Lumabas na si Hena, tamang tama na dumating rin si Diana."Good morning girl......" bati nito sa kanya habang pababa ng kotse.
"Good morning rin Ana..." naka kunot noong bati niya.
Bumaba na rin si Apollo sa kotse. Lumuwa ang mata ni Diana ng nakita ito.
"Magkasama kayo?" tanung niya kay Hena.
"Oo eh.... bodyguard/driver ko siya...." saad ng dalaga.
"Wow! buti naman kung ganun, ang gwapo pa naman niya..." turan ni Diana na kinikilig pa.
"Type mo?" tanung ni Hena sa kaibigan.
"Oo, para kasi siyang si machete eh..." kay lapad ng ngiti na sagot ni Diana.
Sabay na dumating si Athena at Venus.
"Good morning girls...." bati ni Athena sa kanila.
"Good morning rin girls...." pababang bati ni Venus.
"Good morning rin sa inyong dalawa...." si Diana ang sumagot.
Napako ang tingin ng dalawa kay Apollo na noo'y naka sandal sa kotse.
"Bakit narito siya?" pagtatakang tanung ni Venus.
"Ay girl lagi na yang narito, in short lagi na nating makikita ang poging boylet na iyan...." naka ngiting wika ni Diana.
"Bakit naman?" takang tanung rin ni Athena.
Nanatiling tahimik si Hena at nakikinig lang sa mga ito.
"Driver/bodyguard na siya ng lola mo...." sagot ni Diana at tumingin kay Hena.
"Maka lola ka naman wagas...." salubong ang kilay na sagot nito.
"Paano kasi iyang face mo naka kunot na mula ng dumating dito..." mapag asar na saad ni Diana.
"Totoo iyan girl?" tanung ni Venus.
"Oo totoo iyon, na kung saan ako doon din ang mokong na iyan..." naiiritang sagot ni Hena.
"Mokong nga gwapo naman...." sagot ni Diana.
Nakatingin lang si Athena sa kanila. At naka ngiti ito.
"Girls excuse muna ha..." paalam ni Athena sa kanila.
Naka tingin na sinindan ni Hena ang kaibigan at napataas ito ng kilay ng makita na si Apollo ang pinuntahan.
"Anu naman ang gagawin ni Ena doon?" wika ni Venus.
"Baka yayain si pogi para hindi ma out of place, kawawa naman nag-iisa siya..." sagot ni Diana.
'Hmmm asar naman anu ba ang gagawin ni Ina at nilapitan niya ito.' sa isip ni Hena.
Nag uusap na dalawa at napapakamot ng ulo si Apollo. Maya-maya ay sumama na rin ito kay Athena.
"Tara girls, alis na tayo at may klase pa..." pagyayata ni Athena sa kanila.
Naka sunod naman si Apollo sa likod nito.
"Hoy, lalaki paki bitbit...." wika ni Hena kay Apollo sabay lahad ng bag nito.
Naka tingin lang si Apollo sa kanya at sa bag na hawak nito.
"Ayaw mo? sabihin mo lang para masabi ko kay daddy na paalisin kana." turan ni Hena.
Walang nagawa ang binata kundi kunin ito.
"Good boy......." saad nito at naglakad na.
Nagkatinginan lang ang tatlo at umiling-iling.