Chapter Eleven

408 12 2
                                    

Chapter Eleven: That’s it

                                                 [] JOSHUA SANTIAGO []

 “MASISIPA TALAGA KITA JUMANA! NUNG IKAW YUNG NAGLALARO KANINA EH HINDI KITA GINAGANYAN.” Naalimpungatan ako sa sigaw ng kung sino man yun. Pamilyar yung boses pero hindi ko talaga maalala. Nasa bahay na rin pala ako pero, pano?

“Shunga ka teh? Sabi ko kasi sayo ihulog mo dun.” Medyo malakas rin yung pagkakasabi pero this time ay alam kong kay Jumana na nanggagaling yung boses. Natinis ba. Tsaka nakakairita.

Teka nga lang, bakit may kausap si Jumana? Sa bahay? Eh wala namang kaibigan yang babaeng yan. Imposible namang yung katulong namin dahil siguradong masabihan lang sya e papalitan nya agad yun. Not that I care. Syempre dahil nagtataka ako kung kausap ba nung kaptid ko yung sarili nya o may sayad ba sya ay pupuntahan ka nalang pero naramdaman ko agad yung namumuong pasa sa muka ko.

“Aish.” Lumabas nalang ako ng kwarto kesa maalala ko pa yung Blue na sumapak sakin.

Sigurado akong nasa computer room yung may saltik kong kapatid. Lagi naman kaya  hindi na ko kumatok, bahay ko naman to’ eh. Binuksan ko nalang agad yung pinto at parang nalaglag yung panga ko sa nakita ko. Si Jann, Anong ginagawa nya dito?

“Oh? Gising ka na pala ‘Sleeping Beauty’ Joshua.” Pang-aasar ni Jumana, wala talaga ako sa mood na makipagbakbakan sa insulto. Ang gusto ko malaman ay kung anong ginagawa ni Jann dito.

“KUYA! Wag kang ganyan makatingin kay Jann, matunaw yan.” Medyo nagpanic ako sa sinabi nya pero buti nalang ay naka-earphones si Jann.

“YES!” biglang sigaw ni Jann, bakas yung saya nya sa boses nya hanggang mapatingin sya sakin. Ganun ba ko kasama? Para kasing pinagbagsakan ng langit yung muka nya nung napatingin sya sakin.

“NANG DAYA KA!” Bintang ni Jumana kay Jann.

 “Kapal mo ah! pinaghirapan ko yun.” –Jann.

 “Ah basta. Dinaya mo ko. I can just feel it.” –Jumana.

 “Feel it? Mukha mo!”-Jann.

 “Sisipain kita”-Jumana. Ako naman ay hindi makapaniwala sa dalawang to’.

 “Babangasan kita”-Jann.

“Papahalik kita kay Kuya!”-Jumana. Natahimik naman si Jann. Talk about awkward.

“Ehem” Nandito pa ko. Tas kung magsigawan kayo eh wagas. Nabalin naman yung atensyon nung dalawa sakin. I raised an eyebrow towards my sister. “Jumana, care to explain?” –ako.

Bumuntong hininga muna sya bago sumagot. “Tinawagan ako ni Jann kanina, sabi nya nahimatay ka. Yuck kuya, nakakahiya ka. Ikaw pa talaga yung nahimatay, such a limp!”-Jumana.

“Ikukwento mo ba Jumana o itutuloy mo yung panglalait mo?” 

“chillax ka lang kuya! Ito na nga eh, so as an angel-like sister ay pumunta ako sa school nyo tas sinundo kita. Kasama mo nun si Jann kaya kinaladkad ko na rin sya. Ayaw pa nga nung Blue, ‘YUNG KUYA NYA’, na pasamahin si Jann pero obvious naman na sumama sya diba? End of story.”-Jumana. Talagang pinakamukha nya pa yung kuya part. Nag nod nalang ako as a response na naiintindihan ko na, then awkward silence nanaman.

Pagsapit ng umaga (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon