Naghalikan ang dalawa ng napakatagal. Halik na puno ng pagmamahal para sa isa't isa.
"My love aalis na ako at baka saan pa tayo mapunta nito mamaya pag hindi ako naka pagpigil..." naka ngiting wika ni Apollo.
Kung siya lang ang masusunod ayaw niya na magkahiwalay pa muli sila ng dalaga. Tumunog anh telepono niya.
"Hello sir!" pakamot-ulong sagot niya.
"Ahmmm sorry sir, pero pwede po bang bukas nalang ako pumunta jan." sagot ng binata.
"Oky sir thank you..." dagdag pa nito at binaba na ang tawag.
Naka tingin lang ang babae sa kanya at tila nag-uusisa ang mga titig nito.
"Boss ko iyon my love, nakalimutan ko na pinapapunta pala ako ngayon. Tumawag siya kasi bakit hindi pa daw ako dumarating kaya nagsorry ako at pinayagan naman niya na bukas nalang daw ako pumunta pero dapat bago mag eight doon na raw ako." paliwanag ng binata.
"Hmmm, ganun ba my love." saad naman ni Hena.
"Oo my love, sige alis na ako ha..." paalam ng binata at hinalikan sa noo ang dalaga bago tumalikod.
Naka ilang hakbang na siya ng biglang yumakap si Hena sa likod niya.
"Bakit my love?" tanung ni Apollo.
Kinuha niya ang kamay ni Hena na nakapulupot sa bewang nito at humarap sa dalaga. Iniangat ni Apollo ang mukha niya.
"Dito ka nalang, huwag ka nang umalis...." mga salita ni Hena.
Parang natigilan si Apollo sa mga narinig niya at tumingin ito ng derecho sa mata ng dalaga. Puno ito ng pagsusumamo.
"Baka pag umalis ka hindi kana naman bumalik eh..." saad ni Hena at tumulo na naman ang mga luha.
Pinunasan ito ni Apollo ang mga luha na iyon sa pamamagitan ng mga halik at idinikit ang noo ng dalaga sa noo niya.
"My love diba sabi ko hindi na kita iiwan, aalis lang ako kasi pag nanatili ako dito baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, hindi pa ito ang tamang oras." sagot ng binata.
"Ah! basta gusto ko dito ka lang at huwag ka nang umalis pa." parang bata na sambit ni Hena.
Naupo pa ito sa sahig at napakamot ng ulo ang binata. Lumabas na naman ang pagka brat nito.
"Pero my love hin......" saad ni Apollo.
Hindi niya ito natuloy dahil hinalikan na siya ni Hena. Halos hindi niya akalain na ganito na ang pinagbago ng dalaga, natawa siya na isiping ito na mismo ang nanghahalik ngayon.
"Aalis kala ba?" tanung ng dalaga na habol hininga.
Hindi na nagsalita si Apollo at muling sinakop ang labi ng dalaga. Nag iinit na rin siya at nabuhay ang pagnanasa na may pagmamahal na meron siya.
Unti-unting napasandala ang dalaga sa pader sa pag atras nito. Lalong naging mainit ang mga halik nila.
"My love hindi mo ba talaga ako paaalisin?" wika ni Apollo na ang pungay ng mga mata.
"Hindi my love..." sagot ni Hena at sumilip ang pilyang ngiti sa labi niya.
Hindi na nagtimpi ang binata, hinalikan niya ito at binuhat patungo sa silid.
"My love saan ang silid mo?" pabulong na tanung ni Apollo na pabulong.
"Sa kaliwa banda my love.." sagot rin ni Hena.
Pinihit ito ng binata habang buhat ang dalaga at hinahalikan ito. Dahan-dahan niyang binaba sa kama ang babae.
"My love......" sambit ni Apollo ng mailapag si Hena.
Napangiti naman ang dalaga. Sa bawat bigkas ni Apollo ng salita na ito lalong bumibilis ang pintig ng puso niya at kakaiba ang saya na nararamdaman ng dalaga. Lalo na ngayon at kasama pa nito ang lalaking minahal niya sa napakahabang panahon hindi na siya papayag mawala pa ito muli.
"Apollo make love with me and let me feel your love...." mga salita ni Hena na lalong nagpaigting sa binata.