Chapter 12

1.8K 41 2
                                    

Na asar si Hena sa pag sunod ng binata sa kanya kaya umuwi nalang ito ng maaga.

'Bwisit na lalaki ito, sunod ng sunod kaka inis....' sigaw niya ng makarating ng kanyang silid.

May quarters ang mga katulong at ganun rin ang mga guard kaya doon na rin nanatili si Apollo dahil iyon ang gusto ng don na lagi niyang bantayan si Hena.

"Kamusta manang?" bati niya kay Mildred.

"Oky lang iho, ikaw ba ang bodyguard ni Hena?" tanung ng matanda sa kanya.

"Oho, ako nga po..." magalang na sagot niya.

"Alagaan at bantayan mo ng mabuti ang alaga ko ha at huwag mo siyang pababayaan iho..." bilin ng matanda sa kanya.

"Makakaasa po kayo manang..." naka ngiting turan niya.

"Gusto mo na ng kapae iho?" saad ng matanda.

"Oho manang kaya ho narito ako eh..... magkakape sana." sagot ng lalaki.

"Teka at ipag titimpla kita...." wika ng matanda.

"Ay huwag na manang nakakAhiya ho ako nalang po...." sagot niya sa matanda.

Naka tapos ng mag bihis ni Hena kaya bumaba ito. Naka short lang siya at spagette na damit. Nag tungo ito sa kusina para mag merienda.

"Ikaw?" bulalas niya ng maka pasok at makita ang binata.
"Anung ginagawa mo rito?" tanung niya sa binata at naka pamewang.

"Magkakape ho..." sagot ni Apollo sa kanya.

"Oo nakita ko nagtitimpla ka ng kape, what i mean is bakit ka naririto?" saad niya sa binata.

"Dito rin ako naka tira.... kaya narito ako..." pilosopong sagot niya.

"What??? dito ka nakatira?" bulalas ni Hena.

"Oo alangan naman sa kabing bahay eh kita mong na naririto ako." sagot ni Apollo.

"Sino nag patira sayo dito?" tanung ulit ni Hena.

"Si don Manuel alangan naman ikaw...." pamimilosopo nito at ngumiti.

"Bwisit ka...." singhal ni Hena at lumabas.

Napalunok naman si Apollo habang sinisundan ng tingin ang dalaga. Para itong diyosa sa paningin niya. Ang puti nito at ang kinis ng balat,kitang kita niya ito dahil sa suot ng babae.

'Ang ganda mo sana pero bakit ba ang taray at ang suplada mo? saan ka ba ipinaglihi ng mommy mo?' sa isip ng binata.

Lumabas na rin ito at nag tungo sa quarters nila. Nag bihis ito ng shorts at sando tsaka lumabas.

"Maka pag ikot nga rito para mapag aralan ko ang lugar dito.." bulong ng binata at nag ikot-ikot ito.

Napadpad siya sa garder ng mansyon ang ganda nito, napakaraming bulaklak at halaman. Nakita niya si Hena sa swing naka upo ito doon.

'Anu kaya ang iniisip ng babae na iyan at parang kay lalim.' sa isip ng binata.

Naramdaman naman ni Hena na may naka tingin sa kanya kaya napatingin siya sa paligid.

Hena: The Brat ( Book 1: Goddesses of beauty ) by: Sexy Lady (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon