Chapter Fourteen: Restless nights
[[ Nothing- by The Script sa gilid ]]
Hindi ko nga kinuha yung kamay na iniabot nung lalake pero niyakap ko naman sya. Yeah, call me weird, strange, freak-ish pero itong tao lang to’ ang nakakapag pakalma sakin kahit konti. By konti I mean 0.001 percent. I know very well na sinabi kong I hate Blue pero miss na miss ko na sya talaga sya eh. Medyo napanatag yung loob ko ng yakapin nya rin ako pabalik which I didn’t expect considering na alam kong galit rin sya sakin.
Bumuntong hininga muna sya bago nya tanggalin yung sumbrero na suot-suot ko at linagay nya sa ulo nya.
“Umuwi na tayo.” bulong nya sakin. Guni-guni ko lang ba yon? Hindi na ba sya galit?
Nang tanggalin nya yung kamay ko sa bewang nya ay tuluyan na kong kinabahan. Ganun nya ba kaayaw lumapit sakin?
Nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Linagay nya yung kanan nyang braso sa balikat ko which ginagawa nya lang dati. Sinabayan ko na sya ng lakad nang makita kong paakmang gagalaw na sya.
“Blue…” tawag ko sa kanya pero hininaan ko lang, natatakot kasi akong baka baliwalain nya lang.
Akala ko ay hindi nya narinig dahil ilang segundo na ang nakakalipas at hindi pa rin sya sumasagot.
“Hmm?” sagot nya.
Mga ilang segundo ko pa sya nasagot habang naglalakad kami palabas ng mall. Ano bang pwede kong sabihin?
“Anong ginagawa mo dito?” may lakad rin kaya sya dito kasama ng mga kaibigan nya?
“Sabi ni yaya Muning, lumayas ka raw.” I lift a tired smile sa sinabi nya. Buwang na yaya Muning.
“Ahh.” and that was I guess our last words to each other.
Sumakay lang kami ni Blue ng taxi pauwi. Tahimik lang kami parehas buong byahe kaya mabilis na sumagi sa isip ko ang nangyari lang kanina at si..
Joshua.
Medyo maluha luha nanaman ako. Naguguluhan ako, hindi ko sya maintindihan. Sabi nya, iba sya. Sabi nya, papatunayan nya sakin. Bakit kapag naiisip ko sya ay ang tanging pumapasok nalang sa isip ko yung mukha nya, yung mga mata nya. Ayoko man aminin sa sarili ko pero galit sya sakin.
Okay naman sya kanina diba? Pero.
Ito nanaman kasi tayo eh, kasalanan ko to’. Naiinis ako sa sarili ko, bakit pa kasi ako naniwala na baka iba sya e. Akala ko nanaman kasi.. Puro akala Jann. O ano ngayon napala mo? Dapat hindi nalang ako tumuloy o sana hindi ko nalang dapat sya nakitang parating.
Nagmukha lang akong tanga sa harap ng mga kaibigan nya. Wala naman kasi akong panlaban e. Pero sana kasi, pinagtanggol nya ko diba?
Sana naniwala sya sakin….
Pagkarating namin sa bahay ay agad na nagbayad na si Blue sa driver ng taxi at nauna na syang lumabas. Dumiretso agad sya sa kwarto nya.
Wala man lang 'sige, pahinga ka na'? Wow hah, bakit ang bipolar ng mga tao? Bipolar day ba ngayon?
Nakita kong nakasmirk si Yaya sakin at wag mo kong tanungin kung bakit. Alam naman natin na may kalog si yaya.
Pagod na rin ako. Ikaw ba naman pag antayin ng halos tatlong oras at pasunorin na parang aso. Pumanik na rin ako papunta sa kwarto.
Nung una ay hindi pa ko makatulog, at again hindi ko mapigilan na isipin nanaman sya. Kahit ano kasing gawin kong pagiintindi sa mga ginawa nya ay hindi ko talaga maintindihan. Papansinin kaya nya ko? Magsosorry kaya sya sakin? Tsss. Jann, wag ka na nga magtanga-tangahan. You just fed him with your lies and crap tapos your expecting him to what?
