Chapter Nine

431 12 7
                                    

Chapter Nine: Stranger danger

Tatlong araw palang ang nakakalipas simula nang magsimula ang pasukan pero bakit parang ang dami nang nangyari? He was just a simple guy who seems to demand my whole attention, a guy na walang ginawa kung hindi asar-asarin ako with any chance he could get.

Oh wait, I totally forgot. Joshua Santiago is far from being simple. Dahil nga naman foreigner ito ay mas pinagkakagulahan sya ng mga babae sa Hallmark. Girls certainly dig that; mayaman, gwapong foreigner, sikat, maloko at may pagka badboy ang dating.

That's the point though, maraming babae sa Hallmark na mas maganda, sosyal, mas mayaman, sexy, mas may sense of humor kausap, at sikat. Ang tanging mayroon lang ako sa lahat ay yaman, yaman na ang lahat ng mga estudyante sa Hallmark ay mayroon. Para san pa at binansagan ang Hallmark as school of the rich kids, diba? School of the rich and bratty kids.

Kaya nga, sa dinami rami ng babae sa Hallmark na mas angat saakin in so many ways, bakit ako pa? Bakit ako ang napili nyang balikan sa classroom para imbitahin at kumain sa cafeteria? Bakit ako yung napili nyang sundan sa basketball court at piniling tulungan? Bakit saakin nya piniling ibigay ang homework nya kahit alam nyang mapapagalitan sya? Bakit kailangan na ako...?

Alam kong hindi rin naman ubod ng espesyal ang trato nya sakin dahil kabila kabila rin naman ang pangbababae nya. The way he would just ignore and not reply to me sa chat is one evident example.

Kung ibang babae siguro ako ay nagtatatalon na ako sa tuwa dahil saakin napiling ibigay ni Joshua Santiago ang kakarampot na atensyon nya.... kaso lang ay hindi ako ibang babae.

Sana ay hindi nalang ako napansin ni Joshua nung first day, marahil ay mas tahimik at wala akong iniisip na problema ngayon. Sana...

I just hated how dejected he looked when he started walking away from me in the cafeteria. It's as if he's really sad na tinaboy ko sya nang tuluyan. It's as if nasaktan talaga sya sa sinabi ko. I hate it kasi paniguradong guni-guni ko lang yon! Naiinis ako dahil hindi ako sigurado sa iniisip ko tungkol sa kanya ngayon.

I'm not saying na dapat kinilala ko muna sya ng lubos bago ko sya akusahan ng kung ano-ano, but can you really blame me? Five years of abandonment from people, five years of no friends in school, five years na natuyo at panis na ang laway ko sa kahihintay with the first two years nang kakaibigan sakin pero wala... at ngayong okay na ko sa kinalalagyan ko, ngayong kuntento at sanay na ko ay saka papasok si Joshua Santiago sa eksena.

Wonderful, isn't it?

At the back of my mind, I want to badly ask him... why do you care..? Or do you even care at all? Pero syempre mas malakas pa rin ang bulong ni pride na hayaan ko nalang. Tsaka he just walked away, I can't just place a hand over his shoulders and face him para tanungin lang ang mga walang kawenta kwentang tanong na yan.

Ako naman si tanga, tanga na masyadong inoover analyze ang lahat. Minsan, kahit ayoko ay nakakaramdam ako ng inggit kay Joshua.

He can just simply walk away... without caring at all.

He can just ask for something without having to beg or even raise his voice... and he can get it all.

I've been pushing him away for the past couple of days pero with no luck ay hindi ko magawa, but with him, it seems effortless, without a care in the world. That fact really angers me.

He underestimates me too much nang sabihin nyang mag-ingat ako dahil may lalaking pinapanood ang bawat galaw ko. He really thinks na wala akong alam pagdating sa bagay na yon? That's ridiculous. Like I said, I've been observing people in Hallmark for far too long, kapag may tumitingin saakin ay madali ko lang na malalaman.

Pagsapit ng umaga (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon