Chapter Thirty Six: Life between the opposites
"Hindi mo naiintindihan. Kahit anong gawin kong pilit sa sarili ko, kahit na anong tanggi ko. Ikaw lang eh, ikaw lang yung hinahanap hanap ko. Ikaw lang at wala nang iba." Malakas ang pagkabog ng dibdib ko. Bawat salitang binibitawan ni Joshua ay nagpapataas ng buhok sa batok ko.
Not just that, it's the way he looks at me habang nagsasalita sya. Parang totoo...
"Ako pa ngayon ang hindi makaintindi? Hindi pwedeng ako ang piliin mo. Magiging komplikado lang ang lahat." While halos matunaw na ko sa titig nya ay ako naman ang panay iwas ang tingin.
"Bakit hindi? Wala na ba ko ngayong karapatan piliin ang taong gugustuhin ko? Kailangan nalang bang may magdidikta sakin kung sino at hindi sino ang dapat kong gustuhin?" Dahan dahan syang lumapit sakin na para bang hindi na nya alam ang gagawin.
"Gusto mo talagang sagutin ko yan? Oo, Joshua." Shit, I slipped. I wasn't supposed to say Joshua. "Oo, Alam mong sa simula palang na magkita tayo ay hindi na pwede to'." I gestured for the both of us at finally, nagkaroon na rin ako ng guts para tumingin sa mga mata nya.
"Besides, hindi mo pwedeng pilitin ang hindi pwede. Hindi pwedeng magsama ang dalawang taong nasa magkaibang mundo." Joshua gazed at me differently. Yun bang 'what-now?-Are-you-being-serious-now look'.
"Para sa'yo Jann, pipilitin ko. Iiwan ko yung kinagisnan kong buhay. Ipagpapalit ko ang lahat basta hayaan mo lang ako dyan sa tabi mo." I froze. Or lahat yata. Nakatingin lang ako kay Joshua at sya din.
"Hephep! Kayong dalawa. Cut!" Ginawa pa ni Lea yung scissor na kamay para ipakitang cut na.
I took a step away from Joshua at tumingin kay Lea.
"Marami pa rin kayong linyang nakakalimutan. Ikaw Jann, imbis na Diego ang tawag mo kay Joshua ay tinatawag mo pa rin sya sa tunay nyang pangalan. Likewise with you Joshua. You two need to focus. Sa Thursday na yung play. We need to be the best!"
Right. At hindi ko rin alam kung bakit pumayag akong maging lead sa play na to'. Nahati kasi ang class sa apat na grupo last week. At yay! Lucky me, not at kagrupo ko si Joshua.
Napagusapan ng buong grupo, or shall I say ''nila'' na gumawa ng romantic/drama play. Surprise, surprise at kami pala ni Joshua ang gaganap bilang Rosalie at Diego. Hindi ko alam bakit ako ang pinili but I'm sure na I'm not liking it.
Gusto nilang umarte kami ni Joshua na magnobyang ipinaglalayo ng sitwasyon. According sa ginawa ni Lea na script at plot ay si Joshua ay isang klase ng taong hindi nakikihalubilo sa isang katulad ko, mahirap na nga eh nagtatrabaho pa bilang babysitter. Personally ay wala naman akong nakikitang masama sa pagiging babysitter pero that's not really any of my business since hindi naman ako tumulong sa kahit na ano para sa grupo. Kaya nga wala akong nagawa nang i-assign sakin yung role.
"Ikaw naman Joshua serysohin mo, ewan ko kung san mo nakuha yung huling linya na sinabi mo pero just to remind you, hindi yun part ng script. Okay?" Pag-uulit ni Lea ng mga dapat at hindi dapat gawin.
Pinigilan kong tumingin sa direksyon ni Joshua. Everytime na titingnan ko kasi sya ay mas naaalala ko lang yung ginawa ko nung weekend resulting sa pagkainis ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong nangyari o kung bakit ginawa ko yun ,I just know one thing, it is that I shouldn't have done what I did.
"Kailangan ko na siguro umuwi." Kagat kagat ko yung pangibabang labi ko habang inaantay ang sagot nya.
A part of me is still regretting na binuksan ko ang malaki kong bibig at sinabi sa kanya ang totoo. Hindi ko man lang inisip na something like this would be a lot to take in. Hindi lang to' parang bagong brand ng chewing gum na iririkuminda sa kaibigan mo at aasahan mong isusubo nya lang to sa bunganga nya na parang wala lang.
BINABASA MO ANG
Pagsapit ng umaga (Editing)
RomanceDo not read, under construction. (Major Editing) *Read at your own risk po.* Not long ago, you see... there was this girl named Jannelle. Pabago bago ng ugali, sarkastiko, at walang tiwala sa taong mga nakapaligid sa kanya, isa syang dalagang dinai...