CHAPTER 1

1.5K 108 50
                                    

Aiden Azrael

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aiden Azrael

"Anak bangon na! bumaba ka na diyan para makakain ka na!" sigaw ng aking Inay at rinig ko ang kalansing ng plato at kutsara mula sa baba.

"Sige po Inay hihilamos lang ako sandali, susunod na din po ako!" sagot ko kay Inay habang naghihikab at nagpapatanggal ng antok.

Maya-maya ako ay nagligpit na ng aking hinigaan bago dumiretso sa banyo para gawin ang aking mga Morning Rituals, pagkatapos ko maghilamos ay pumanhik na ako papunta sa hapag kainan at naabutan ko ang aking mga magulang na naguumpisa nang mag-umagahan. Pumunta ako sa pwesto ni Inay upang humalik sa kanyang pisngi ganun din kay Itay na tahimik na nagbabasa ng diyaryo.

"Oh nariyan kana pala anak halika na para makapag-almusal na tayo." wika ni Inay. At ako ay umupo na sa tapat ni Inay.

"Kamusta naman tulog ng aming Prinsesa?" tanong ni Itay saakin kaya napangiti naman ako kasi lagi akong tinatawag ni Itay na Prinsesa kasi alam at tanggap ni Itay ang aking kasarian at kapag may nambubully sa akin si Itay ang aking tagapagtanggol.

"Ayos naman Itay wala paring nagbabago cute parin." natawa naman kaming lahat. At nagpatuloy na kami sa pagkain ng aming almusal pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagpresenta na maghugas ng aming pinagkainan.

Hindi pala ako nagpapakilala, hello ako nga pala si Aiden Azrael, 20 years old, pero hindi sa pagmamayabang ako ay maputi, singkit, may magandang hugis ng mukha, mala rosas na mga labi at cute size na height. At syempre ako ay isang gay pero hindi ako crossdresser tulad ng ibang gay.

Pero minsan napagkakamalan akong babae o kaya naman tomboy dahil sabi nila maamo daw ang aking mukha at ang kutis ko ay parang babae sabi nila.

May mga lalaking nagkakagusto sakin ngunit di ko pinapatulan dahil ang priority ko ay ang aking mga magulang nais ko silang mabigyan ng magandang buhay dahil di naman kami mayaman, ang aking Itay ay isa lamang na magsasaka at ang Inay naman ay isang tindera sa palengke.

Kaya ngayong araw ay maghahanap ako ng trabaho upang makatulong ako sa mga magulang ko, magaapply ako bilang isang secretary ngunit bago yun maghahanap muna ako ng kompanya. Pagkatapos ko naghugas ay pumunta na ako sa kwarto ko upang mag-ayos habang maaga pa baka mahirapan ako maghanap kasi di ganun kadali maghanap ng trabaho.

Pagkatapos ko mag-ayos at hinanda ang mga kailangan ko sa pagaapply ay pumanhik na ako pababa upang magpaalam kay Inay at Itay at naabutan ko si Inay na nagaayos para pumunta sa palengke at magtinda, si Itay naman ay ganun din dahil siya'y magtatanim at maghaharvest ngayon.

"Oh anak mukhang ayos na ayos ka ah, saan ang date? saka bakit wala kang pinapakilala sa amin ng Inay mo? hmmmm." tanong ni Itay na parang nagiisip.

"Itay naman! wala akong date kita mo naman po na wala nga akong boyfriend manlang, saka magpapaalam po kasi sana ako na pupunta ako maghahanap ng trabaho para kahit papano makatulong ako sa inyong dalawa ni Inay." wika ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Di ka namin pipigilan anak kung yan ang gusto mong gawin basta mag-iingat ka at alam mo naman ang kalagayan mo, iniingatan ka lang namin anak kasi nag-iisang anak ka lang namin at mahal na mahal ka namin ng Itay mo." mahabang lintaya ni Inay saka nila ako kinulong sa yakap nilang dalawa.

"Mahal na mahal ko din po kayo Inay at Itay gagawin ko po ang lahat para maiahon ko po kayo sa kahirapan laban lang po at wag po kayong magalala mag-iingat po ako para po sa inyong dalawa, sige na po tama na po ang drama baka gabihin pa po ako sa paghahanap, mauuna na ako sa inyo Inay at Itay magiingat din po kayo." wika ko sa kanilang dalawa saka humalik sa kanilang pisngi at nagpaalam na.

"Babye po love you." paalam ko saka nagumpisa nang naglakad papunta sa sakayan ng jeep.

Habang naglalakad ako parang nararamdaman ko na may matang nakatitig sakin at binabantayan ang mga kilos ko ngunit pinabayaan ko na lamang baka yung mga tao lang na nakakasalubong ko baka nililingon lang nila ang kakyutan ko, biro lang po.

Nang makarating na ako sa sakayan ng jeep ay agad na akong sumakay dahil di pa ganun karami ang nakasakay at habang naghihintay ng iba pang pasahero biglang nagvibrate ang keypad na cellphone ko kaya agad kong dinukot sa bulsa ko upang basahin kong sino ang nagtext ngunit nagulat ako sa nabasa ko parang kinakabahan ako na hindi ko alam.

099*******4

"Such a beautiful bunny and nice butt hmm, I can't wait to ravish that f*cking sexy body of yours and also to claim what's mine."
-BB.

Dahil sa di ko naman kilala ang nagtext baka wrong send lang, sana wrong send lang kasi sobrang kinakabahan ako parang di maganda ang dating ng kanyang sinasabi o baka nantritrip lang, sana nga ganun lang, pangungumbinsi ko sa sarili ko pero bakit ganun ang epekto sakin parang di ako mapakali at ayan nanaman ramdam ko nanaman na may matang nakatitig sakin, kaya pinakalma ko muna ang sarili ko, maya-maya ay umandar na ang jeep na aking sinasakyan ngunit di parin mawala sa isip ko yung nabasa ko sa text kanina, erase wala yun wrong send lang saka nantritrip lang yun sabi ko sa isip ko.

"Manong bayad po! makikisuyo po ng bayad, Manong isang bayan lang po." wika ko dahil baka mamaya makalimutan ko pa magbayad mahirap na baka magkatitulo ako na Cute na Budolero, at sinuklian na agad ako ni Manong. "Salamat po." pagpapasalamat ko.

Pagkarating ko sa bayan at nilibot ko ang paningin ko at nag-isip kung saan ako magsisimula, biglang nagvibrate ang phone ko kaya kinakabahang kinuha ko nanaman ito sa bulsa ko ngunit noong mabasa ko ang text bumalik nanamn ang kaba ko sa dibdib, sino ka ba bakit ayaw mo ako tigilan wika ko sa isip ko.

099******4
"See you soon my beautiful bunny and I warning you wag mong subukang makipaglandian kahit kanino iba ako magalit."
-BB.

Binura ko ang message na yun at saka nagumpisa nang maglakad, hindi dapat ako magpaapekto doon pero nanlalambot nag tuhod ko parang napakadelikado naman ng ng taong iyon. Basta bahala na trabaho ang hinahanap ko para sa magulang ko, laban lang kaya ko ito.

______________________________________
Hello mga kaungol sana magustuhan niyo, pasensiya na kayo ah, di pa ako ganun kabihasa sa pagsusulat ngunit ginagawa ko lahat ng makakaya ko para maging maganda itong kwento na ito. Maraming salamat sa inyong lahat akala ko walang makakapansin pero mayron po pala kaya salamat po.❤

📍Plagiarism is a crime
Please follow and vote💕
@Jayjaymoan😻

El Monstruo [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon