Chapter Thirteen: Unexpected hateful opposide side of him
Bumuntong hininga muna ako bago ko pinindot ang log out button sa facebook. Hindi kasi online si David kaya wala na rin dahilan mag online. Ang sama lang talaga ng loob ko ngayon, para bang pinagbagsakan ako ng langit. Nang dahil sa Blue na yun ay hindi na ako makalabas ng kwarto. Sigurado kasing maghahari-harian nanaman yun.
Nang makarinig ako ng ingay sa labas ng pinto ay agad kong tinabi yung laptop sa gilid ng kama habang nakahiga. Yep amininado naman ako e, tinatamad kasi akong umupo para lang maglaptop kaya laging nakapatong ang laptop sakin habang nakahiga. Dahan-dahan naman akong naglakad papalapit sa pintuan sabay dikit ng kaliwa kong tenga sa pintuan. Ingay lang talaga yung naririnig ko, yung para bang mga gamit na hinihila. So totoo nga, babalik na yung magaling kong kapatid.
Bigla naman akong napatalon ng narinig kong nagring yung cellphone ko. Lumakas rin bigla yung tibok ng puso ko. E pano kasi, wala namang tumatawag sakin with the exception of syempre, yaya Muning. Habang papalapit ako papunta sa kama para kunin yung cellphone ko ay iniisip ko kung phrank call ba yon o nagkamali lang ng tawag.
Nasagot naman eventually yung tanong ko kung sino ba talaga yung istorbo ng makita ko yung caller.
SexyJoshua calling…
Well, I should have half expected it. Argh! Sabi na eh, kaya pala parang may kinukuha sya sa bulsa ko kahapon nung break time. Yung damuho na yun. Ang kapal ah! Sexy daw, sexy my pwet.
After thirty minutes ay hindi ko na talaga kinaya yung ingay ng cellphone ko. Kahit na sumasayaw nalang ako tuwing naririnig ko yung ring tone ko ay tao rin pala ako kaya sinagot ko na. Hindi ko na rin nga mabilang kung nakailang tawag na si Joshua pero seryoso, nakakainis na talaga sya.
Jann: Problema mo?
Joshua: Hello to you too.. haha.
Jann: Wag mo ko-
Joshua: Chill ka lang babe, Gust-
I hung up on him. Babe? Yuck. Nung sinabi nya yun ay tumaas yung balahibo ko sa batok. Syempre being the persistent jerk ay tumawag nanaman sya.
SexyJoshua calling…
Isinima ko sa to-do-list ko mamaya ang palitan ang ID name nya sa contacts mentally. Last na to’, pag hindi sya nagtino ay hindi ko na talaga sasagutin yung phone.
Joshua: Bakit mo binaba? May nangyari ba?
Pagkasabi nya nun ay hindi ko maiwasang mapangiti. E kasi yung boses nya parang bata na nawalan ng Teddy Bear.
Jann: Wag ako ang problemahin natin, mukhang ikaw ang may problema dahil nakailang tawag ka na-
Joshua: Hahaha, natin? Parang tayo ah.
That’s it. Kumukulo na yung dugo ko. Ibababa ko na dapat yung phone ng magsalita ulit sya.
Joshua: Oi Joke lang! Wag mong ibababa. Ang sarap mo lang naman kasing asarin.
Jann: bahala ka na nga!
Joshua: Ito na, kasi baka ano, baka gusto mo..
Jann: Gusto ko?
Joshua: Baka gusto mo gumala sa mall?
Jann:
Naalala ko si Blue. Ito na yung chance ko para makalabas ng wala yung Blue na yon.
BINABASA MO ANG
Pagsapit ng umaga (Editing)
RomanceDo not read, under construction. (Major Editing) *Read at your own risk po.* Not long ago, you see... there was this girl named Jannelle. Pabago bago ng ugali, sarkastiko, at walang tiwala sa taong mga nakapaligid sa kanya, isa syang dalagang dinai...