Sa panaginip ko nung gabing iyon ay nasa isang kwarto raw ako, umiiyak nanaman. Halo-halo lang. May part na binabato ako ng mga papel ng kaklase ko. May part na nakaupo ako sa gilid at nag-oobserba. May part rin na nakapikit ako ng maige habang mahigpit na nakalagay ang magkabila kong palad sa tenga ko.
Kahit natutulog lang ako ay ramdam ko lahat nung sakit.
Pagbukas ko ng mata ko ay umaga na. Sa gilid ng kama ko ay nakatayo ang dakila kong bipolar na kapatid. Si Blue.
Umupo sya sa gilid ng kama sabay hila sakin kaya mula sa pagkakahiga ay napaupo ako . He never cease to amaze me dahil ito nanaman sya, yinakap nya ko ng mahigpit. As if nothing bad in the past happened.
“Wag ka ng umiyak.” Pagkasabi ko nya non ay mas lalo lang akong naiyak.
Hindi ako makapagsalita. Alam nya. Alam ni Blue na hanggang ngayon, binabangugot pa rin ako ng mga tao sa nakaraan.
***
One week. One week na ang nakalipas simula ng huli kong nakausap si Joshua sa mall. One week na rin akong nagigising tuwing gabi at iiyak nalang. Simula nung insidente sa mall ay para bang na activate lahat ng pangyayari sa buhay ko nung bata pa ko.
Lagi nalang akong puyat, pagod, naantok. Hindi pa nakakatulong yung Principal namin na laging bumibisita sa classroom para lang tingnan ako ng masama. Yung tingin nya ay para bang, Sige-ka-pag-hindi-mo-ginupit-yang-buhok-mo-e-ako-gugupit-nyan look. Kung nakamamatay lang ang tingin. Sarap dukutin.
Walang nagbago at kung meron man, mas naging malala lang ang lahat. At kung meron lang isang bagay na magandang nangyari ay yun yung tuwing magigising nalang ako na umiiyak twing gabi ay lagi akong yayakapin ni Blue at sasabahin ako ng “Wag ka ng umiyak, pangit ka na nga.. Papangit ka pa lalo” Kaya nga minsan hindi ko alam kung matatawa ba ako o mapapaiyak.
Si Joshua? Hindi ko na sya ulit nakausap. Marami akong hindi na ginagawa, hindi na ko lumalabas para mag break time sa cafeteria. In short nakakulong nalang ako sa classroom. Hindi ko na rin sya ulit tinitingnan. Natatakot kasi ako, siguradong ang mapakutyang mata nya lang ang masisilayan ko. Ganun naman kasi lagi diba?
Ilang araw ko na rin hindi nakakausap si David. Nagiwan sya ng message nung wednesday na pupunta sya ng China para makapag isip-isip. Narinig nya kasing gusto syang ipadala ng magulang nya sa All boys boarding school.
Sabi ko nga sa kanya na magiisip ka na nga lang ay sa China pa? Bakit hindi ka nalang magisip habang tumatae ka sa banyo. Wala pa rin akong narereceive na reply simula nun so I'm assuming na nasa China na sya.
Napatingin ako sa orasan. 6:57 am.
Kinuha ko na yung backpack ko at bumaba na. Nakita kong kumakain si Blue pero nilagpasan ko lang sya. Nasabi ko na bang hindi kami nagpapansinan? Walang nagbago samin ni Blue. Hindi kami nagpapansinan sa school at kahit sa bahay.
"JANN! KUMAIN KA MUNA! HINDI KA PWEDENG PUMASOK NG HINDI KUMAKAIN".Sigaw ni Yaya Muning.
Well, i just did. In fact I haven't been eating breakfast for the last three days. Minsan kasi nasusuka ako.
Sinuot ko yung earphones ko sa magkabilang tenga at nakinig sa For the First time ng the script at naglakad na ko papuntang skwelahan na inaantok.
Isang boring na araw nanaman ang pagtitiisan ko. pheww.
[] Barely Edited []
BINABASA MO ANG
Pagsapit ng umaga (Editing)
RomanceDo not read, under construction. (Major Editing) *Read at your own risk po.* Not long ago, you see... there was this girl named Jannelle. Pabago bago ng ugali, sarkastiko, at walang tiwala sa taong mga nakapaligid sa kanya, isa syang dalagang dinai...