa bahay walang kutson doon, wala ring wi-fi, walang cable at lalong wala aircon..." paliwanag ng binata.

"Oky nga lang tsaka jan ka naman para paypayan ako pag mainit diba.." naka ngiting sagot ni Hena.

"Wow! ganun so pati pag paypay trabaho ko na rin pala!" turan ng binata.

"Oo naman diba pinasama ako ni daddy sayo at ipinagkatiwala..." katwiran ni Hena.

"Oo nga pala no ipinagkatiwala ka niya sa akin kayA pwedw kong gawin ang lahat ng gusto ko sayo..." naka ngiting sagot ni Apollo.

"Bakit anu ba gagawin?" takang tanung ni Hena.

Tiningnan siya ng binata mula ulo hanggang paa at paa mula ulo.

"Bastos ka rin ah no...." iritang saad ni Hena.

"Bakit bastos?" sagot ni Apollo.

"Maka tingin ka wagas...." wika nito sabay irap at talikod.

Napakamot nalang ng ulo ang binata. After isang oras na byahe sa eroplano at tatlong oras na byahe sa jeep narating nila ang lugar ni Apollo.

"Wow! ang ganda pala rito......" bulalas ni Hena ng bumaba sila.

Hena: The Brat ( Book 1: Goddesses of beauty ) by: Sexy Lady (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon