Chapter Twenty Four

248 9 3
                                    

Chapter Twenty Four: They say that when you forgive, you forget.

 “Jann. Parang awa mo na! Gumising ka na.” Malakas na pagbulyaw ni yaya Muning sakin.

Woah?! Déjà vu much?

“One minute, promise.” Oh diba ang bait ko? One minute nalang ngayon ang hinihingi ko. Teka. Diba one minute lang rin kahapon? Ah! Wag ka nang mag-isip Jann. Itulog mo nalang yan at sayang ang oras.

 

“Bahala ka nga. Basta wag mo kong sisisihin na hindi nanaman kita ginising.” Narinig kong sinara nya yung pinto.

Hah! One for Jann. Zero kay yaya Muning.

“Seven thirty na pala ah.” Nagising ako bigla at napilitang tumakbo papuntang banyo ng marinig kong sinabi yon ni yaya.

Tae naman na may amoy oh. Bakit hindi nya ko ginising ng mas maaga pa?

Mabilis akong nagapurang naligo at nagsuot ng uniform tsaka isinilid yung essay na ginawa ko. Buti nalang talaga at tinanong ako ni  Hammer este Hunter  kung may homework ako kahapon kung hindi patay ako.

Tumakbo ako palabas ng gate at nagsimulang naglakad patakbo.

And then it went awkward, for me okay? Kahit kasi hindi ganun karami yung mga tao tulad kahapon ay nakatingin pa rin sila.

Nakayuko ako nun para umiwas sa mga tingin ng kapitbahay ng may biglang naglagay ng sumbrero sa ulo ko.

“Wag ka ngang yumuko ng ganyan, para kang kuba.” Tinaas ko yung ulo ko at lumantad ang mukha ni Blue. He rolled his eyes at me atsaka naglakad papalayo.

“Jerk.” I muttered.

Yung totoo. Bakit ang gulo ng mga tao sa paligid ko? Kung galit si Blue sakin… bakit ibibigay nya yung pinakaiingat-ingatan nyang sumbrero sakin? Bakit nung umiiyak ako dahil sa nangyari samin ni Joshua ay nandun sya para sakin? Diba pag galit ka, hindi ka dapat mabait sa kanila?

Gusto ko man ibalik yung sumbrero ni Blue sa kanya at sabihin na hindi ko kailangan ng sumbrero nya ay hindi ko magawa. With everyone looking and staring at me? Yep, I'd rather accept Blue's weird kindness towards me kaysa naman maintimidate sa tinginan ng mga tao.

Kung saan dumadaan si Blue ay dun din ako dumadaan dahil iisa lang naman yung daan papuntang school and to my relief, hindi na rin ako pinagtitinginan ng mga tao.

7:54 AM na nang makarating kami ng school at pagkatapak ko ng gate ay dun na ko kumaripas ng takbo papuntang klase. Uff, hindi ako pwedeng malate! Ano na lang sasabihin ko sa first period subject teacher ko? “Uhh Maam, sorry I’m late.. Si David na si Hunter pala ay kinausap ako ng kinausap kagabi at hindi ko magawang iwan sya kahit nagsinungaling sya at pinagmukha nya kong tanga kasi kahit ganun, sya palang yung sumusubok na umintindi sa kabaliwan ko.”

Pagsapit ng umaga (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon