Chapter Twenty

186 8 5
                                    

Chapter Twenty: The other opposite’s change of choice.

 “Kasi Blue!”  I emphasized the last word loudly para talagang mabweysit sya at pumayag sa kung anong kanina ko pang gusto ko.

“Kasi rin Jann!”

“Bakit ba ayaw mo?”

“Wala nga to’, parang kagat lang to’ ng langgam.” With that ay tumuloy na sya sa loob ng kwarto nya.

I slumped my body in deafeat. Ugh! Ang kulit ni Blue eh. Kanina pa sya nagmamatigas. Sinabi kong magpatingin na sya sa ospital pero ayaw nya pa rin. See, nung Thursday.

Nung sinabi sakin ng magaling kong kapatid na nagpakabayani sya at inupakan nya yung manyakis na bumubuntot sakin ay hindi. Hindi man lang nya sinabi na nabugbog at natadyak tadyakan rin pala sya until nung araw rin yong.

Ano?” Pasigaw kong tanong.

“Bahala ka nga sa buhay mo Jann. Kanina ko pa sinasabi.” Nagtuloy lang sya sa paglalakad. Ano bang problema nya? Eh sa nabigla nya nga ako sa sinabi nya.

Ako naman tong’ si ewan na hinabol sya.

“Bakit mo yon ginawa?” Tanong ko.

“Sa tingin mo bakit?” Bakit nga ba? Di ba galit-galitan dapat kami?

“Ewan.”

“Manhid.” Bulong nya ng napakalakas.

Okay so, hinampas ko sya which earned him a groan.

“Aray! Ba’t ka ba nanghahampas?” Angal nya.

“Hindi naman malakas yun eh. Ba't ang arte mo?”

“Bilisan mo na nga lang maglakad.”

Nagtuloy lang ang five minutes silent walk namin hanggang sa dun ko lang napansin yung paika-ika nyang paglakad. Napunta naman agad yung tingin ko sa mukha nya.

I almost look away nang wala akong makitang pasa pero nahagip ng tingin ko yung cut sa labi nya.

Nasaktan sya?

Of course Jann, nasaktan sya. What do you think? Isa si Blue sa mga bida ng movie na nakipagbugbugan at wala man lang sugat na nakuha? Yep, I think not.

Medyo binagalan ko yung paglalakad ko at pinagmasdan ko yung likod nya. Dun ko biglang naalala nung hinampas ko sya. Umaray sya diba?

Huminga muna ako ng malalim bago ko gawin ang siguradong ikagagalit ni Blue. I slowly walked beside him sabay taas ng gilid ng polo shirt nya and then I saw it. Muntikan ko ng balikan yung manyakis na bumubuntot sakin dahil sa ginawa niya kay Blue.

Hindi ko na magawang dalawahin pa yung tingin sa pasa ni Blue. Nagdadalawang isip na nga ako kung nabugbog talaga ni Blue yung lalaking humabol sakin o sya talaga yung nabugbog.

Tas sasabihin nya pang kagat lang ng laggam yung mga sugat at pasa nya. Ni hindi nga sya makalakad ng maayos at sa tuwing bibiglain kong hawak yung balikat nya ay napapaaray sya? Ganyan ba talaga yang kagat ng langgam? E kung si Jolibee yung nangagat eh baka maniwala pa ko.

And I tried okay? Sinubukan ko syang pilitan that day na pumunta sa ospital. Heck, it’s been three days at pinipilit ko pa rin sya hanggang ngayon.

“Blue. Blue. Blue. Blue. Blue. Blue. Paulit ulit kong sigaw habang kinakalampag ko yung pintuan nya. Kung hindi lang ako yung dahilan kung bakit sya napuruhan ay wala dapat ako dito.

Pagsapit ng umaga (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon