Chapter Forty Part One: Finale
My whole being feels so stiff and weak. I can’t move. I feel so paralyzed. As if, as if I’m half dead. Just waiting to be buried six feet under the ground.
I wasn’t aware kung nasaan ako. But I know that for a very long time, I just drifted on and off to sleep. Magigising ako pero makakatulog lang rin ulit. Andun pa rin naman ang diwa ko.
Gising.
Nakikinig.
At sa unang beses na nagising ako, naramdaman kong parang ilang taon akong nakatulog at ngayon lang ulit nagising.
Sinusubukan kong bilangin tuwing nagigising ako ng sandali kung ilang araw na kong natutulog pero nakakalimutan ko pa rin. Minsan sobrang tagal pa nga. May gap.
It’s not the feeling na alam ko ang nangyayari pero aware ako na meron.
Maraming beses ay may maririnig ako. Minsan may bumubulong, tapos may sumisigaw. Halo halong salitang hindi ko maintindihan. Nung isang beses, hindi ko na narinig na may umiiyak. Naramdaman ko. Naramdaman ko yung hinagpis at bumalot sakin ito. Hinding hindi ko yun makakalimutan dahil sa tingin ko, yun ang unang beses na nagising ako.
Ito yung pakiramdam tuwing gabi kung saan ipipikit mo yung mata mo pero gising pa rin yung diwa mo. Nag-iisip. Pero kapag sinubukan mong buksan yung mata mo ay tulog ka na pala. Hindi ko rin maintindihan. Naguguluhan ako.
Ano bang meron?
Sino ba ako?
Para akong batang nakakulong sa isang kwartong walang bintana at pintuan. Isa akong diwang nakaupo sa lapag at nakasandal sa pader. Sa isang kwartong madilim. Hindi alam kung bakit naroon.
Matagal na panahon na ganun lang. Paulit-ulit. Na para bang nakakapagod na.
Hanggang sa isang araw ay nagbago lahat. Ang diwa ko ay parang tuwang tuwang musmos na bata nang makarinig ng kakaibang ingay.
Pamilyar na tunog ng makinarya. Tiiiiiinng
Unti-unti ay nararamdaman kong nawawala na ko. At ang kaninang tuwang tuwa bata ay nalungkot. Dahil ang tanging naririnig nya nalang ay iyak. Malakas na paghagulgol.
“Clear.”
At tuluyan na kong naglaho na parang bula.
Hindi ko alam kung paano. Pero nakabalik muli ako. Medyo masaya kasi hindi na ako ikinulong sa madilim na silid na katulad ng dati.
Nabigla ako sa muli kong narinig. Isang matinis na sigaw.
All at once. Nabuhay ang buo kong pagkatao. Isang hindi ko maintindihang sakit ang pumapaloob saakin.
Masakit. Kumikirot. Mahapdi. Paulit-ulit. Hindi nawawala.
Sabay sabay silang umatake ng walang awa. At doon ko lang napansin na sa sarili kong bibig umaalingawngaw ang matinis na sigaw.
“Tawagin mo yung doktor!” Nakarinig ako ng nagmamadaling takbo.
Patuloy lang ako sa pagsigaw ko. Pumipintig ang ulo ko. Gusto ko sana itong hawakan at ihampas sa pader kaso lang ay may kumuha ng kamay ko.
Malumanay nya itong hinaplos haplos at tsaka ko lang napansin ang pagbagsak ng aking mga naluha nang makalasa ako ng maalat na tubig sa dila ko.
“Kalma lang anak. Kalma lang.”
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at maraming paglakad na papasok. I once again panicked and thrashed around.
Anong nangyayari? Bakit ganito?
“Ahhh!” galit na galit kong sigaw. Ngunit hindi ko mawari kung bakit ganun nalang ang aking reaksyon. Pakiramdam ko ay umaapoy ang buo kong katawan.
Doon na bumukas ang aking mga mata. Dahan dahan itong nabubulag sa matinding ilaw na aking nakikita.
May puwersahang kumuha ng dalawa kong kamay sa magkabilang direksyon pero hindi ko sila makita. Patuloy pa rin akong nasisilaw. Naramdaman ko nalang ang pagtusok sa aking balat ng isang matulis na bagay.
