Chapter Seven: I, the option
“I’m still here because I’m waiting for your royal ass?” He winked at me sabay kuha ng backpack ko mula sa likuran ko. Of course I struggled, pero dahil mas matangkad sya at walang kahit na anong injury ay nakuha nya pa rin ito.
“Hindi nakakatuwa pervert, akin na yung bag ko.” I crossed my arms and run a frustrated hand over my hair. Kapag may ibang estudyanteng nakakita saamin ay mapapatay ko talaga tong si Joshua.
He amusedly grinned and took my waist by surprise. “You don’t like me very much, do you?” Katulad kahapon nung tinutulungan nya ako ang naging paghawak nya sa beywang ko, mabilis nyang ipinatong ang kamay ko sa balikat nya.
Ano bang gagawin ko dito kay Joshua? Staying away from him at this rate would be impossible lalong lalo na at hirap ako sa paglakad. Nasasamantala nya pa nga ang sitwasyon dahil halata namang wala akong kalaban laban sa kanya.
How come pinagaaksayahan niya ang isang katulad ko ng oras?
“Joshua….” Bulong ko ng napakahina nang may nahagip akong papalapit na tao sa dulo ng mata ko. “Let me go.”
Walang sagot
I looked up at his face and saw how he was solemnly staring at my covered face. This isn’t the time for that! “Joshua kasi…”
Wala nanamang sagot
“Joshua Rafael Santiago.” Sa sobrang pagpapanic ko ay naisigaw ko sa tenga nya ang buo nyang pangalan.
“You do know my name by heart but not like how I know yours Jannelle Romana Marasigan Santana.” He really smiled at me this time sa sobrang tuwa na alam ko ang buong pangalan nya. Alam kong nalaman nya ang pangalan ko through my ID pero I didn’t know na namemorize nya rin ang pagkahaba haba kong pangalan.
Sa sobrang tutok namin sa usapan tungkol sa mga pangalan namin ay nawala na sa isip ko yung taong papalapit saamin. The person stopped a few feet away from us at tinawag ang pangalan ni Joshua. Since nasa likuran ko ang taong iyon ay si Joshua pa lamang ang namumukhaan nya.
I immediately tensed to what is about to happen. “Crap.”
As if Joshua knew what I exactly meant by ‘crap’, mabilis nya akong inikot at tinakpan sa lalaking kaibigan niya. Ako ngayon ang nakasandal sa pader habang nakapalupot ang kamay nya sa beywang ko. Sa itsura namin ay mukha kaming may ginagawang milagro gamit ang aming mga bibig. To say it’s just plain awkward would be a total understatement.
“Sorry man, just a little busy here with my girl.” Joshua used his casual tone with his friend. At dahil normal na sa isang Joshua Santiago ang makitaan ng may kasamang babae ay madali namang tinanggap ang excuse nyang busy raw sya.
“Sorry bro, talk to you later.” Itinaas lang ni Joshua ang kamay nya without even glancing back to his friend.
Pinakinggan ko ang paglakad ng kaibigan nya at bumuntong hininga nang tuluyan na itong makalayo and is nowhere in sight.
“You’re ashamed to be seen with me.” Hindi ito tanong kung hindi statement mula sa mayabang at manyakis na lalaking nakadikit saakin ngayon.
“Who said that? Now, you can get off of me.” Ipinatong ko ang magkabila kong kamay sa dibdib niya para subukan syang ilayo.
Tiningnan ko sya nang direkta sa mukha. I watched how he is seductively biting on his lower lip with his brows furrowed. Hindi ko na namalayan na sinusubukan kong tanggalin ang namumuong kunot sa noo nya hanggang sa magsalita ulit sya. “Sabi na eh, you secretly like me.” Looking at him, it was really weird hearing him speak tagalog. Para bang, hindi mo talaga aasahan.
BINABASA MO ANG
Pagsapit ng umaga (Editing)
Storie d'amoreDo not read, under construction. (Major Editing) *Read at your own risk po.* Not long ago, you see... there was this girl named Jannelle. Pabago bago ng ugali, sarkastiko, at walang tiwala sa taong mga nakapaligid sa kanya, isa syang dalagang dinai...