Chapter Four: Another encounter
June 6, 2009
Mumog.
Mumog.
Dura.
Tapos na kong magsipilyo nang mapatingin ako sa salamin sa loob ng banyo.
Hinawi ko yung nakaharang na bangs sa mukha ko at bumulagta agad ang peklat na malapit sa mata ko. Tama, ito nga ang dahilan kung bakit ayokong may nakakakita sa mukha ko. Hindi ito yung klase ng peklat na pwede mo lang ibalandra sa iba. I was back then, mocked for it.
Ito nanaman ako, naalala ko nanaman ulit sya. Nakakabanas. Tuwang tuwa syang naaasar nya ako.
Hindi dapat ako ma-guilty. Sya naman yung parang asong buntot ng buntot sakin kanina. Atsaka, kinailangan ko lang naman gawin yun dahil sa dalawang rason. Una ay para sa kanya at pangalawa para sakin. Ganun lang kasimple, I was just doing him a big favor.
I was saving him from…me.
Napabuntong hininga ako nang malalim.
"Hindi ko dapat iniisip ang mga walang kakwenta kwentang mga bagay.” Nakabusangot kong pangsesermon sa sarili.
Tsaka napansin ko na that by second break ay kilala na sya kaagad. Unang araw nya palang ay mukhang nag-eenjoy na sya, good for him. Good for him dahil pinagkakaguluhan na sya ng mga babae sa Hallmark. Good for him that he seems to rightly fit in with the popular kids. Good for him kasi nakinig sya saakin nang sabihin kong wag na wag nya na kong bubulabugin o lalapitan man lang.
Aaminin ko, nagulat talaga ako nang bumalik sya sa classroom. Kaso mas maraming tanong lang ang namuo na bumabagabag sakin ngayon. Bakit sya bumalik? Dahil ba saakin talaga? Kung dahil sakin nga, bumalik ba talaga sya dahil concerned sya o dahil natutuwa syang pinagtitripan ako?
But in the end, I know, they are all bunch of liars, backstabbers, and most especially users. I don't trust any of those people. Especially him.
He has the face of an angel pero what do I really know? And why the heck am I fussing all about it?
Nakaramdam ako bigla ng malakas na pagtama sa likurang bahagi ko. Nilingon ko ito at nakita kong nakadikit ang likod ko sa pintuan. Nakalimutan ko nanaman sigurong mag-lock kaya bara bara nalang ang pagpasok ni Yaya Muning.
"Yaya, alam mo ba kung bakit naimbento ang pintuan?" naiinis kong tanong sa kanya.
Nag -isip muna talaga sya ng malalim bago sumagot.
"Kasi pag kurtina ginamit mo hindi ka makakakatok?" Napakamot nalang sya sa ulo.
Puro talaga kalokohan itong si Yaya. Ito nanaman kami, pang walong beses na syang papasok nang hindi man lang kumakatok. Eh pano nalang kung naliligo na pala ako?
"Ay hindi yaya, ginawa yang pintuan para may pamukpok ako sa mga taong hindi marunong kumatok!” Sarkastiko kong pag sagot.
"Okay, fine sorry na. Masyado kang hot, Pero Jann kasi hina-" hindi ko na rin sya pinatapos, alam ko nanaman kasi ang pakay nya.
"Hot na kung hot okay? Alam ko na yon pero wala sakin yung bala nung tekken mo. Alam mo namang hindi ako naglalaro ng ganon." Inemphasize ko talaga ng mabuti ang pinakahuli kong sinabi. Medyo may katandaan na kasi si Yaya kaya kailangan mong ipaintindi sa kanya ng mabuti ang mga bagay bagay.
BINABASA MO ANG
Pagsapit ng umaga (Editing)
RomanceDo not read, under construction. (Major Editing) *Read at your own risk po.* Not long ago, you see... there was this girl named Jannelle. Pabago bago ng ugali, sarkastiko, at walang tiwala sa taong mga nakapaligid sa kanya, isa syang dalagang dinai...