Iyak pa rin ako ng iyak dahil sa sakit na nararamdaman ko. Napasigaw nalang ako bigla. “JOSHUA!” Pero sa kasamang palad ay hindi ko pa rin maintindihan ang lumalabas sa bibig ko.
Biglang tumahimik ang buong paligid. Hindi ko na sinubukang intindihin kung bakit. Sa bawat minutong lumilipas ay unti unti nang nawawala ang sakit at kasabay noon ay ang pagsara ng aking mga mata. Hanggang sa nawalan nanaman ako ng malay.
Nakahiga lang ako habang nakabukas ang mga mata. Nang subukan ko ulit buksan kanina ang aking mga mata ay halos mabulag na ko. Pumintig ulit ang ulo ko ng sobrang lakas pero hindi na ito ganun kasakit katulad ng unang pagsubok ko.
Malabo pa sa ngayon ang aking mata pero tama na iyon para malaman na walang taong nakapaligid sakin.
Tahimik lang ako at iniisip kung anong nangyari saakin.
Makalipas ang matagal na sandali ay bumukas na ang pintuan. May narinig akong nalaglag at mabilis na pagtakbo palabas. Nasundan naman ito ng pagpasok nanaman ng maraming tao sa kwarto.
“Gising na sya ng maabutan ko.” Nagmamadaling sinabi ng isang matandang boses.
“Jannelle? Jannelle?” sinabi ito ng doktor habang kumakaway kaway sa tapat ng mukha ko.
Jannelle?
Sino…?
Tama… ako nga sya.
“Yung papa mo Jannelle, nandito sya. Hindi mo ba sya nakikilala?” Bumilis ang pagtibok ng puso ko sa narinig ko. Dinahan dahan ko lang ang pag galaw sa ulo ko papunta sa direksyon na sinasabi ng doktor.
Matagal pero ng alam ko na ang isasagot ay nagsalita na ko. “Hindi, hindi ko po sya makita.”
Medyo blur at form lang ni papa at ng doktor ang aking nakikita kaya napaluha ako. Kahit hindi malinaw ay napansin kong napatungo ang doktor.
Weeks passed. Wala pa ring nangyaring pagbabago sa paningin ko. Malabo pa rin lahat. Kahit papano ay bumalik na rin ako sa aking ulirat. Medyo naiintindihan ko na kung nasan ako. Pero kung paano ay hindi ko pa rin alam.
Minsan ay dadalaw si Blue saakin pero hindi sya magsasalita. Uupo lang sya at titingin sa malayo.
Si papa naman ay tahimik lang rin. Magsasalita lang sya kung magtatanong kung ‘gusto ko na ba raw kumain o kung may sumasakit sa katawan ko. But other than that, hindi kami nag-uusap.
Sa buong linggong inilagi ko rito ay akala ni papa ay hindi ko naririnig ang mga pinaguusapan nila ng doktor.
Na posibleng may na damage sa utak ko.
Na posibleng nakaapekto ito sa paningin ko.
At possible raw na mabulag ako.
But I remained calm and composed.
I didn’t care. Wala akong paki sa kung anong pwedeng mangyari saakin. But my father doesn’t agree with me apparently.
Isa isa ng umamin ang lahat ng laslas ko sa katawan sa kung anong nangyari sakin habang wala sya. Habang kumakain ako, dalawang araw na ang nakakalipas ay napansin nyang puro peklat at hiwa ang buo kong braso.
Agad siyang naghinala at nagtanong dito pero kaagad kong iniba ang usapan. Tinanong ko kung kailan sya aalis na ikinagalit nya.
I just can’t help but laugh. Bitterly.
Now he cares. Now! Of all time?
And so he arranged a meeting between me and my new psychologist.
Apparently, he thinks I’m out of my mind.
[] Barely Edited []
_______________________________
PLEASE READ A/N: Ito na ang second to the last chapter sa Life between the opposites. Ibig sabihin, part one lang po ito ng ending. Thank you po sa lahat ng nagbasa! Alam ko may 3 namang nagbasa nito. Me, myself and I. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Pagsapit ng umaga (Editing)
RomanceDo not read, under construction. (Major Editing) *Read at your own risk po.* Not long ago, you see... there was this girl named Jannelle. Pabago bago ng ugali, sarkastiko, at walang tiwala sa taong mga nakapaligid sa kanya, isa syang dalagang dinai...