Chapter Ten: Fight
Naririnig ko pa rin ang usap usapan ng marami hingil sa isang away na naganap kahapon habang naglalakad papasok ng Hallmark.
Sino-sino, bakit, anong oras… ito ang mga tanong na paulit-ulit kong maririnig kapag may bagong estudyanteng dadating.
I woundn’t normally care listening to gossips but then he is involved. I’m not saying na I just magically care about that idiot but then curiousity would claw at me every once in a while.
Nakarating na ako ng classroom at naabutan itong tahimik. Unlike yesterday, you could have heard a pin drop sa sobrang tahimik ng mga tao. Walang mga magbabarkadang nagtatawanan o nag aasaran. No one dared to sit next to a sleeping Joshua, afraid that they may receive his wrath.
I scooted myself comfortably at the back of the room, to my usual seat. Ibinaba ko ang mga gamit ko sa bakanteng upuan sa gilid ko at inilabas ang target-lists-notebook ko. I started doodling when I heard the hushed whisper of the two person in front of me.
“Nakita ko rin kanina yung pasa sa mukha nya…” Itinuro ni Alex, na nakaupo sa harapan ko ang pisngi nya para ipakita kung saan tinamaan ang mukha ni Joshua.
“Ano ba talaga ang nangyari?” Tanong ni Jerome kay Alex na hindi nya naman original na ka-seatmate. Sadyang nakikiupo lang para makisagap ng chismis at saka dahil ang row namin ang pinaka malayo kay Joshua.
Here we go again…
Sa tuwing may magtatanong non ay ginagawa ko ang makakaya ko para hindi makinig. Mahilig lang akong mag obserba, pero hindi ko hilig ang makinig sa mga chismis.
I started drawing a sun and a human stick. Apparently ay hindi ako nabiyayaan sa drawing department. I shaded the inside part of the sun and added a line on the outer part of the sun. Apat na taong stick ang nagawa ko. Dalawang matandang babae at lalaki, dalawang batang magkapatid na babae at lalaki rin. Sa drawing ay hawak hawak sila ng mga kamay, yung tipo bang hinding hindi sila mabubuwag.
I suddenly got aware of what I drew and erased the human sticks aside from the little girl.
That’s more like it.
Naging mukhang gabi ang ginawa ko imbis na umaga. The little girl in the middle with no one to hold on to seems to make a lot more sense now.
“… si Blue?” I looked up at the mention of someone’s name. Blue…
Pano napunta ang usapan nila kay Blue? As if they heard me ay tinuloy ni Alex ang pagkukwento nya kay Jerome. “Hindi ka ba nakiking bro?”
Tinapik ni Jerome ang balikat ng kanyang kaibigan na akmang tatayo na.“Ulitin mo kasi mula sa umpisa, bakit kasi sa gitna ka ng storya nagsimula kaagad?”
Gumawa ng naiinis na tunog si Alex at nagsalita ulit ng pabulong. “Nagsimula lahat kahapon nung uwian na. Nakauwi na siguro ang principal at mga teacher kaya hindi sila na office.”
“Nasaan sila non?” pagtatanong ni Jerome.
“Yun na nga, nakatambay lang si Joshua sa school gate. Sabi ni Arjay sakin na isang third year student ay inaantay raw ni Joshua ang driver nito.” Nag nod lamang si Jerome kay Alex para ituloy nito ang kwento. “Tapos biglang dumating si Blue at Michael, may pinag-uusapan raw yung dalawa na narinig ni Joshua. Ang tingin namin ay tungkol sa kanya yung pinag-uusapan.”
“Bakit naman?”
“Kasi lumapit nalang si Joshua sa dalawa at sinumulan silang kausapin. Nung una mahinahon palang silang nag-uusap, hanggang sa naunang itinulak ni Blue si Joshua.” So much for not listening to gossip…
BINABASA MO ANG
Pagsapit ng umaga (Editing)
RomanceDo not read, under construction. (Major Editing) *Read at your own risk po.* Not long ago, you see... there was this girl named Jannelle. Pabago bago ng ugali, sarkastiko, at walang tiwala sa taong mga nakapaligid sa kanya, isa syang dalagang dinai...