Chapter Sixten: Her secret's starting to unfold.
“Kanina pa kita kinakausap Santana! I demand na sumagot ka na bago pa lumala ang lahat.” I’m aware. Ang sarap na nga plasteran ng bunganga mo Mrs. Principal. Kanina pa sya eh. kanina pa sya talak ng talak.
“Wala ka talagang sasabihin?” I saw her lips curving into a smile. An evil smile to be precise.
“No.” What does she expect me to say? Papunta na ko sa lagi kong inuupuan tas nainom ako ng gatas na ginawang pang milk bath ni Charles?
“Jann!” I heard Blue hissed sa may dulo ng Principal’s office room. Nakakainis na ah, bakit nga ba nandito si Blue ulit?
“Very well Santana, you may go now.” Sabi ni Ms. Virginia na Principal namin. Her tiny little smile was suddenly wiped off her face but to be replaced by a smirk. Kung pwede lang tumawa sa naging reaksyon ni Charles ay gagawin ko pero that wouldn’t be the best choice right now. Parang luluwa yung mga mata nya at laglag ang panga, pwede ng pasukan ng baby elephant.
“Maam, hindi po ba kayo nakikinig sakin? Sya po ang unang sumuntok sakin! Hindi nyo man lang sya isususpend?” Inis na inis na sinabi ni Charles.
“Oh Charles darling, I know exactly what I’m doing.” She smiled wildly at me and I didn’t even like it even a little bit.
Hindi naman ako mind-reader pero alam ko exactly kung anong gusto nyang mangyari.
“Uhh, well Ms. Virginia. A suspension wouldn’t be too bad.” I stated nervously. I would actually love it, free from homeworks, boring lectures, mga teachers na may favoritism, at hindi na rin ako mapipilitan magpagupit. Hindi na rin ako mate-tempt tumingin sa direksyon ni Joshua at humuling na kahit isang beses lang, kahit isang beses lang eh he would look in my way at makikita ko sa mga mata nya na sorry sya.
Wait! Sinabi ko lang ba yon sa isip ko? Ugh, imposible. Hindi ko utak ang nag-isip nun.
“Nu-uh, that’s not happening.” Dammit! Then what?
“You can go now!” Aangal pa dapat si Charles pero Ms. Virgina gave a sige-umangal-ka-pa-at-sasamain-ka-sakin look.
Huff. Hindi nga naman makakapalag si Charles lalong lalo na at scholar sya dito. Naglalaro kasi sya ng basketball para sa school.
“Whatever.” I heard Charles mumbled.
Ako ang unang-unang lumabas sa principal’s office. Halos tumakbo na nga ako para makalayo lang sa office. Sumasakit pa yung ulo ko at hindi pa ko handang makipagbakbakan sa panenermon ni Blue. He is the last person who I wouldn’t be so grateful na sabihan ako ng mga hindi ko dapat na ginawa. No, he’s the second to the last.
So where to go? Where to go?
Hindi ko feel tumuloy ng klase ngayon sa Filipino. Siguradong pag-iinitan nanaman ako nung baklang yun. Tsaka sumasakit yung ulo ko, parang binibiyak na ewan.
As I was walking past the girls bathroom, I stopped dead on my tacks. Alam mo yung feeling na hindi nakikipagcooperate yung utak mo sa katawan mo? Well, that would be it. As much as I wanted to walk away, parang I just simpy, couldn’t.
It’s his voice that actually made my body stop. I didn’t want to’ pero nangyari nalang.
“Mau, can’t you understand? Hindi na kita mahal!” Joshua’s voice was so frustrated.
BINABASA MO ANG
Pagsapit ng umaga (Editing)
RomanceDo not read, under construction. (Major Editing) *Read at your own risk po.* Not long ago, you see... there was this girl named Jannelle. Pabago bago ng ugali, sarkastiko, at walang tiwala sa taong mga nakapaligid sa kanya, isa syang dalagang dinai...