Chapter Three: New frenemy
I pushed past the arrogant new student at mabilis na dumiretso papasok ng classroom at agad na dumiretso sa backseat. Maige nalang at wala akong katabi, less ang ingay at walang susubok na kumausap sakin. I settled my bag beside the unoccupied chair next to me at umupo na.
Narinig kong sumara na ang pintuan at pumasok yung lalaki na sinabihan ko ng makapal. Habang pinaparada nya yung feeling nyang napakagwapong sarili nya ay kinikilig naman yung mga mukhang lupa kong mga kaklase. Nakalimutan nanaman ba nilang mahiya?
Daig pa nang bagong student na iyon ang mga nagsasagala sa pagpaparada ng sarili nya sa mga babae. Nakita kong tumabi sya sa vacant seat na katabi ni Tricia.
I eventually looked away because now, he is watching me.
After a few seconds, nang makasigurado na kong hindi sya tumitingin. I sneak a peek once again. I can't say that we locked gazes. It's impossible with my hair getting in the way. But one thing's for sure, he caught me turning my head to him.
Now mas iisipin nyang interesado ako sa kanya. Geez. Badtrip.
Humarap nalang ako sa bagong teacher at naabutan syang nagsasalita ng kung ano-ano. Sya raw yung magiging adviser namin. Na-assign raw sya samin. Blah blah blah. After blabbering about some basic random stuff ay isinunod nya na yung malanobela nyang buhay. Pwede na ngang ipalit yung nobela ng buhay nya sa ginawang libro ni Rizal na Noli Me Tangere sa sobrang drama.
Former Target: SOPHIA MENDOZA (Female)
Accurate information about the target:
[] New adviser
[] Nickname: Pia.
[] Age: 26 years of age
[] Marital status: Single
[] Other information: 4 siblings. 3 boys and a girl
As if Ms. Sophia has control over time, the clock unhurriedly ticks by.
After an hour of explaining some of her rules and regulations, napagod na rin sya sa kasasalita pati na rin ang kapwa mga kaklase ko na bagot na bagot na sa pakikinig. Pati kasi kulay ng cutix hanggang sa paborito nyang klase ng kurtina ay ikinwento nya na. To make the long story short, maraming pangyayari ang sadyang naganap sa buhay nya. Some of us really didn’t care up to the point na nagbabatuhan na yung iba ng crumpled paper o kaya naman nagdudoodle nalang katulad ko.
As for me, the first thirty minutes of the session ay halos mamaga na yung kanang kamay ko sa dami ng naisulat ko tungkol sa kanya. Mula ata sa kung pano sya iniluwal sa mundo ay naisulat ko na eh. Tahimik ang buong klase at hindi dahil sa medyo may pagkaterror si Ms. Sophia. First day pa kasi kaya nagkakahiyaan pa. Pero padaanin mo ang ilan pang mga araw at magkakalabasan na ng tunay na kulay at sungay ang mga yan.
Sa sobrang tahimik kanina maliban nalang kay Ms. Sophia ay nakarinig ako ng utot. Mahinang poot lang naman. Okay lang naman umutot, lahat naman kasi ng tao sa mundo ay umuutot. No doubt about it kaya nga who am I to judge? pero yung amoy? Nakapagpapabagabag. Malakas na masama talaga yung amoy nya.
Dahan dahan kong iginala ang mga mata ko at mukha pa lang, halatang guilty na yung umutot.
Former Target: ICE MARASIGAN (Male)
BINABASA MO ANG
Pagsapit ng umaga (Editing)
RomanceDo not read, under construction. (Major Editing) *Read at your own risk po.* Not long ago, you see... there was this girl named Jannelle. Pabago bago ng ugali, sarkastiko, at walang tiwala sa taong mga nakapaligid sa kanya, isa syang dalagang dinai...