Kasalukuyang nasa elevator si Apollo paakyat sa unit ng kanyang kapatid dahil bibisitahin niya ito.
"Hena......" usal ng binata ng makita ang babae sa labas ng pintuan.
Nakatingin rin ito sa kanya pero pasara na ang pintuan.
'Hindi baka na mamalik-mata lang ako sa kakaisip sa kanya...' sa isip ni Apollo.
Narating niya ang silid ng kapatid at nag doorbell ito. Bumukas ang pinto at sinalubong siya ng yakap ni Ruby.
"Ang tagal mo ring hindi nag pakita kuya ah..." sambit ng kapatid niya.
"Dalaga na ang bunso namin ah..." wika rin ni Apollo sabay gulo sa buhok ng dalaga.
Pumasok na rin ang dalawa at naupo sa sofa. Maya-maya ay lumabas si Alona mula sa kusina at may bitbit na merienda.
"Kuya merienda ka mula..." wika ng dalaga sabay lapag ng try.
"Aba! marunung ka na rin palang mag bake Alona ah..." turan ng binata at dumampot ng cookies.
"Syempre naman kuya..." naka ngiting sagot ni Alona.
Nag merienda silang magkakapatid at naubos nila ito.
"Kamusta ang pag-aaral mo Ruby?" baling ng binata sa bunso.
"Oky naman kuya pinag-iigihan ko..." sagot ni Ruby
"Ikaw Alona kamusta ang trabaho mo?" wika rin niya at tumingin sa kapatid.
"Maayos naman kuya at maganda rin hindi ako nahihirapan tsaka mababait rin ang mga co-workers ko." sagot ni Alona.
"Mag aral ka ng mabuti Ruby ha, huwag ka muna ang boyfriend-boyfriend at maka paghihintay iyan.." turan ni Apollo sa bunsong kapatid.
Napasandal si Apollo sa sofa at mariing napapikit
"Kuya may itatanung lang ako sayo huwag kang magalit ha..." saad ni Alona.
"Anu iyon?" sagot ng binata.
Dumilat siya at inayos ang pagkakaupo.
"May girlfriend kana ba?" sambit ni Alona.
Natigilan si Apollo at napatingin ito sa kapatid.
"Si ate Hena parin ba kuya..." wika ulit ni Alona.
Napayuko nalang siya sa sinabi ng kapatid. Oo, hanggang ngayon nag iisa lanv ang babae na nagmamay-ari ng puso niya at si Hena parin iyon.
"Kuya kung mahal mo si ate bakit hindi mo siya puntahan at magsimula ulit kayo, ligawan mo siya diba sabi mo mahal ka niya at mahal mo rin siya..." saad ng kapatid niya.
"Natatakot kasi ako Alona at baka nagbago na siya ngayon.." sagot ni Apollo.
"Subukan mo muna kuya, wala naman sigurong mawawala pagsinubukan mo diba." turan ng kapatid niya.
"Tsaka maiintindihan niya rin siguro kung bakit ka umalis dati basta mag paliwanag ka lang..." dagdag pa ng kapatid niya
"Alam mo ako itong matanda sayo pero ikaw pa ang nagbibigay ng advice, salamat kapatid...." wika ni Apollo at ginulo ang buhok nito.
"Kuyaaaaaa...." asar na sambit ni Alona.
Tumakbo si Apollo at hinabol naman siya ng kapatid nito.
"Ruby tulungan mo nga ako at ng mahuli natin si kuya para maka ganti rin tayo..." wika ni Alona.
"Sige ate gawin nating flat ang buhok niya na naka tayo..." sagot rin ni Ruby.
Parang mga bata na naghabulan ang mag kakapatid sa sala. Nang mapagod ay nag tungo si Apollo sa rooftop ng building para magpahangin.
"Siya talaga ang nakita ko kanina hindi ako pwedeng magkamali..." wika ni Hena na lakad ng lakad.
Para siyang aso na hindi maka ihi. Kaya napag pasyahan niya na lumabas at umakyat sa rooftop.