Chapter Twenty Eight

170 8 2
                                    

Chapter Twenty Eight: Lucy Romana Marasigan Santana

Jann continued zoning out while Mr. Gregory assigned the new group project. Once in a while ay hahayaan nyang marinig ang pagdakdak ng guro nya pero her mind wouldn’t stop flickering to the thoughts of the earlier events.

Especially the part where somebody actually promised her to not isolate and leave her. Well, he didn’t actually used the ‘promise’ word but that’s exactly the same thing, isn’t it?

Alalang alala nya pa rin yung una nyang naramdaman ng sabihin sa kanya ni Joshua yon. Sobrang saya at gaan ng naramdaman nya hanggang sa magtagpo ang kanilang mga tingin. It’s like looking at the mirror of past.

Too hurtful for her though.

Para bang isang napakasakit na pangyayari nanaman ang muling mauulit. Isang pangako nanaman ang masisira at mababaon sa limot. That thought alone almost made her cry.

Luckily, mabilis nyang naitago lahat sa harap ni Joshua kanina yon.

“Santana!” Maririnig pa ata ng  buong klase ang pagcrack ng leeg nya ng ibinalin nya ang attention nya sa guro at tumingin.

“Are you listening to me? I said go to your designated groups.” Hindi pinahalata ni Jann ang pagkagulat nya na may nabuo na palang mga grupo.

Tumayo sya at tiningnan ang mga nahating grupo. She waited for them to call her… na tawagin sya para sabihin na kagrupo rin nila si Jann. Para syang nakatangang aso na inaantay na mahanap ng kanyang amo.

“Jann!” Finally, she sighed. Medyo gumaan yung loob nya ng may tumawag sa kanya dahil kanina pa talaga sya pinagtitnginan ng mga kaklase nya.

Nakahinga na sya ng malalim. Handa na sana nyang puntahan ang kaklase nyang si Jerick na tumawag sa kanya ng magsalita ulit to’. “Kagrupo mo si Joshua. Group four ka.” Binigyan nya ito ng appreciative nod at halos naging kakulay na ni Jerick ang kamatis.

Jann has that kind of effect to boys, she just doesn’t know it yet. Ang hindi nya alam ay simula ng gupitin ni Muning ang buhok nya ay lahat hindi sya maiwasang tingnan. Some are even having a hard time to look away. Ang buong pagaakala ni Jann  ay pinagtitinginan sya dahil sa ngayon lang sila nakakita ng pangit na katulad nya.

She start to awkwardly walk papunta sa grupo nya. Halos lahat ng lalaki ay masaya dahil kagrupo nila si Jann but still, they didn’t dare to go and talk to her. That is because of one and only reason, and it's not even a reason. It's just a name-Joshua Santiago.

Alam ng lahat na si Jann ay kay Joshua and no one has the guts to defy him. Hindi na kailangan sabihin ni Joshua na kanya nga si Jann. It was pretty obvious. Akala ng lahat na bagong paglalaruan lang si Jann. Sino bang hindi? Lahat naman ng babaeng naging close ni Joshua ay pinaglaruan nya lang.

But they didn’t know him. They wouldn’t actually.

Marami silang hindi alam. Lalong lalo na sa dalawa.

Hindi alam ni Jann ang gagawin. Normally kasi ay hahayaan lang sya ng mga kagrupo nya at sila na ang gagawa sa lahat but not now. Iniisip nya habang naglalakad sya papunta sa kanila ay siguradong magmumukha lang syang tanga.

Well, that is until tinawag ni Joshua si Jann at pinaupo sya sa tabi nito. Meron paring namumuong tensyon mula pa kanina sa music room. Joshua may still be a bit wary kung bakit ganun ang naging reaksyon ni Jann kanina pero alam nya pa rin na sa kanya sya comportable sa ngayon.

Magkatabi sila pero hindi pa rin sila nag-uusap. Nagsimula na ring sabihin ng leader ng grupo ang kailangan gawin. Tanging ang dalawa lang ang may malalim na iniisip.

Pagsapit ng umaga (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon