Chapter Thirty Five

133 7 2
                                    

Chapter Thirty Five: ‘And then there's 'us'

Halos tumaas lahat ng balahibo ko sa leeg ng hingahan ito ni Joshua. Kasalukuyang nasa ilalim kami ngayon ng kumot dahil nga biglang pumasok si Jumana at walang tigil na kinuhaan kami ng letrato. Kanina ko pa rin pilit na tinatanggal yung kamay ni Joshua na maigeng nakahawak sa beywang ko at kanan nyang paa na nakadantay sakin. Gawin ba kong unan!

“Joshua, hindi na ko makahinga!” Nagsisimula na talaga akong mainis. Mabuti sana kung malamig, eh ang lagay para kaming sardinas na nagsisiksikan sa loob ng lata.

“Mhmm.” Mas hinigpitan nya lang ang yakap mula sa likuran ko na para bang ready na kami buksan ng can opener sa loob ng lata. Aba nangaasar pa ata tong' damulag na to.

“Hindi ka na nakakatuwa. Alam kong kanina ka pa gising!” Bulyaw ko ng pagkalakas lakas.

Mabilis namang nawala yung kamay at paang kanina pa nakadikit sakin na agad kong ikinasaya. Pero little did I know na panandalian lang yon. Biglang may nagtangal sa kumot na nakatakip samin na feeling ko ay si Joshua at inupuan ang tyan ko. Nasa magkabilang gilid ang mga binti nya habang dinaaganan ako na parang elepante.

“Kasi! Umaalis ka dyan.”  Tinawanan lang ako ng mokong bago nya unti-unting inilapit ang kamay nya sa mukha ko. Bumilis yung pagtibok ng puso ko ng madaanan ng palad nya yung pilat na malapit sa mata ko.

Alam kong napansin nya kung pano nalang ako natahimik kaya dahan-dahang ko rin nilapit yung kamay ko papunta sa mukha nya at nilagpasan ito papunta sa tenga nya. Linakasan ko yung paghila sa tenga nya at medyo inikot pa ito.

Napasigaw naman si Joshua na naging daan ko para itulak sya paalis sakin. “Ang kapal ng mukha mong daganan ako Santiago! Anong kala mo? Sexy ka?”

“Tama na. Masakit Jann!”

“Ngayong alam mo na ang pakiramdaman.” Sabi ko bago ko bitawan yung namumula nyang tenga.

Parehas lang kaming nag-Indian sit ni Joshua sa kama at tiningnan ang isa’t isa.

“Bakit ang ganda mo?” Tanong ni Joshua na agad ko namang ikinagulat.

Dinilaan ko lang sya bago sumagot. “Ewan ko sa’yo.”

“Di nga, seryoso ako.” Wala na yung kaninang nagbibirong Joshua at napalitan ng napakaseryosong mukha.

“Pwede ba? Hindi ako maganda. End of story.” Sa totoo lang ay hindi ako komportable sa pinag-uusapan namin. Ako? Maganda? Ha ha!

Tatayo na sana ako ng biglang hilahin nya ko papunta sa kanya. Kinandong nya ko sa kanya at niyakap ng sobrang higpit.

“Hindi kita pinagtitripan Jann. Maganda ka sa labas at loob.” Bumuntong hininga nalang ako, he just wouldn’t give up.

“Baka sa loob, pwede pa.” Bakit ba nya pinipilit na maganda ako? I’ve seen myself countless times sa harap ng salamin at wala. Wala akong nakikitang maganda sa salamin kasi wala naman talaga.

Binitawan ako ni Joshua at hinarap sa kanya.

“Tingin mo ko sa mga mata.” At ginawa ko naman.

“Bakit ba napakaliit ng tingin mo sa sarili mo? Ayoko man aminin to’ pero nakita mo ba kung paano ka tingnan ng mga lalaki sa school? Nang mga kagrupo ko sa banda? at pati na rin yung lalaki na kausap mo sa canteen nung isang araw? Kung hindi mo lang nga kapatid si Blue ay iisipin kong pati sya may gusto sa’yo.” Medyo pabiro nya nang sinabi yung huling linya.

Pagsapit ng umaga (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon