Alam ni Hena na boses iyon ng kanyang ama kaya dali-dali niyang kinuha ang blindfold."Daddy..." masayang wika ni Hena.
"Yes, my princess..." kay lapad ng ngiti ni Don Manuel.
Bago pa maka pagsalita ulit ang dalaga ay biglang may isang tugtugin na ikinanta at umilaw na ang paligid.
"Ano 'to?" gulat na wika ng dalaga.
May maliit na stage sa gitna at may mga table na naka ayos sa gilid. Marami rin ang bulaklak at halata na ginastusan talaga ito.
'Nasaan siya?' sa isip ni Hena.
Iginala niya ang tingin sa paligid at hinanap ang kasintahan pero wala ito doon. Namangha rin siya, si Jed Madella pala talaga ang kumakanta ng How did you know.
Halos naluluha na ang dalaga sa tuwa alam na niya ang mangyayari na mag popropose na ang binata pero hindi niya akalain na sa ganitong paraan.
"Alam ko na matagal ka ring naghintay sa pag babalik, nasaktan kita noon pero pinangako ko sa sarili ko na sa pagbabalik ko hindi na kita pakakawalan pa at narito ako ngayon para sabihin ito sayo at sana tanggapin mo ang iaalok ko Hena, my love...." mahabang turan ni Apollo.
Iginala ni Hena ang mga mata pero hindi niya makita kung saan ang binata ng biglang may sumabog sa kalangitan. Napatingngala ang babae at ikinagulat niya ang huling fireworks na pumutok.
WILL YOU MARRY ME HENA!!!
Iyon ang formation na nabuo sa kalangitan at alam niyang marami ang naka kita noon. Kay sagana ng mga luha niya sa mata, sobrang galak ang naramdaman niya ng may nagsalita ulit.
"Siguro nakita mo na ang ibig kong sabihin kaya uulitin ko ulit...." wika ni Apollo na lumabas na mula sa likod ng stage.
Walang kakurap-kurap si Hena ng makita na ang binata lumalabo na rin ang paninggin sanhi mga kanyang mga luha.
"........Hena Chua will you marry me?" wika ni Apollo at lumuhod sa harap niya sabay bukas ng isang maliit na pulang kahon.
Tumigil ang mundo ni Hena sa pagkakataong iyon. Pakiramdam niya siya na ang pinakamasayang babae sa buong kalawakan. Halos hindi maipaliwanag ni Hena ang sobrang tuwa na nararamdaman ng oras na iyon.
At ito nga si Apollo naka luhod na sa harapan niya at nagsabi na ng kataga na hinihintay niya.
'Ay oo nga nakaluhod siya at kanina pa ako naka tinggin lang sa kanya at kung saan na umabot ang utak ko.' sa isip ni Hena at ngumiti ng sobrang tamis.
"He....... Hena......." sambit ni Apollo na nag-aalangan.
"Yes, yes, Apollo Andrado i will marry you..." luhaang sambit ni Hena.
Tumayo si Apollo at sinuot sa dalaga ang Jade ring sa binili niya. Nag palakpakan ang lahat ng mga saksi na naroroon kasama na ang mga magulang niya.
"Mommy.... narito kayo kasama ni daddy..." gulat na wika ni Hena ng makita ang mga magulang.
"Yes princess, ang kulit ng nobyo mo eh kaya hindi kami naka tanggi and besides para rin ito sa baby namin." turan ng ginang.
Niyakap niya ang dalawang matanda. Sobrang saya niya narito rin pala ang mga magulang niya at ginawa iyon ni Apollo para sa kanya.
"Thank you my love..." wika ni Hena at ginawaran ng halik ang kasintahan.
"Tita, tito, umalis kayo jan at baka langgamin kayo." wika ni Venus.
Papalapit ang tatlo sa kinaroroonan nila at nagulat rin siya.
"Girls narito rin kayo?" gulat na saad ni Hena.
"Of course, magpapahuli ba naman kaming mga bff mo.." si Diana ang sumagot.
"Congrads Hena, Apollo...." wika ni Athena na kay lapad ng ngiti at nagbeso sa dalaga.
Humalik na rin siya sa dalawa pa at hindi na naalis ang mga ngiti sa labi ni Hena.
"Ate Hena..." sigaw ng isang babae.
"Ruby....Alona" saad ng dalaga.
"Congratulations ate, kuya..." wika ni Alona.
Nagbeso-beso rin silang dalawa, ganun rin si Ruby. Sobrang saya talaga niya at wala ng siyang hihingi pa. Napuno ang buong gabi ng selebrasyon at kasiyahan. May tawanan, inuman, kantahan at kwentohan.
"Masaya kaba my love?" bulong ni Apollo kay Hena.
"Sobra my love, salamat ha..." tugon niya at kay lapad ng ngiti.
Ginawaran niya ng masuyong halik si Apollo at nagpaalam na pupunta muna siya sa kanyang mga kaibigan. Pagtayo ni Hena bigla siyang nahilo at nawalan ng ulirat.
"My love...." nag-aalalang sambit ng binata.
Naging maagap naman sa pag salo si Apollo.