Chapter Twenty Seven: From me to you
Pinagpatuloy ko lang tingnan si Joshua ng masama habang ginagamot sya nung nurse.
Una, kakain kain sya ng hipon tapos allergic pala sya. Yung totoo! Normal ba yun? Paglabas talaga namin dito ay makakatikim sya. Pangalawa, habang ipinapahid ng nurse yung kung anong oil sa balat nya ay ngingiti ngiti sya na para bang asong ulol sakin. Hindi ko talaga maintindihan tong’ tao na to’. Tatawag na ba ako ng mental?
“Ija, baka gusto mong tumuloy na sa klase mo at magsisimula na ang third period.” Medyo nagulat si Joshua nung nagsalita yung matandang nurse. Napakatahimik kasi kanina.
“Ganun po ba? O sige po.” Magsisimula na sana akong maglakad palabas ng hilahin ni Joshua yung kanina nya pang hawak kong kamay.
“Jann, wag ka munang umalis. Please…” Tiningnan kaming dalawa ng school nurse na para bang kinikilig. What’s with her?
That jerk gave me a pleading look na mukhang kinaawaan ng nurse. Hindi naman kasi sya yung mapapagalitan.
Para bang nabasa ni Joshua yung iniisip ko at nagsalita ulit. “Wag kang magalala, akong bahala sa’yo.”
Pinaikutan ko lang sya ng mata at sinubukang tanggalin yung pagkakahawak nya sa kamay ko. Nagsimula to’ nung kinaladkad ko sya papuntang clinic, pagkatapos nun ay hindi nya na binitawan yung kamay ko.
“Bitawan mo ko.” I hissed at him.
Pagkatapos gamutin nung nurse yung braso ni Joshua ay nag-isip lang muna sya sandali. “Dyan lang muna kayo at hahanapan kita Joshua anak ng gamot sa sakit ng ulo. Halos maubos na rin kasi yon at hindi ako sigurado kung may natitira pa.” She smiled warmly at me atsaka umalis. Great, now I'm stuck with this donkey na walang inisip kung hindi ang gumawa ng kalokohan.
I turned to look at Joshua who smiled innocently at me.
“Shunga ka? Alam mong allergic ka sa hipon tas kinain mo pa rin?” I whispered/yelled.
“Ito nanaman tayo eh..” Tumingin sya sa baba at pinaglaruan yung bracelet na nasa kamay nya. I narrowed my eyes at the bracelet at naalala ang sinabi sakin ni Jumana sa chat kahapon.
Buti nga yung gift mong bracelet sinusuot nya.
“Bigay nino?” Hindi ko na napigilan itanong. Aware akong hawak pa rin ni Joshua yung kamay ko pero hinayaan ko nalang.
“Ito?” tanong nya sabay taas ng kamay. Siguro kalahati ng baller yung laki pero normal na bracelet pa rin sya.
“Oo.”
Pinagmasdan nya lang yung bracelet bago sumagot. “Bigay ni Spyros.”
“Spyros?”
“Yup.” Pangalan ba ang Spyros?
I was expecting him to elaborate kung babae ba o lalaki pero he didn’t. Nang ibalin ko na yung tingin ko sa kanya ay medyo kinabahan ako dahil nakatingin sya sakin ng maige. Yung para bang minememorya nya yung bawat detalya ng mukha ko.
“Baka matunaw ako.” Bigla syang napangiti sa sinabi ko. He suddenly tug my arm at tumayo.
“San ka pupunta Joshua?” Syempre tatanungin mo diba? Ikaw ba naman yung kinakaladkad. Naglakad sya papunta sa nurse station kung saan nakita naming hindi magkandaugaga yung nurse sa paghahanap ng gamot para sa sakit ng ulo ni Joshua.
BINABASA MO ANG
Pagsapit ng umaga (Editing)
RomanceDo not read, under construction. (Major Editing) *Read at your own risk po.* Not long ago, you see... there was this girl named Jannelle. Pabago bago ng ugali, sarkastiko, at walang tiwala sa taong mga nakapaligid sa kanya, isa syang dalagang dinai...