Chapter Thirty Seven

115 5 0
                                    

Chapter Thirty Seven: She's jealous, not.

Kapag ba isa kang normal na babae (which I surely am not), pano mo ba haharapin ang ganitong sitwasyon at masasabing ‘come at me’? Pano mo gagawing tama ang mali kung hindi naman mali ang tama? Pano mo to’ malalagpasan kung nasanay ka lang na ang problema mo sa pang araw-araw ay kung may magtatangka bang kumausap saýo sa school? Just freaking how?

It’s sad and weird and depressing na hindi ko masolusyunan ang ganitong kasimpleng bagay. Siguro a normal teenage girl would directly and straightforwardly ask Joshua kung anong nararamdaman nya sa little incident last weekend. Siguro, siguro, siguro… Kahit ilang siguro pa ang sabihin ko ay hindi na mababago ang fact na iba ako.

Kaya I’m back and resolved in avoiding him. Yun na nga lang ata ang kaya kong gawin nitong mga nakaraang nakalipas na buwan.

Truth to be told, I don’t feel okay right now. Bukod sa mukhang galit na sakin ni Joshua dahil sa pagiwas ko  ay may mas malalim pang dahilan. Simula ng mawala si mama, parang inalis na sakin ng lahat ng tao ang karapatan na maging okay. I may feel fine once in a while kapag kasama ko yung mokong na si Joshua pero andun pa rin yung empty hole sa dibdib ko. Pwedeng tabunan pero alam mo sa sarili mong nandun lang yun. It haunts me up until now.

Lumaki akong ang tanging sagot sa lahat ng problema ko ay either layuan ito o magkunwari na para bang walang nangyayari. Kaya nga mag-isa ako ngayong kumakain sa Cafeteria. Forever alone nanaman ang peg.

Mabilis kong natakasan si Joshua ng mag-ring ang bell. Not that he’s chasing after me kasi I’m sure  na mas preoccupied sya sa kung anong pinag-uusapan nila ni Karla na isa sa mga kaklase ko. And I’m sure na he would like her company more better rather than ang makasama ako kumain para pag-usapan kung pano ko sya hinalikan. Ako lang ata ang affected saming dalawa eh.

Maganda, matalino, sikat. Just he’s type.  Alam ko namang wala akong panama at laban sa kahit na sinong babaeng makakasama ni Joshua.

Damnit Jann! Lalayuan mo yung tao tapos magseselos ka? Sinasabi ko lang yung totoo. Sino ba ko para mainggit? Sino ba ko para masaktan kapag nakikita kong ginagawa nya rin sa iba yung ginagawa nya sakin? Wala, wala ako sa tamang posisyon dahil kaibigan nya lang ako.

Buti nga kaibigan nya pa ko eh. Maswerte na ko nun. Maswerte pa kong kinakausap o pinapansin at hinahabol habol ni Santiago kapag gusto nya. Losers can’t be choosers after all.

“Hindi talaga kita maintindihan. Why the heck would you lowly think of yourself like that?” I gulped down, hard. Para akong naparalyze at tanging mata ko lang ang gumagalaw upang sundan ang figure ni Zach.  Si Zach na nagbalik ng notebook kong puro observations na syang notebook rin na pinagsusulatan ko right this moment. Look whose back.

He comfortably settled his tray in the table at umupo sa tabi ko.  Dun ko lang naalala na maganda sigurong ideya na isara ko na yung notebook. Hindi naman halatang binabasa nya kanina yung mga sinusulat ko.

Kung sya napakomportable ang upo ay ako naman ang kating kati para umalis na. It’s weird how he suddenly came into picture.

“What? No hi or hello?” He innocently questioned me but I just watch him, or more like stare at him. 

Maayos ang buhok nya pataas. Yung tipo bang ipinanshampoo ang gel. Tapos yung ngiti nya! Nakakagago ba. Para bang may alam ako na hindi mo alam. And I’m looking for any flaw sa mukha nya pero I failed to do so. Walang kahit na anong pimple o kahit na ano kaya I’m wondering.. bakit sasayangin nya yung oras nya sakin imbis na mang landi sya ng ibang babae?

Pagsapit ng umaga (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon