Chapter Thirty Four

137 8 5
                                    

Chapter Thirty Four: ‘Opposites attract?’

Mga thirty minutes na simula ng magising ako sa loob ng kotse ni Joshua. Worst part is nagising akong nakahimlay yung ulo ko sa hita nya. Bababa na sana ako ng kotse nang magising ako kaso malakas pa rin talaga yung ulan at hindi ko alam kung saang lupalop kami ng mundo pupunta.

 Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at napansin kong pamilyar na yung dinadaanan naming mga bahay. Right, papunta sa bahay nya.

 Pagkalipas ng ilan pang minuto ay tumigil na yung sasakyan sa tapat ng bahay nya. I guess it’s time para bumaba na at maglakad pauwi since wala naman syang balak ihatid ako. Nakakita ako ng dalawang payong sa tabi ko at agad akong kumuha ng isa sabay bukas ng pinto.

 “Pahiram muna nito.” Mahina kong sinabi sa kanya. Pagkalabas ko eh halos sumabog yung ulo ko sa sobrang sakit. Daig ko pa ang may hang over.

 Nagulat nalang ako nang biglang harangan ni Joshua yung daanan ko. Dahan dahan syang lumapit sakin at saka nya kinuha yung payong sa pagkakahawak ko. So ano to’? Sya pa may ganang magalit at magdamot ng payong? Fine then, maglalakad nalang ako ng walang payong.

 Mabilis ko syang dinaanan at dun ko naramdaman yung pagpatak ng ulan sa katawan ko. Yinakap ko nalang ang sarili ko para makaramdam naman ako ng init kahit papano. Buti nalang walang pasok bukas. Ugh, yung back pack ko pala na kay Bettina, pano ko yun makukuha?  Kung aantayin ko pang makuha yun sa Monday eh hindi ako makakagawa ng iba ko pang homework.

 Late ko ng napansin na hindi na pala ako nababasa ng ulan. Nang tumingala ako eh imbis na makita ko yung ulap ay bumungad sakin yung payong na hawak ko kanina. Napatigil tuloy ako sa paglalakad.

 Alam ko sa sarili ko na kanina ko pa iniiwasan isipin yung tungkol kay Joshua pero sa mga oras na ganito. Ano ba ang magagawa ko? Halos isampal na sakin lahat ng lalaking to’ yung mga bagay na gusto ko nang ibaon nalang sa limot.

 “Jann…” Bumuntong hininga ako. Ito nanaman po tayo.

 “Jann, bakit ba galit na galit ka sakin?” Pagpupumilit nya.

 Ang sarap sanang sagutin eh. Kaso ano bang mapapala namin? Wala. Mag-aaway at mag-aaway lang rin kami.

“Kung ayaw mo ipahiram yung payong, wag mo na kong sundan.” Nagsalita ako na para bang hindi ko narinig yung sinabi nya.

 Imbis na magsalita pa sya ay mas pinaliit nya ang distansya saming dalawa. Dun ko sya tiningnan sa mga mata. Bakit ba kasi ganito? Hindi ba pwedeng maging okay ang lahat kapag kasama ko si Joshua? Hindi na ba magiging okay?

 Ang sumunod nyang ginawa ay ang pinaka hindi ko inaasahang gagawin nya. Hinila nya ko sa may balakang at hinalikan sa labi. Nung naglapat ang aming mga labi ay ramdam ko nanaman ang pagtulo ng ulan sa mukha ko.

 One.. two.. linagay nya ang magkabila nyang palad sa mukha ko. Three..Four. Five.. six. Mas linaliman nya ang pagkalik. Seven.. I harshly broke the kiss.

 Harap harapan kong pinunasan ang labi ko habang nakatingin sa mga mata nya. And then I saw it.. nasaktan sya sa ginawa ko.

 Wala akong naramdaman sa halik nya.. I refuse to’ feel anything.

 “Done?” I questioned him with enough venom in my voice.

 He just smirked at me sabay kuha ng kung ano sa loob ng bulsa nya. Parang déjà vu lang ang nangyari nang makita kong inilabas nya yung cellphone ko.

 San nya nakuha yon? Diba iniwan ko yung cellphone ko kay Bettina na nasa loob ng bag?

 “Let’s make a deal Jannelle. Either uuwi ka ngayon ng wala sa’yo ang cellphone mo o dito ka lang hanggang sa sinabi ko.” Nginitian nya ko ng nakakaloko at naglakad papunta sa loob ng bahay nya. “ I'm giving you five seconds to think of it.” That bastard! What is he trying to play now?

Pagsapit ng umaga (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon