Chapter Eight: Wounds
“Jannie.” Nakarinig ako ng mahinang pagbanggit sa pangalan ko. Not that I appreciate being called ‘Jannie’, it honestly annoys the crap out of me.
“Uhmm” Umungol nalang ako bilang pagsagot. Medyo nagigising gising na ang diwa ko sa ingay na ginagawa nang nagsasalita. Nung una ay medyo malayo pa ang boses nito pero bahagya itong lumalakas habang papalapit ng papalapit. “Jannelle.”
“Ohhh?” Nakapikit kong sagot. Hindi ba nila alam na nagpapahinga ako?
“Jannelle, lintian kang bata ka. Gumising ka na.” Ngayon gigisingin nya ko? Kahapon ay hinayaan nya lang akong ma-late. Tsaka ano ba yan? Parang kakapikit ko lang ng mata kanina ah. Ang bilis naman ata.
“Five minutes pa.” nakangiti kong sinabi habang nakapikit.
“Jannelle, gumising ka na kasi!” naiinis na sabi ni Yaya.
Nagtaas ako ng dalawang daliri sa kanya at nagsalita. “Two minutes, gigising na ko”
Nakarinig ulit ako nang malakas na kalabog ng pintuan, pati paglalakad ni yaya sa baba ay rinig na rinig mula dito kahit nakasara pa ang pinto. Di bale, ako naman ang nagwagi.
Tahimik lang naman buong sandali hanggang sa may gumising sakin na boses na bakas ang pagkataranta nito. “Anak ng, hindi ka pa gumigising Jann?”
Nagising lang nang tuluyan ang diwa ko pero hinayaan ko lang si yaya. Binigyan ko pa sya ng isang malakas na paghilik para maasar sya.
“Jannelle, alas diyes na ng umaga, diba sabi ko gumising ka na kanina pa?” Hinila ni yaya ang kumot na nakabalot sa katawan ko at doon lang talaga ako nagising.
I fluttered my eyes nervously, diba kagagaling lang ni yaya kanina dito? Panong nangyaring 10 na agad?
Gumalaw na ako ng mabilis at isinuot sa paa ko ang itim na tsinelas sa lapag. Nasa loob na ng kwarto ko ang banyo kung kaya’t hindi ko na kailangang kumuha ng tuwalya at iba pang mga bagay. Dumiretso ako sa loob ng banyo sabay kuha agad ng toothbrush ko. Hindi kasi ako sanay na mag toothbrush pagkatapos maligo kaya sinisigurado ko lagi na malinis muna ang mga ngipin ko bago tumapak sa shower.
I hurriedly discarded my clothes out of my body and jump at the warm shower. Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko na ang tuwalyang nakasabit sa isang towel holder at ipinalupot ito sa aking sarili. Iniwan ko na ang basang tsinelas sa loob ng banyo at nakapaang lumabas.
Nakita ko agad ang bagong plantsang uniporme ko na nakasabit sa gray na closet ko. Nagkataon din na nakasabit ang orasan sa closet na iyon. I did a double take at the clock at nagtaka kung sira ba ito. For a few seconds ay nakatayo lang ako sa loob ng kwarto ko, half naked, with my mouth gaping like a goldfish dahil alas kuwatro palang ng umaga.
And here I thought na sobrang late na ako. “Yaya…” I muttered angrily. It was a prank, alright.
In the end, wala rin akong nagawa kung hindi magbihis na kahit sobrang aga pa. Inantay ko lang na mag six-thirty bago tuluyang magtungo sa eskuwelahan. When I comfronted yaya about waking me up at such an early time ay nginitian nya lang ako nang nakakaloko bago sabay na ipinasok ang baunan ko na ang laman ay tanging kanin lang sa bag ko.
Dahil maaga pa naman ay naglakad nalang ako patungong school. Mga 7:05 na ako nakarating dahil bigla akong natigil sa paglalakad sa isang petshop. Nakakaaliw na nginunguya nung rabbit yung carrot nya sa loob nung lalagyan nya. Gusto ko sanang bilhin kaso hindi naman ako marunong mag alaga ng rabbit at tinatamad akong maglinis ng tae nito.
BINABASA MO ANG
Pagsapit ng umaga (Editing)
RomanceDo not read, under construction. (Major Editing) *Read at your own risk po.* Not long ago, you see... there was this girl named Jannelle. Pabago bago ng ugali, sarkastiko, at walang tiwala sa taong mga nakapaligid sa kanya, isa syang dalagang dinai...