Chapter Twenty Two

216 10 1
  • Dedicated kay Angelique Arienda
                                    

Chapter Twenty Two: Clueless

I gripped on my shoulder bag real tight. Bakit lagi nalang bang ganto?

Bakit paulit-ulit nalang akong nagpapaloko sa damuhong tsonggo na yon? Bakit ang tanga tanga ka? Mukha ba talaga akong uto uto sa kanya?

At tinawag nya pa kong desperada?

I just slumped my body sa isang upuan at dun lang ako natauhan. Pano ako napunta sa classroom namin?

Tiningnan ko yung buong room at buti nalang walang tao. Huff.

Sobrang badtrip. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng galit na ang namumuo pero bakit parang may iba?

Alam ko, dapat mas nagalit ako dahil mas pinili nyang daanan ako pero nung sinabi nya na hinahanap nya yung girlfriend nya.

Argh. Naiimagine ko na kung pano ko sya kakatayin at isisilid sa isang drum.

“Wag kang ganyan. Nagmumukha kang weird alam mo yon?” My eyes widened in surprise at ibinalin ko yung tingin ko sa nagsalita.

NO! Not him!

He grinned at me sabay lapit.

“Lumayo ka sakin!” pagkasabi ko nun ay pinilit kong buhatin yung table na nasa harap ko para pang panakot.

“Chill, wala naman akong gagawin sa’yo this time. Promise." Sinundan nya ng tawa pagkatapos nyang magsalita.

“Chill? Eh kung ipakilala ko sa mukha mo yung semento!” Speaking of malas. Mukhang hindi na talaga ako nito lalayuan.

Mas lumapit pa sya sakin.

“I’m sorry okay? Hindi ko sinasad-‘’

“Hindi sinasadya? Ano to’ lokohan?! Payo ko sa’yong lalaki ka eh bumalik ka na sa kaibigan mong si Joshua.” Parehas na parehas sila ng kabarkada nya. Argh!

In case you're wondering ay si Aaron na kaibigan ni Joshua nung sa mall ang sumulpot sa may pintuan. Yung nang manyak na tinuhod ko sa future nya.

“Yung sa mall Jann, hindi ko talaga yon sinasadya..”

“Alis!”

“Can you just please let me explain?”

“Sabing umalis ka na eh!”

“Fine. Aalis ako pero gusto lang sana mag sorry. Hindi ko gusto yung nangyari. I was out of control that day. Nilasing ako ng mga barkada ko and I know, that’s not a solid excuse. Hindi naman ako usually na ganun..”

Huh?

“Nagtruth or dare kami non at napilitan akong uminom ng isang bote ng alak. Those guys know na mahina ang systema ko sa alak. Sorry talaga kasi naging gago ako sa’yo. Tsaka si Joshua-‘’

“Tama na.” Linagay ko yung dalawang palad ko sa magkabilang tenga ko “La la la la la.. “

“Hindi nya alam na ikaw si Jann.” Narinig kong sabi nya. At ako? Napatigil ako.

“Huh?”

“Nakita ko yung nangyari kanina sa court.. at hindi ka nya nakilala.” Tiningnan ko lang sya na gulat.

At bakit? May amnesia na ba sya ngayon?

“Hindi ko sinabing hindi ka nya maalala. Ang sinasabi ko ay hindi ka nya nakilala.”

Ano naman ang pinagsasabi ng isang to'? Tanda ko pa araw na hinipuhipuan ako ng mokong na to'. Hindi ko alam kung dapat ba syang pagkatiwalaan.

“Teka hah! Teka.” Napaupo ako ulit.

Nag-isip ako ng mabuti. Panong nangyaring hindi nya ko kilala?

Tiningnan ko ulit si Aaron na hindi ko napansin na nakaupo na pala sa harapang upuan sa harap ko lang rin.

“Pinagtitripan mo ba ko?” Tanong ko sa kanya. Tama! Siguradong pinagtitripan lang ako ng mokong na to’.

“Ganyan ka ba ka-slow?” balik na tanong nya.

“Sisipain kita!”

“Hahalikan kita!” Okay? That made me shut up. Parang déjà vu talaga. 

“Makinig ka Jann.”

“Teka! Bakit kilala mo ko?” Bigla syang nag glare.

“Fine. Keep talking.” And so he started telling me everything.

"I don’t know kung aware ka bang ginupit mo yung buhok mo.” He gestured to my hair which earned him a glare.

“Mukha ba kong ganun ka slow?” Inis na tanong ko.

“Anyway.” He ignored my question. “Kanina ka pa nya inaantay na dumating. Muntikan na nga matalo ang school nyo dahil sobrang distracted ni Joshua..-‘’

“At ano naman konek non sakin?” I saw him sigh.

“Pwede patapusin mo muna ako?” I gestured for him to go on.

“Dahil sa’yo kung bakit distracted si Joshua. Tanong sya ng tanong kung nakarating ka na raw ba and so sinabi kong Oo, nakarating ka na which was a lie para hindi na sya madistract. At yon, nagalit sya pagkatapos ng game. I think nakita mo yon e. And then I saw you, Nagulat ako nung una.” Here we go. He's gonna tell me kung gaano ako kapangit. I can feel it.

“Pero nalaman ko agad na ikaw si Jann at kaya naman akala ko ay alam na rin ni Joshua nang makita ko syang papalapit sa’yo. Nakita kitang umalis kaya ito.. sinundan kita.”

“Ang ibig mong sabihin ay hindi ako nakilala ni Joshua dahil sa buhok ko?”

“Mhm. Nakita mo ba yung itsura nya nung nakita ka nya? Pinipigilan nyang landiin ka a-” 

“E kung si Joshua na kaklase ko ay hindi ako makilala ay panong ikaw? Panong naaalala mo ko?” Tsaka diba lasing sya?

“Yung scar sa gilid ng mata mo.” Pagkasabi nya nun ay bigla kong tinakpan yung peklat malapit sa mata ko.

Nginitian nya lang ako bago nagsalita.

“I’m sorry?” Inilahad nya yung kamay nya.

“Sorry rin.” Kinamayan ko sya.

Bigla syang tumayo at nagsimulang maglakad palabas.

“Pero ang sabi nya hinahanap nya yung girlfriend nya. Tas tinawag nya kong desperada at yung mokong na yon ay ikinompare pa ko.” Nagulat ako ng biglang lumabas yon sa bunganga ko.

It's as if. As if nagseselos ako.

Narinig ko si Aaron na tumawa at biglang huminto sa paglalakad.

“Wala pang girlfriend si Joshua since yesterday. Kaya it's safe to say na siguradong ikaw ang hinahanap nya. It could be na he just used that as an excuse para hindi tuluyang mabighani sayo kahit ikaw talaga ang hinahanap nya. Tsaka kung mali man ako sa mga sinasabi ko, wag na wag kang maniniwala kay Joshua.”

Nakaupo lang ako at gulat na gulat sa sinabi nya. Mabilis ang pagtibok ng puso ko.

“Kasi believe me Jann. Tinitingnan mo pa lang ako pero gusto na kitang agawin kay Joshua. Ikaw lang. Ikaw lang talaga ang pinagkamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko."

[] Barely Edited []

Author's note:

 Aww. Hahaha! Ba’t kinikilegs ako sa huling sinabi ni Aaron?  Hahaha! :"""""> 

Pagsapit ng umaga (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon