Chapter Nineteen

206 9 4
                                    

 Chapter Nineteen: Flying phones and redundant stuff.

I’m lost. Hindi ako makasabay kay Joshua.

Hindi ko sya maintindihan, hindi ko alam bakit nya to’ ginagawa. Akala ko ba okay na? What I mean with okay is, “Okay na, kunyari hindi nalang tayo nagkakilala kaya pag nagkita tayo ay mas mabuti pang wag nalang tayong magpansinan or better yet magtinginan.”

Pero ito nanaman ako. I thought wrong. It’s like nothing’s gonna be right with him.

‘Unpredictable much, Joshua?’

Nakarinig ako ng footsteps mula sa labas ng room hanggang sa isa isa nang magpasukan ang lahat including the teacher. At si Joshua? Halatang iniiwasan nyang tumingin sa dirkesyon ko. 

“Good morning class.” Bati ng Values teacher namin.

Teka, bakit sya yung teacher namin? Diba si bading ngayon? Filipino?

As if on cue, sabay sabay tumayo lahat ng estudyante including me. “Good morning Mr. Antonio.”

“Take your seats.”  Umupo ako ulit at napaisip. Nakalimutan kong nagiiba ng schedule of subjects tuwing Wednesday.

Pinalabas nya yung mga libro namin. “Turn your books on page 44.”

He started discussing alien words to me. Well being me, I stared blankly sa librong nasa harap ko.

Ano kayang klaseng puno ang pinanggalingan ng libro ko?  Saang lupalop kaya ng Pilipinas ko mahahanap yung punong pinagtanim ng punong to’.? Illegal logging ba o-

“So class, the next activity that we will be having ay tutulungan kayo nito para mas makilala at maging aware kayo sa inyong mga sarili. It’d be good or bad characteristics pero once na sa tingin nyo that you possess that certain characterictic that I will be mentioning ay you will have to raise your right hand. Simple, right?”

Oh. Puff. Boring. But still, I might as well join this thing.

“And this will serve as your recitation. Ok? Basta class, be honest.” I saw Mr. Antonio walk malapit sa isang table sa harapan at naglabas ng papel sa isang folder.

“First charactersitic. Understanding?” Well, I’m sure as hell na hindi ako understanding kaya I of course didn’t raise my hand.

 “Next is, judgemental.” Thinking na baka marami naman ang magreraise ng kamay ay tinaas ko yung right hand ko.

I won’t really deny it, I tend to judge people kase tao lang rin ako… nagkakamali.

To my surprise ay ako lang talaga ang nagraise ng kamay. I didn’t want any attention on me pero nang akmang ibababa ko yung kanang kamay ko ay sakto namang napatingin sakin si Mr.Antonio.

He gave me an appreciative nod bago sya magsalita ulit. Was he amazed?

Get over youself Jann. He isn't.

“How about arrogant?” tanong ni Sir.

Funny..  Joshua actually didn’t raise his hand. O baka hindi nya pa natutuklasan ang kanyang new found arrogant trait?

Tuloy tuloy lang si sir sa pag babanggit ng mga positive characteristics na matatagpuan sa isang normal na tao. Meaning, nakapagpahinga yung kanang kamay ko, well that is until I don't know. Mr. Antonio said this.

“Anti-social?"

“Snob."

“Stubborn?"

Pagsapit ng umaga (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon