Chapter Twenty Three

242 9 7
                                    

Chapter Twenty Three: In denial she is

“Joke ba yon ni Aaron? Hindi nga. Joke siguro yon.” I silently muttered to myself habang sinasara yung pintuan papasok ng bahay.

Di nga. Joke yun eh. Pero bakit kasi seryoso yung expresyon sa mukha nya habang sinasabi nya yon? Yung ungas na yon! Saying dishonest things like that.

Siguro sinabi nya lang yon dahil naaawa sya or gusto nyang makabawi sa ginawa nya. Tama, siguro ganun nga.

“Excuse me miss..” rinig kong boses na nagsalita sa likuran ko. Mabilis naman akong umikot at guess what? Bumungad sakin ang mukha ni Blue.

Miss raw? tiningan ko yung kanan at kaliwa ko kung sino ba yung tinatawag ni Blue. May bisita ba kami?

“Ikaw yung tinutukoy ko.” Sabi nya sabay lapit. “Not to be mean pero imposibleng kaibigan ka ni Jann. Ikaw ba yung anak ni Yaya Muning?"

My jaw dropped. That bastard! Hindi nya man lang ako nakilala! Sarili nyang kapatid nya tapos hindi nya makilala.

"Miss?” I saw him shift his weight sa kabila nyang paa.

“Miss mo mukha mo.” Sabi ko na ikinagulat ni Blue.

Nakakainsulto, nakakainis, at nakakayamot! I expected him to recognize me of all tapos ganito?

“Huh?” Nagsalubong yung kilay nya. Tinignan nya ako ng mabuti bago magsalita ulit. “Ah. Ikaw? So kaibigan ka nga ni Jann? Pero kailan pa? pero imposible talaga yon..” Pabulong nyang sinabi yung huli pero narinig ko pa rin.

Am I that complicated? Hearing your own brother say that hurts.

Kaya ka nga nya iniwan diba?

I heard rustling galing sa kitchen papalapit sa amin ni Blue which made me snapped out of my thoughts.

“Are you gonna answer my ques-‘’ He was cut off by Yaya Muning.

“Oh Jann. Ang aga mo naman ata.” I swore to Alvin. Nakita kong nagstiff yung form ni Blue.

He looked at me like he haven’t seen me before. Na para bang stranger ako. And so, I returned his gaze back. We both stared at each other and then I saw his stare turned into a cold one.

I felt a twist sa tyan ko. Yung binibigay nyang look ngayon ay hindi ko maexplain. Galit, I presume.

“You’ve got to be kidding me..” May pagkabitter yung tono ng boses nya.

“Anong kidding kidding. Hindi ka ba….” Natigilan si yaya Muning ng makita nya yung expression sa mukha ni Blue.

I was too afraid to even mutter a single word. Takot na bumalik nanaman sya sa dating Blue.

“This is sick. Dear sister, you're fucked up.” I forced a smile.

Parang binuhusan ako ng malimig lamig na tubig sa sinabi. Masakit talaga! Parang sinaksak nya  ng barbeue sticks yung dibdib ko.

Get a hold of yourself Jann! It’s just Blue insulting you. Wala ng bago don.

 Who am I kidding?

Umalis nalang si Blue without sparing a single glance at my way. Oh wow. My great of a brother seriously hates me now. Just wow. I didn’t know that I’m that hateful. Good to know.

“Pasok na po ako ng kwarto ya.” Pumanhik na ko ng kwarto bitbit bitbit yung shoulder bag ko.

Ang gara ng araw ko ngayon. Pinagtinginan ako ng mga tao, nainsulinsulto ni Joshua, hindi nakuha ang cellphone na dapat makukuha ko ngayon, napagtripan ni Aaron at mas nalaman ko na dapat dumistansya na ko kay Blue. Ni tingnan nga ay  hindi ko na rin gagawin. kung yun talaga yung magpapagaan ng loob nya.

Pagsapit ng umaga (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon