Pagpapakilala

4.9K 67 4
                                    

Ano ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO?

Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba?

Maraming Anime Lover ang nagbabasa ng Manga at nanunuod din ng mga tinatawag nilang "Yaoi, Yuri, Trap, Shonen-Ai, Harem, Smut at marami pang iba."

Marami rin namang mga lalaki ang nagsasabi na *insert mura* nakakaloko ka ba? Bakla ka ba ha? nanunuod ka ng walang kapararakan na yan? Ano ka Chicks?!!

At dahil dyan sa mga ganyan, naisip kong tumigil na sa panunuod ng anime. Bakit nga ba ako manunuod kung sinasabi ng mga tao sa paligid ko na nakakabakla daw yun.

Gusto ko nga silang sampigahin o suntuntukin dahil sa kitid ng utak nila pero ayaw ko namang mabaranggay kaya hinahayaan ko na lang.

Pero para sa inyo ano nga ba ang BOKU NO PIKO?

Sa akin?

Yan ang Anime-Manga na nagpabago sa sarili ko.

Iyan ang kwentong pilit kong kinakalimutan kasabay ng isang kaibigang palagi akong hinahatid-sundo sa eskwelahan.

Ako ay isang simpleng gwapong nakasalamin dahil sa pagtitig sa computer. Mahilig sa Anime at mga novels. May sariling kwarto na puno ng mga colection ko at syempre, Grade eleven na ako.

Ako si Noel Jhon McGeorge. Isang Half Scotish, half Filipino na mas mukhang pinoy kesa pagiging banyaga.

Ito ang kwento ng buhay ko ngayong may K-12 na ang bansang Pilipinas.

Sino ang bwisit na lalaking nagpapanuod sa akin ng BOKU NO PIKO?
Tsk. Malalaman nyo rin.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon