Walang alam si Hena na may bisita siya ngayon. Kaya napaisip siya kung sino ang bisita na sinasabi ng kanyang secretarya."Sino daw?" saad ni Hena.
"Kami....." sabay na sagot ng tatlo.
Nagulat si Hena sa nakita, hindi niya akalain na pupunta ang tatlo dito.
"Kayo....!" gulat na wika ni Hena.
"Oo kami nga.." kay lapad na ngiti ni Athena.
"Hindi mo ba kami papapasokin?" sagot naman ni Venus.
"Oo nga nakakapagod kaya tumayo rito..." sabad rin ni Diana.
Pinapasok ni Hena ang tatlo at nag pakuha ng kape.
"Anu ang ginagawa ninyo dito?" tanung ng babae.
"Binibisita ka..." si Venus ang sumagot.
"Syempre na miss ka namin eh..." sagot rin ni Diana.
"Totoo ba na naririto na si Apollo?" wika naman ni Athena.
Kay lapad ng ngiti ni Hena ng marinig niya ito.
"So totoo pala ang news..." saad ni Venus.
"Kayo na ba girl?" tanung ni Diana.
Sumandal sa swivel chair si Hena at hindi ito ng salita pero ang mga ngiti niya sa labi ay sapat na para masagot ang tanung ng tatlo.
"Kailan ang kasal?" wika ni Athena.
"Oo nga dapat invited kami ha..." singit rin ni Diana.
Naupo ng maayos si Hena at hinarap ang tatlo.
"Hindi pa siya nag popropose eh..." sagot ni Hena.
"Hmmm ganun ba, malay mo naghahanda palang siya." singit ni Venus.
"Basta kasama kami sa invitation ha..." sabad rin ni Diana.
Masayang nagkwentohan ang tatlo hanggang sumapit na ang hapon.
"Good afternoon ladies..." bati ni Apollo mula sa pintuan.
Kay lapad ng ngiti nito at may hawak pa ng bulaklak.
"Good afternoon my love, flowers for you..." saad niya at iniabot ang bulaklak.
Sinlubong naman siya ni Hena. At bigla namang siniil ng binata ng halik, hindi nila alintana na naroroon ang tatlo.
"Ahem, naririto pa kami..." wika ni Venus.
Naghiwalay ang mga labi nila at humawak ang binata sa bewang ni Hena.
"Sorry ladies na miss ko lang si My love ko..." wika ni Apollo na kay lapad ng ngiti.
"Nagpapa inggit lang kayo eh..." saad naman ni Diana.
Nagtawanan silang lahat. Niyaya sila ni Apollo na kumain sa labas at sumama naman sila. Pagkatapos nila kumain ay kanya-kanya na silang umalis. Sabay umuwi ang dalaga.
"Ang kukulit talaga ng mga kaibigan mo my love..." naka ngiting saad ni Apollo habang nag dadrive.
"Masanay kana sa kanila my love." sagot ni Hena.
Lumipas ang isang buwan at niyaya ni Apollo si Hena na umuwi ulit sa kanilang probinsya.
"Excited na ako na bumalik doon my love..." wika ni Hena.