Tiningnan niya ng masama si Apollo at siy rin ang inang bumawi dahil lumaban ang binata sa pakikipag titigan sa kanya.'Ang yabang naman ng lalaki na ito pero ang ganda talaga ng mga mata niya, nakakatunaw kung maka titig.' sa isip ni Hena ng iniwas ang tingin.
Oky na si Diana kay lumabas na rin sila. Naka sunod rin si Apollo sa kanila.
'Ang ganda talaga niya kaso lang ang gaspang ng pag uugali, kung magbabago ka lang sana Hena tiyak mamahalin pa kita lalo.' sa isipan ng binata.
Ramdam ni Hena na may mga matang maka titig sa kanya ng lingonin niya si Apollo at nag iba ng direction ang kanyang mata.
'Nakaka ilang naman ang mukong na ito kanita pa titig ng titig to ah....' sa isip ni Hena.
Dumating ang weekend at pumunta ang mga kaibigan niya sa bahay nila. Sunod-sunod pa ang pagdating ng mga ito.
"Hi Era....." bati ni Athena sa kanya.
"Hello Ina...." sagot rin ni Hena at naki pag beso-beso.
"Hi Era...." bati rin ni Venus sa kanya at nag beso-beso rin sila.
"Hello Era....." wika ni Diana at naki beso din.
"Let's go inside girls, mom and dad waiting for all of you....." yaya niya sa tatlo.
Sumunod rin ang tatlo sa kanya at may mga bitbit ito.
"Hi mom, dad, narito na po sila." wika ni Hena.
"Hello po...." chorus ng tatlo.
"Mom, dad ito po si Athena, si Venus at si Diana..." isa-isang pakilala ni Hena sa tatlo.
"Athena, Venus and Diana meet may mom and dad...." dagdag pa niya.Naki beso-beso ang tatlo sa ginang at naki pagkamay sa ama niya.
"Maupo muna kayo mga iha habang inihahanda nila ang tanghalian natin..." turang ng ina ni Hera.
"Oo nga, this is the first time na may mga dinalang kaibigang itong prinsesa namin." turan ni Don Manuel nito.
Napa ngiti naman ang tatlo at nag tinginan sabay tingin kay Hena.
"Masaya kami at sa wakas ay may mga kaibigan ka baby...." saad ng ginang.
"Mommy hindi na ho ako bata.... malaki na ho ako kaya huwag na po ninyo akong tawagin na baby..." padabog na wika ni Hena.
"Baby kita kahit malaki kana kasi nag iisang anak ka namin ng daddy mo..." sagot ng ina niya.
Nagtawanan ang tatlo sa pag simangot ni Hera.
"Ikaw Athena kamusta ka iha?" naka ngiting wika ng ginang at tumingin kay Athena.
"Oky lang ho ma'am..... Ina nalang po ang itawag ninyo sa akin...." magalang na sagot ni Athena.
"Ikaw naman Venus?" saad ni Letecia at ibinaling at tingin kay Venus.
"Oky lang ho,,, Inus nalang po itawag ninyo sa akin...." sagot ng dalaga.
"Ikaw Diana?" turan ng ginang at tumingin kay Diana.
"Ana nalang ho.... oky naman po ma'am....." sagot ni Diana.
Napangiti ang donya sa mga dalagang nasa harap niya. Napaka sopistikada ng mga ito pero ang gagalang at parang ang bait rin naman.
"Tita,,,,,, from now on iyan na ang itatawag ninyo sa akin mga iha, pwede ba iyon?" wika ni Letecia.
"Oky po tita...." chorus ng tatlo at ngumiti pa sila sa pagkakasabay.
"Ma'am ready na ho ang lunch sa garden...." wika ng katulong.
"Sige susunod na kami...." sagot ng donya Letecia
Pumunta sila ng garden, handa na ang pagkain. Nagsipag upuan na ang mga ito.
"Nagustohan ba niyo ang pagkain mga iha?" tanung ni Letecia sa mga bata.
"Oo naman tita masarap ho.." si Athena ang sumagot.
"Kayo mga iha?" tanung rin ni don Manuel sa dalawa.
"Masarap po...." sabay ng dalawa.
Napangiti naman silang lahat dahil sa sabay na pag sagot ng dalawa.
"Ikaw Ina, iha anung trabaho ng ama mo?" tanung ng ginang.
"Sa Querova Group of companies ho, CEO po siya tita..." sagot ni Athena.
"Wow, that's great! QGC is a huge company at around the world rin ang mga trasactions na ginagawa nila." sabad ni don Manuel.
"Oho, kaya nga po laging busy si dad eh..." saad ni Athena.
"What about your dad Inus?" tanung ng don sa dalaga.
"Si dad ho, siya po ang namamahala ng Smith Agency... busy rin po siya.." saad ni Venus.
"I heard Smith Agency is so good in service not just in Philippines but also in other country..." wika ni don Manuel.
"Ako naman ho si dad busy rin siya.... pinamamahalaan po kasi niya ang GSM TV Network.." sabad ni Diana na tila nahuhulaan niya na siya ang kasunod