Chapter Thirty Three

161 10 2
                                    

Chapter Thirty Three: Vulnerable

 

 “Fear shields one’s real feelings and gives false reasons. Thinking becomes the hardest, you don’t know if to choose solitude or settle for love. Fear is a sin. Believe that… and behold a relieved heart.” -Unknown.

Paulit-ulit akong nagexcuse sa mga sumasayaw pero I’m still halfway through since puno talaga ng tao yung club. I can feel my heart beating loudly. Just what the crap is actually happening? 

Dapat nasa bahay ako ngayon at ginagawa ang essay ko na due sa Monday, dapat kapiling ko na yung higaan ko at malakas na humihilik. Pero hindi, naisip kong bisitahin si Joshua sa club at suotin ang pagka ikli-ikling damit na to’. And that sounded so wrong.

“Excuse me nga kasi eh!” Pabulong kong sinigawan yung lalaking kanina pang pahara-paharang. Apparently napagdiskitahan akong harangan ng teenager na to. Siguro mas matanda lang sakin ng isang taon to’ pero anyway, wala syang karapatan na harangan ako. Hindi purkit pinagtitinginan sya ng mga babae dahil medyo may itusra sya ay may dahilan na syang mangtrip.

Kapag natapos talaga si Joshua sa pag kanta ng hindi tumatabi tong’ mokong na to eh pasensyahan na lang.

I felt anxiety building inside of me. Kung nakita man ako ni Joshua kanina ay mas talagang kailangan ko ng umalis. Wala dapat ako dito! Ugh.

And then bigla nalang akong tumigil sa pagtulak sa lalaking to’.  I got curious kaya tiningnan ko lang sya at pinagmasdan. Ganun rin sya sakin. Bakas sa mga mata nya yung pagtataka nang una nya kong sulyapan kung bakit ako tumigil. Nang matingnan nya ako ng mabuti ay may nag iba.

Wala na yung mayabang nyang aura, I couldn’t put a finger to what his expression is. Yung expresyon sa mukha ay yung madalas na ipinapakita ng mga lalaki sa classroom sakin simula ng gupitin ni yaya yung buhok ko.

This time, I want to badly ask him kung bakit  tinitingnan nya ako ng ganun. That’s when the music stopped at bumalik na ako sa realidad.

Shit.

Mabilis kong tinapakan ang paa nung lalaking nasa harap ko. Hindi ko naman masyadong nakalimutang bigyan ng diin yung pag tapak ko pero anong magagawa ko? Pag desperado ka  nga naman. Sinamantala ko na yung pagkakataon na napaupo sya sa sobrang sakit para tumakbo.

Nasa kalagitnaan na ko ng pagbukas ng pintuan ng club ng may humila sa braso ko. With the nails digging into my arms painfully ay napilitan akong tumingin sa humila sakin.

Alam kong hindi si Joshua ang humila sakin. Hindi naman kasi ganun kahaba yung kuko nya. One time nung wala kasing teacher sa room ay ikunukwento kasi ni Joshua sakin kung pano pinakekeelamanan ni Jumana ang kuko nya pag tulog sya.

I was greeted by Bettina’s confused gaze. Hinila nya nalang ako pabalik sa isang table na maraming nakaupo ng hindi nagtatanong. Bago pa kami makarating ay bumulong na ko sa kanya.

“Kailangan ko ng umalis.”

 

Pagsapit ng umaga (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon