Chapter Thirty Eight

96 8 0
                                    

Chapter Thirty Eight: Only know you love her when you let her go.

“Yung grupo nyo Joshua! Maingay.” Sinaway nanaman kami ni Ms. Sophia for the sixth time. Bakas sa mukha nya ang pagkairita saamin pero ibinalik nya nalang ang atensyon nya sa minamarkahan nyang mga papel.

Kung hindi ba naman puro pakikipagdaldalan ang alam ng dalawang to’. Ako na nga lang yung nagfoformulate ng mga ideya at tumatapos nung project namin dahil apparently, busy ang dalawa sa pag-uusap. Hindi naman ako makasabat dahil alam kong hindi nya rin ako papansinin.

Makalipas ang ilang mga minuto ay natapos ko na rin ang dapat gawin. Pasalamat sya at kailangan nalang i-powerpoint yung nagawa kong notes at okay na kami. Hinilot-hilot ko yung daliri kong medyo namamaga maga na sa kakasulat.

I suck a handful of breath at kinalabit sya. “Ui, Joshua.” Mahinang tawag ko sakanya. Baka kasi mapagalitan nanaman kami at maisipan ni Ms. Sophia na mas maganda siguro kung gagawa kami ng project.. sa labas.

“Wait lang. Tatapusin lang ni Karla yung kwento nya.” Naiinis ko syang pinaikutan ng mata kahit na hindi nya nakikita dahil nakaside view sya. Tutok na tutok sya kay Karla na mukha namang tuwang tuwa sa atensyong ibinibigay ni Joshua sa kanya.

                        ~Former Target: Maria Karla G. Espinosa (Female) ~

                                              Accurate Information about the target:

-Third year highschool

-14 years old.

-Puro palamuti ang mukha.

-May tatlong kapatid na lalaki.

-13 ex-boyfriends.

“Ah okay.” Matipid kong sagot. Pinagtitmpian ko lang tong’ si Joshua pero any minute now, alam kong sasabog na ko sa inaasta nya. Inantay ko lang matapos si Karla sa pagkukwento nyo pero everytime ay nagagawa nilang mas mapahaba pa yung storya. Kung ano ano yung itatanong ni Joshua at idinaragdag na pwedeng makwento ni Karla.

At wala namang kakwenta kwenta yung mga storya nya, might I add. And I'm not saying that just because hindi nila ako pinapansing dalawa. 

“Sandali lang talaga to’ Joshua.” Pagsabat ko ulit. Sasabihin ko lang namang sya na yung gumawa nito sa powerpoint eh, tapos hindi nya pa mapakinggan.

“Pwede ba Jann? Mamaya ka na?” He look irritated at me. Natahimik ako sa sinabi nya. I tried my hardest para itago na nasaktan ako sa kung pano nya ko kausapin. This is Joshua were talking about. Wala akong maalalang sitwasyon na pinagsalitaan nya ko ng ganito. The way he said it made me want to get a blade and scratch my wrist.

Wala na kong nagawa kung hindi ang antayin silang matapos mag-usap. Sinusubukan ko lang syang intindihin at tiisin tutal ako naman yung panay iwas sa kanya eh, siguro nga I deserve this.

Hayaan mo nalang. Baka hindi naman nya sinasadyang sabihin sakin yon? Baka kahit papano ay nagiguilty naman sya sa nasabi nya diba?

Nang tingnan ko ulit sila ay masaya silang nagtatawanan.

Ngayon mong sabihin na guilty sya Jann. Because he's not.

“Can you just go Karla?” Sa sobrang inis ko ay bigla ko nalang nabulalas sa sarili kong mga bibig ang kanina ko pa iniisip.

Mukhang gulat na gulat si Karla na kaya ko palang magsalita, much more ay ang paalisin sya harap harapan.  To be honest, I didn’t feel sorry. I saw her look at me awhile ago. Bago pa sila tumungo dito papunta sa table ko ay iniismidan na ko ni Karla na para bang akala-mo-siguro-ikaw-lang-ang-tinutuunan-ni-Joshua-ng-atensyon.

Pagsapit ng umaga (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon