Nakarating na sila ng mall at kanya-kanya silang parking.
"Tara na girls..." yaya ni Hena at nauna ng pumunta ng elevator.
Sumunod naman ang tatlo at sumakay na sila para umakyat. Nag ikot-ikot muna ang mga ito.
"Girls pasok tayo doon?" wika ni Hena sabay turo na Celine botique.
"Sige tara...." sagot ng tatlo and take note sabay pa.
Pumasok sila at naghanap ng bibilhin. Nag sukat ng sapatos si Hera. Umupo ito ng couch at tinawag ang sales lady na naroroon.
"Can i have that one....." saad ng dalaga sabay turo ng itim na sapatos na 3" ang taas ng heels.
Kinuha naman ng babae at inabot ito sa kanya. Sinukat niya ito pero maluwang sa kanya.
"Do you have size 8 for this?" tanung ng dalaga.
"Sorry ma'am pero limited lang ho ang stocks namin niyan at iyan nalang ho ang natitira." paliwanag ng babae.
"I want size 8 of this and i don't need your explaination....... bilis ikuha mo ako..." bulyaw ni Hera sa babae.
Nagkatinginan ang mga naroon at nag bulong-bulongan, lumapit na rin ang tatlo sa kanila.
"Era, what's going on?" tanung ni Athena.
"Itong babae kasi na ito naka tunganga lang, sabing ikuha ako ng size 8 ng sapatos na ito hindi man lang gumalaw." wika ni Hera sabay duro sa babae.
"Sorry ma'am pero wala na ho kaming stocks niyan, limited lang po kasi iyan." sagot ng sales lady.
"No..... i want size 8 of this now......" galit na sigaw ni Hera.
"Era wala na nga daw silang stock." sabad ni Athena.
"No Ina..... i want this..... and i won't stop if i can't get what i want...." gigil sa turan ni Hena.
Bago paman magkagulo dumating na ang manager ng botique.
"Is thier something wrong madam?" tanung ng manager.
Ang sales lady ang nagpaliwanag sa manager.
"Ma'am let's go in my office, doon po tayo mag usap at kung makaka hintay ho kayo mag papadeliever ho ako ng gusto ninyo na size." saad ng manager.
"Paano tatanga-tanga kasi iyang sales lady ninyo eh, kung ako amo niyan pinalayas ko na." pagkasabi ng dalaga na malakas.
Yumuko nalang ang babae sa kanyang sinabi.
"Let's go ladies, this way please..." turan ng manager.
"Hera, mauna ka susunod nalang kani nina Ana at Enus ha." wika ni Athena.
Naunang umalis si Hera kasama ng manager. Lingid sa kaalaman niya, humingi ng paumanhin at tatlo niyang kaibigan sa mga naroon at maging sa sales lady.
"Maupo ho kayo Miss Chua..." wika ng manager.
Naupo siya at may tinawagan naman ang manager.
"On the way na ho ang order ninyo miss Chua. Hintayin nalang po natin." saad ng manager.
Maya-maya bumukas ang pinto at pumasok ang tatlo.
"Maupo kayo ladies..." offer sa kanila ng manager.
Naupo sila sa sofa at lumipas ang kalahating oras may dumating na delivery boy.
"Iyan na ba?" tanung ng manager sa lalaki.
"Oho sir...." casual na sagot nito.
"Sige salamat ha..." wika ng manager.
Umalis na rin ang lalaki at lumapit ang manager kay Hena.
"Heto na ho ma'am.." sabi ng manager sabay abot ng paper bag sa kanya.
Kinuha naman niya ito tsaka binuksan.
"Wow! this is good." saad ni Hera sabay sipat sa sapatos na hawak niya.
Sinukat niya ito, tamang-tama lang.
"I will pay for this..." wika niya sabay bukas ng bag.
Kinuha niya ang wallet at inabot ang isang credit card sa manager. Pagkatapos ay pumunta sila ng counter at ini-swipe doon. Pati na rin ang mga kinuha ng tatlo.
"Thank you ma'am..." wika ng casher.
"Tara girls kain na tayo." yaya ni Hera.
Sumang-ayon rin ang tatlo at umalis na sila. Naghanap ang mga ito ng pinaka malapit na makakainan. Tokyo-Tokyo ang nakita nila.
"Dito na tayo girls...." wika ni Athena.
"Sige.... tara na...." saad ni Hera.
Sumunod nalang rin ang dalawa at pumasok sila. Sa pag pasok ni Hera nabangga siya ng isang lalaki.
"Anu ba......" bulyak ni Hera pero hindi na niya natuloy.
Ang amo ng mukha ng lalaki, ang tangos ng ilong, ang kinis ng mukha, manipis at mapula ang labi at ang pupungay ng mata, para bang kung tumingin ang sino man ay maaakit nito, dagdag pa ang pagiging kulay brown nito.
"Oky ka lang ba miss....." wika ng lalaki sa kanya.