Chapter Six

456 13 6
                                    

Chapter Six: Homework disaster

 

Kasalukuyan akong nakasakay sa isang tricycle na paniguradong hindi magugustuhan ni Yaya Muning dahil bago lumipat ng tirahan si papa sa Maynila ay mahigpit nyang pinagbawalan si Yaya na hindi dapat ako sumasakay ng pang buwis buhay na mga pang transportasyon.

I almost laughed sarcastically at that. First of all, napaka-OA naman na isipin na ang tricycle ay pang buwis buhay na transportasyon. Secondly, kung gusto mong hindi sumasakay ng tricycle ang anak mo ay dapat sinigurado mong may driver man lang sya bago ka umalis o siguro hindi mo dapat naisip na iwan ang anak mo.

Atsaka, it’s not like I really have a choice. Late na ako at walang napapadaan na taxi cab sa lugar namin kung hindi tanging tricycle at jeep lamang. Nakakahiya man aminin pero hindi ako marunong mag jeep kaya it’s best to just settle riding the tricycle.

Sa ngayon ay masasabi kong, late na late na ko. Pagdating ko kahapon galing eskuwelahan ay nakita ko ngang lasog lasog na ang alkansyang bear ko. A bit childish, yes. But then it has a great sentimental value to me. Ibinigay ito saakin ng tambay sa labas ng subdivision namin noong first year highschool pa lang ako.

Naglalakad ako noon papasok ng subdivision nang harangin ako ng isang amoy lasing na matandang lalaki. Puti puti na ang buhok nya at may malaking butas ang pantalon nya. Nagulat ako dahil halata namang hindi sya mayaman o may kaya man lang pero nakuha nya pa rin akong bigyan ng regalo. Kung sino pa kasi ang kulang, sila pa yung nagbibigay.

Buong gabi nanaman akong nagpuyat kaiisip sa matandang lasing na nagregalo sakin kay Alvin. It’s not everyday in my life na may magbibigay sakin ng regalo na may halaga. Hindi man mahal pero may dahilan kung bakit ito ibinigay sakin.

Nakakainis nga lang dahil hindi ako naisipang gisingin ni Yaya. Tingin nya siguro ay gusto ko syang sakmalin o kung ano dahil sya ang nakasanggi kay Alvin.

Kahit magalit pa ako sa kanya ay hindi na rin nanaman mababalik ang nagkapira-pirasong parte nito. There’s no need to cry over some spilled milk.

Nang tumigil na ang tricycle sa harap ng eskuwelahan ay nagbayad na ako kay Manong driver at mabagal na lumabas buhat nang hirap pa rin ako sa paglalakad.

Pawis na pawis na ako nang tuluyan na akong makapasok ng classroom. Buti nalang at break time na kaya wala na kong poproblemahin kung may maiistorbo man ako klase sa pagpasok ko. Since wala namang bantay o tao sa guidance ay hindi na ko humingi ng late pass.

Wala akong naabutang tao at napakatahimik sa loob. Ibinaba ko na ulit ang bag ko sa tabi kong upuan na wala namang nakaupo.

My heart almost jumped out of my chest sa biglang pag sulpot nalang ni Joshua. Gusto ata nitong mayabang na ito na atakihin ako sa puso.

“You’re late.” I ignored him at nagkunwaring may kinukuha akong gamit sa bag.

“I said you’re late.” Pag-uulit nya.

“Well duh, thanks captain obvious.” Inilabas ko nalang ang target-lists-notebook ko para mag doodle na lamang.

“So, what’s the excuse?” Pang-uusisa nya.

I can’t seem to understand kung bakit ayaw nya kong tantanan. Ako lang ba sa buong Hallmark ang hilig nyang puntiryahin? O baka nahihirapan syang intindihin na ayokong makisakay sa trip nya?

“I forgot to tell you na pinag-uusapan ka ng mga estudyante sa cafeteria.” He easily caught my attention with what he said. Nung una ay medyo nanibago ako dahil nag tagalog sya pero mas nabahala ako sa sinabi nyang pinag-uusapan ako ng mga estudyante.

Pagsapit ng umaga (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon