Chapter Twelve: A song to remember
Two weeks? Is she for real? Kahit bigyan mo pa ako ng one month ultimatum ay hindi ako papayag sa gusto nya. Okay, I admit. Naging bastos yung bunganga ko pero can you really blame me? For almost five years ay ganito na ang buhok ko tasthey're telling me ths whole ordeal now. Just no!
Habang naglalakad palabas ng office ay nakita ko na agad sya. Feeling haring nakasandal yung likod nya at isa pa nyang paa sa pader habang nag sasoundtrip. Ibang klase rin talaga tong’ si Joshua. Oo, badtrip ako sa kanya. NakakaBV sya. Saktong saktong napatingin sya sakin sabay ngiti na parang aso.
“Tapos na?” tanong nya sabay lapit.
“Obvious ba? Nakita mong lumabas na ko diba?” tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.
“Tss. Ang sungit mo talaga.” Mukhang tuwang tuwa sya sa sinabi nya kasi yung tawa nya tagos sa office.
“Haha!” I laughed sarcastically. “What are you even doing here anyway?” this time ay nakasunod na sakin si Joshua as I make my way papunta sa cafeteria. That made me think. Ano nga ba ang ginagawa nya sa office e may katukaan sya sa room kanina?
“Inaantay ka?” His answer caught me off guard. Para bang normal na normal lang yung sagot nya.
“Bakit?” Akala ko ba eh wala syang paki, kanina nga… Hindi man lang nya ako pinapansin tas ngayon kung umasta sya e.. basta.
His whole crap is confusing me.
Tiningnan nya lang ako na para bang bagong labas ako sa mental bago sumagot. “Anong bakit?”
“Nagtatanong ako diba?”
“E nagtanong rin ako!” Nakaismid nyang sinabi. Bakas sa mukha nya ang saya na nagpapagtripan nya ako.
“Wala akong pakielam! Nauna akong nagtanong”-Ako
Tumigil sya sa paglalakad nya at ganun rin ako.
“Ang isip bata mo Jann! Bakit? Sa tingin mo bakit kita inaantay? Syempre diba kaibigan na tayo” Tsk! Hindi ko naman sinabi na antayin nya ko eh.
“Argh! Hindi ako isip bata!” with that ay naglakad na ulit ako papuntang canteen. Bumili muna ako ng chicken na chips at kanin tsaka ako umupo sa usual place ko para mag observe. Pero may epal na biglang tumabi!
“Bata! Yan lang pagkain mo?” tiningnan ko lang si Joshua tas sa pagkain ko bago sumagot.
“Anong problema dito?”
“it's unhealthy. Duh?” Sabi nya sabay kuha ng chips ko mula sa lalagyan nito.
Pinitik ko ng malakas yung kamay nya at nagsalita. “Wag mo kong paandaran Santiago! Tsaka wag mo nga akong tawaging bata."
“Bakit ba ang sungit mo ngayon ah? Pinagalitan ka ba ng principal?” Hindi ko pwede sabihin sa kanya dahil siguradong sya mismo ang mang-eenganyo saakin na magpagupit at wala pa rin akong tiwala sa mga katulad ni Joshua.
“Uhh. Hindi! Ano lang, may sinabi lang.”
“Jann, may tanong ako sayo” tiningnan ko lang sya bago sumagot. “Ano?”
BINABASA MO ANG
Pagsapit ng umaga (Editing)
RomanceDo not read, under construction. (Major Editing) *Read at your own risk po.* Not long ago, you see... there was this girl named Jannelle. Pabago bago ng ugali, sarkastiko, at walang tiwala sa taong mga nakapaligid sa kanya, isa syang dalagang dinai...